Nahihiya ka lang sabihin na ayaw mo na
Dati’y sobrang saya pa tayo habang nag-uusap
Kahit anong kuwentuha’y maligalig na tayo
Oras oras, araw-araw ay walang patid ang lambingan
Lumipas ng kaunting buwan o taon ay may unti-unting nagbabago
Nawala na ang mga nagbabaga mong mga pagsuyo
Tumatabang na ang dati mong mga matatamis ng pagtingin
Naging tag-araw ang dati mong tag-ulan o bagyong pagmamahal
Masakit maramdamang nanlalamig ka na sakin
Wala ng mga kislap ang mga mata’y habang
may sinasabi ako sayo
Hindi ka na makulit na tanda ng maalab
at mainit na pagkagusto sakin
Wala ka ng mga kusa at sopresa para libangin
at pasayin ang aking puso
May mga mga pagtatalo na tayo na
hindi naman nangyayari noon
Kapiranggot na bagay ay pinagtatalunan na
Hindi katulad dati’y panay ang paumanhin
at sorry mo
Dahil nagsawa ka na o may ipapalit kang bagong pag-ibig,
Ay dahan-dahan ka ng gumagawa ng mga dahilan
Inuunti -unti mo ng sinasanay saktan ang damdamin ko
Para ba hindi nako mabigla kung iiwan mo na ako?
Dahil gusto mo ng bumitaw ay natuto ka ng
magsabi ng hindi totoo
Maging tapat sa iyong nararamdanan
at sabihin ang tunay nararamdaman
kahit pa may masasaktan
Huwag gawin ang dahan-dahan sa pag-iwan
dahil mas doble pa ang sakit na mararamdaman
Pagnilay-nilayan ang magagandang pinagsamahan
bago ito iwalay
Dahan-dahan pag-isipan kung ano
ang tunay na pagmamahal na aasa lamang
sa emosyon kung iiwan mo siya agad
Bago pumasok sa relasyon na napakumplikado,
dahan-dahan ibigay ang puso sa isang tao
Dahan-dahan ituon muna ang pagmamahal
sa mga nangangailangan nating mga magulang at kapatid
Muli, dahan-dahan sa pagpasok
at mahirap makalabas sa sitwasyon
na ikakasira ng ating buhay
na matagal pa bago makabangon.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem