! ! ! Ipinintang Tula Poem by Inner Whispers

! ! ! Ipinintang Tula

Rating: 2.9


Ipinikit ang mata, balintataw mo ay nakita
Kaakit-akit ang pungay ng iyong mga mata.
At sa paglapit mo sa kinauupuan ko, sinta
Tila kinapos ang aking paghinga,
Masalsal na tibok ng puso ko na lamang ang narinig bigla.

Sa saliw ng kanta'ng 'Let Me In', napatitig ka sa akin
Umiwas sa titig mo, kagat-labi ako ay napayuko
May kumulay sa pisngi ko, alam ko kung ano
Pamumula na di ko maiwasan, dikta ng nasasabik na puso!

Ang tagal...

Katumbas ng limang minuto ay oras 'ata ang lumipas
Papalubog na ang araw, ahh.. tila pakiramdaman na lamang.
Gustung-gusto ko nang tumayo, pakiramdam ko'y mainit na
Iiwas na lamang ba ako o magtitimpi, antayin ang kilos niya?

Hindi pwede...huwag...

Ikaw ay tumayo, hinawakan ang kamay ko
Tila gumewang ang akala ko'y matibay ko nang pagkakatayo
Napakapit ng mahigpit, sa iyong dibdib napalapit
Iyong hinapit, kamay mo'y naramdaman sa bewang ko kumapit!

Dyaske'ng pakiramdam, ipinagkakanulo ako
Lalo na't sa paglapit mo, naramdaman ko ang katal mo
Halata namang pilit tinitimpi, naninimbang, rumerespeto
Pangako mo'y igagalang ako at magiging maginoo!

Kakainis... ayoko nito! Di ako sanay!

Lumakad na nga tayo, binaybay ang kakahuyan
Magkahawak-kamay, tila walang makapaghihiwalay ng tuluyan
Ramdam ko, sa bawat pagpisil ng palad mo
Ang masidhing pagmamahal, oh, bakit ganito?

At sa paglubog ng araw, huminto tayo saglit
Upang panoorin ang kagandahan ng paligid
Kasabay ng papasapit na dilim, sa akin ika'y muling napatitig
At unti-unti kang lumapit, ako ay niyakap ng mahigpit!

Shit na malagkit, nagkadikit-dikit!

'I love you...sobra...' bulong mo'y mahina
Ngunit tila nagpabingi sa akin, ako'y nalunod bigla
Luha'y di napigilan, kagat-labi, napayakap din sa kanya
Di na maitago, di na maiwasan, alam ko, heto na...!

Kamay niya'y humaplos, buhok ko'y hinawi
Maginoo niya'ng idinampi, kamay sa aking labi
Sa mga mata niya, pahiwatig niya ay kung pwede
'Halikan mo ako', ang bulong ko, nagpatangay na sa kanyang pagsuyo!

Mahal din kita...

Halikan mo ako....

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success