Habang nakatitig sa himpapawid
At sa mga tala ako'y nakamasid
Walang masambit dila'y nauumid
Luhang nangingilid aking pinapahid
Nais kong humiling sa marikit na bituin
Pighati ay alisin sa aking damdamin
Kalabisan man na ito ay hilingin
Sana'y marapatin lumbay ko'y pawiin
Nagtatanong itong aking isip
Ikaw rin ba sa tala'y nakasilip
Dinarama dibdib na tumatahip
At sinasamyo ang hanging umiihip
Lamig nitong gabi kung iyong wawariin
Tumatagos sa nahihirapang damdamin
Pag-ibig ko sa'yo paano mo dadamhin
Gayong ikaw ay malayo sa akin?
Liwanag na mula sa kinang ng tala
Maaaninag umaagos na luha
Parang sa akin tala'y naaawa
Nauunawaan ang aking nadarama
Aking puso ngayon ay nananangis
Pagkat sa'yo ay nasasabik ng labis
Yakap at halik mong langit ang kaparis
Sa tala'y nasambit na iyon ang nais
January 18,2010
Riyadh, K.S.A.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem