Init Ng Aking Pag-Ibig Poem by Paul Pruel

Init Ng Aking Pag-Ibig

Simula na ang tag-lamig
Si Inday na’king inibig
Kailangan n’ya ng init
Ang aking yakap at halik

Nguni’t ang layo n’ya’y milya
Sa akin na kan’yang sinta
Puso ko ay nananamlay
Dahil kami ay hiwalay

Tuloy ako’y nangangamba
Kay Inday baka magwala
Dahil sa pangungulila
Sa akin – siya’y mawala

‘Wag lang magtampo’t magalit
Ibibigay ko ang langit
Init ng aking pag-ibig
Lahat sa’king pagbabalik

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Paul Pruel

Paul Pruel

Guiuan, Eastern Samar
Close
Error Success