Usad Poem by Grace Svensson

Usad

Naranasan mo na ba na maramdaman
Parang nawala ang lahat ng iyong pinag-ipunan
Inipon na pagmamahal, inipon na tiwala
Tila bigla na lang naglahong bigla

Ikaw ay hindi nakahanda
Walang anong agam-agam
Walang pag-aalinlangan
Na ikaw ay bigla na lang palang iiwan

Ibinuhos buong pagmamahal
Iyong buong sarili ay ibinigay
Lahat ng tiwala mong taglay
Hinayaan na lang lumipad sa kalawakan

Aking kaibigan, bumangon ka
Huwag sayangin ang iyong oras
Sa walang kakwenta-kwentang bagay
Buuin ang sarili at umusad ka.



Cpyright Grace Svensson
December 11,2018

Tuesday, December 11, 2018
Topic(s) of this poem: heartache,hope,life,love,time
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success