Mas masarap gawin
Patago sa ibang tao
Mga sikretong itatago
Lumalangoy sa kaligayahan
Mas gusto’y hindi normal
Gustong itama ang mga mali
Baluktot na ayaw ng ituwid
Labag sa utos malayang nilalasap
Ipinaglalaban kahit sumusuway
Sariling kagustuhan at layaw
Gagawa na paraan na di mapigil
Payo at paalala’y hangin na lang.
Gusto lamang mapaayos sariling buhay
Bawal ay isang tanda lamang ng pag-iingat
Sa takdang panahon kaya ng hawakan ng may responsibilidad.
Ang bawal ay isang obligasyon ng may pagmamalasakit
at pagmamahal sa kapwa.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem