Lola Kalima Poem by Hazelyn Usop

Lola Kalima

Kakayanin mo ang lahat para sa akin
Nariyan kana kahit noon ang suot ko pa ay lampin
Katulong ni ama’t ina sa hanap buhay
Minsan ika’y naglalako ng kakanin
Upang ang aking paborito pagkain ay iyong maihain


Ang sermon at pangaral na aking kinalakhan
Dunong na sa tahanan ko unang natutunan
Paglilinis, pagluluto, Pamamlantsa at paglalaba
Lahat ng iyan at marami pang iba ay kasipagang sayo nagmula
Ngayong ako’y nasa hustong gulang tiyak pakikinabangan ko na


Lagi kong napapatunayan na walang makakapantay sayo
Sa lahat ng sakripisyo at pagmamalasakit mo
Ikaw ang nagsilbing pangalawang ama’t ina ko
Pagmamahal na walang kondisyon at kalingang walang hangganan
Kaypalad ko talaga dahil ikaw ay nariyan


Inaamin ko minsay nangingitngit dahil ika’y masungit
At minsa’y kontrabida sa aking mga barkada
Ngunit alam ko iyon ay dahil sayong pag aalala
Minsa’y kay higpit at kay hirap unawain
Ito’y dahil sa magandang kinabukasan ko na iyong mithiin


Mahal kita LOlA ito’y aking patutunayan
Sa maykapal ang tangin kahilingan
Ang masuklian ang lahat ng ginawa mo kahit dina mapantayan
Ang tanging alam kong paraan upang ika’y mapasalamatan
Ay ang handugan ka ng pagmamahal at respetong sayo lang ilalaan

Ang kapatawaran mo ay hinihingi sa mga pasakit kong naibigay
Marahil dala lamang ito ng murang isip kong taglay
Na naninibago sa takbo ng buhay
Pangako lola aking pakatandaan ang iyong mga pangaral
Upang aking maibahagi sa aking mga apo balang araw

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success