Unang nakita kita sa malayuan
Agad agad akong kinabahan
Sa waring ako na namay may kababaliwan.
At susuyuin ng walang patumanggan
Nilapitan kita't akoy nagpakilala
Sa isang dyosang sa aki'y biglang sinasamba!
Pagka't kabaliktaran ng ma-aasahan
Sa tulad mong ubod ng kapangitan
Nguni't di ko pinansin na ika'y ganyan
Basta't tapat na pag-ibig ang aking maa-asahan
At di ko inantala ang iyong pagkululang
Basta't puso mo'y busilak at may kagandahan
Di ko alintana na balat moy uring naagnas
Sa kurikong at buni na may nanang tumatagas
Pati buhok mong naninikit sa dumi at maligasgas
Sa amoy palang pati'y kuto'y tumatakas
Mangha rin ako sa mga ngipin mong butas-butas
Sa kapal ng pagka-dilaw pati langaw ay nadudulas
Hininga mong masansang naa-amoy ng madalas
Lahat nang masalubong natin hawi mo ang ating landas
Ewan ko kung bakit ako nabighani
sa kapangitan mong katangi-tangi
Di alintana ang punang nakakbingi
Kung bakit daw ako umibig sa isang masamang guni-guni!
-LVC, M.A
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem