Ellirie Aviles


Ang Grado Poem by Ellirie Aviles


Kung mamarapatin
muli'y aking sasambitin
Salitang nais iparating
ang tanging hinaing

'ang katayuan ay Ipaglaban!
Pagkat ang ating grado ay di kataasan!
ang pananaw ay patunayan!
upang sila'y maliwanagan! '

Pagkat di lahat
sa grado'y masusukat
talino't prinsipyo
di matukoy ng numero

Sa kasulukuyang lipunan
Tagumpay ay di si top1
maging hamak na drop out lamang
basta't may prinsipyong ipinaglalaban

Mananaig parin ang katalinuhang
nakakubli sa likod ng paaralan
lilitaw at lilitaw ang katotohanan
na ang grado'y mga numero lamang

Tintang nakaimprenta sa papel
na maaring kasinungalingan
Na inembento ng gurong mapapel
buhat sa impyernong pinanggalingan

Bagamat itong aking ipinaglalaban
hindi upang grado'y kalimutan
sa trabaho'y magagamit, sa panghihimasukan
sa mata ng boss na grado rin ang sandalan

sa mga guro't boss na tinamaan
nais ko rin naman po'y kapayapaan
marahil hindi ninyo kasalanan
dahil ating sistema'y tunay nang pinaglipasan

sa simula't dulo ito pa rin ang gamit
kaya kaunlaran ay di makamit kamit
ito'y isang malubha't nakamamatay na sakit
na sa'ting buhay ay walang 'sing pait. XD

Submitted: Tuesday, April 16, 2013
Edited: Thursday, October 03, 2013

Do you like this poem?
0 person liked.
0 person did not like.

Form:


Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Comments about this poem (Ang Grado by Ellirie Aviles )

There is no comment submitted by members..

Famous Poems

  1. Phenomenal Woman
    Maya Angelou
  2. Still I Rise
    Maya Angelou
  3. The Road Not Taken
    Robert Frost
  4. If You Forget Me
    Pablo Neruda
  5. Dreams
    Langston Hughes
  6. Annabel Lee
    Edgar Allan Poe
  7. Caged Bird
    Maya Angelou
  8. If
    Rudyard Kipling
  9. Stopping by Woods on a Snowy Evening
    Robert Frost
  10. A Dream Within A Dream
    Edgar Allan Poe
Trending Poets
Trending Poems
  1. If You Forget Me, Pablo Neruda
  2. Still I Rise, Maya Angelou
  3. The Road Not Taken, Robert Frost
  4. Dreams, Langston Hughes
  5. Daffodils, William Wordsworth
  6. Phenomenal Woman, Maya Angelou
  7. A Dream Within A Dream, Edgar Allan Poe
  8. Stopping by Woods on a Snowy Evening, Robert Frost
  9. If, Rudyard Kipling
  10. Annabel Lee, Edgar Allan Poe
[Hata Bildir]