Wala akong maihahandog na aakit sayong mga mata
tanging ang sarili ko ang iyong makikita
walan ni kunting ginto sa bulsang nakatago
kundi ang umiibig at humahangang puso
ang damit ko ay luma at di ko pinapalitan
sapagkat ito ang alam kong totoong larawan
ang pagkatao kong minsan na ring nadungisan
ay hindi nababalutan ng kasinungalingan
kaya kung ako'y minsan mong di nagustuhan
hindi ko ipagkakailang ako'y may paninindigan
dahil aanhin ko pa ang pagkilala sa aking kagalingan
ngunit ito naman ay walang katotohanan
kung mahirap man ito matangap at maintindihan
hayaan mo akong magparamdan kahit sa tula na lang.
(madero/26august2011naga)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem