Magmula noong ikaw ay lumisan
Puso ko ay lubhang nasugatan
Ngunit 'di naisip na ikaw ay palitan
Pagkat kirot sa puso'y 'di kayang ibsan
...
What can I do my eyes sees only you?
Even in my dreams there was always you
Now tell me what's the right thing to do?
If my heart beats for someone like you?
...
Bakit ikaw pa ang aking minahal?
Gayong hindi ikaw ang laman ng dasal
Kung pag-ibig lang sana'y naaaral
Puso'y tuturuang sa iba magmahal
...
Habang nakatitig sa himpapawid
At sa mga tala ako'y nakamasid
Walang masambit dila'y nauumid
Luhang nangingilid aking pinapahid
...
Paniwalaan mo ikaw ay mahal ko
Pag-aalinlangan alisin sa isip mo
Pagkat puso ko ay pag-aari mo
Pakaasahan mong ako'y iyong iyo
...
Believe me when I say I like you
For I want every inch of you
Believe me when I say I need you
For my days are empty without you
...
Sa lahat ng sakit na iyong tiniis
Sa mga salitang dinamdam ng labis
Kapatawaran mo ngayon ang nais
At sa piling ko'y huwag umalis
...
Tayo noon ay nagsumpaan
Anumang mangyari'y walang iwanan
Ngunit ngayon ay may alinlangan
Sa pag-ibig nating walang katiyakan
...
Katulad mo ay isang Prinsesa
Pinalaki ng iyong Inang Reyna
Ang maibiga'y agad nakukuha
Ngunit bakit tila ka kulang sa sigla
...