Ang nayon ng Nangka, sa Marikina ay dulo
Di ibig sabihin kami na’y dehado
Kung dati ay barrio ng mga obrero,
Driver, pahinante, farmer, sapatero
Ngayon ay barangay ng mga may aral
Mga negosyante’t mga professional
Sa sipag at tiyaga ay nagsipagtapos
Mga nagsilaki na mayroong takot
Sa batas ng tao at batas ng Diyos
Pag-unlad ng Nangka ay ating ituloy
Sa peace and order, livelihood, saka edukasyon
Sa atin ang gawa, ang hirap at pagod
Ang gabay ay mula sa Panginoong Diyos
Ang nayon ng Nangka dati’y naliligid
Ng mayamang ilog, gubat saka bukid
Sa likas na yaman siya ay sagana
Biyayang natural ngunit ngayo’y wala
Kung magagawa pa ay ating ibalik
Ang linis, ang ganda’t yaman ng paligid
Mga ka-barangay, Gising! Kilos! Bangon!
Ang green environment ay ating isulong!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem