Sa gabing 'di mapakali
panaginip, sa'yong kandili
paglayang minsang sandali
di kailanman nanatili
Kung dila'y apoy na sisindi
sa puso ng taong pinupundi
sana'y gayon din, aking lapis
o pluma'y pumawi sa hinagpis
Kung ang bakas ng nakaraan
ay malupit at madugong digmaan
ano p'ang lulupit sa kasalukuyan?
ang tao't baya'y nilapastangan
ano p'ang sa galit ay sisidhi?
Sa magnanakaw ng lupang inaari,
pumapaslang sa dugong pinupuri;
Ang dayuhang s'ati'y naghahari!
Hindi lingid sa aming kaalaman
hindi kadalian ang tinahak na daan
ngunit pinuno ka kung tawagin
kaya't h'wag sarili ang atupagin!
Sa talinong handog sa bawat nilalang,
Sa isip na tila 'lang hangganan!
Sa yamang ibinahagi sa ating bayan,
bakit di tanaw ang kaunlaran! ?
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem