Itinakda Ng Tadhana Poem by Eden Orbista

Itinakda Ng Tadhana



IN MY THOUGHTS FEB.20,2017

Bakit nga ba ang tadhana'y mapaglaro, at tayo'y pinagtagpo
Kung hindi rin lang tayo ang magkakasama sa dulo ng mundo
Tayo ba'y katulad ng isang matamis na awitin ng pagibig
Na patuloy na mamahalin at mananatili sa mga puso natin?

Sumubok tayong magmahal, wagas na pagmamahalan
Ang pag-ibig natin sa isa't isa ay walang hangganan
Sa ating puso ay mayroong isang sulok na kung saan
Tayo ay lalaging magkasama at duon ay mananahan.

Bayaan lang natin na tayo ay iduyan ng samyo ng hangin
Habang sa ating balintataw tayo ay buong sayang nakatingin
Mga mata natin ay may galak at mga puso ay nag-aalab din
Tadhana ay magbibigay-daan dahil wagas ang ating pag-ibig.

Sa bawat araw na magdaan, sa bawat oras na tayo ay magkasama
Ngiti ang dulot mo sa puso kong may alinlangan at pangamba
Lahat ng oras hangad mong ako'y mapaligaya pagka't bawat ngiti mo
At bawat tingin mo, ay nagbabadya ng ligayang mula sayong puso.

Dama ko sa yakap mo ang tunay mong damdamin para sa akin
Para bang ayaw kong matapos ang araw at oras ay tumigil
Sa pag inog upang ang mundong aking mapapanagimpan giliw
Ay ang iyong dalisay at ang wagas mong saloobin sa akin.

Kung bukas sa pagmulat ng ating mga mata ay di natin magisnan
Ang bawat isang magkatabi, mahal ko ay huwag mag alinlangan
Sapagka't sa bawat pintig nyaring ating mga puso ay naruon lang
Ang ating pangako upang ikaw at ako ay magmahalan ng lubusan.


Tulang aking kinatha para lang sa iyo πŸ™‚ Eden P. Orbista πŸ™‚ πŸ™‚ πŸ™‚

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
In love everything is inevitable.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success