Marinig ko lamang ang iyong tinig
Mga nais gawi'y tila napatigil
Kay tagal kong ninais kang makausap
Ngayo'y natupad ang pangarap.
Akala ko, walang patutunguhan
Ating walang katulad na pagsasamahan
Binigyan mo ako ng pagkakataong
Ipakita kung saan ang aking puso'y nakatuon.
Hanggang kailan ba kita dapat hintayin?
Ngunit di ba dapat ako ang tatanungin
Huwag na nating hintayin
Ang araw bago pa ito magtakip-silim.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
haha.. nice.. tagalog jud.. never tried writing one.. thanks for sharing!