Ang mga alaala
Ng pagsuyong kay saya
Ang tamis ng bawat yakap
Na ngayon ay nasaan na?
Ang mga gunita
Ang hatid nitong hapdi
Ano nga ba ang sanhi?
At ako ngayo'y sawi?
Ang ligaya at lungkot
Sa buhay na masalimuot
Sanhi ng tuwa' t kirot
Lahat ikaw ang nagdulot
Ako nga ba' y minahal?
O sadyang ako' y hangal?
Nang ibigin kang tunay
Buhay sa iyo ay ialay
Ako nga ba’y inibig?
O binulag lang ng iyong bibig?
Umasa sa iyong tinig
Pangakong iginuhit sa tubig
Ano nga ba ang dahilan?
At ako ngayon ay luhaan
Hinahanap ang iyong bisig
Malabo man ang iyong pag-ibig…
matthewedanolivernpalma-
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem