Marangal Na Pilipino Poem by Obed dela Cruz

Marangal Na Pilipino

Rating: 5.0


Itong tula na ito ay para sa aking Diyos, pamilya, at bansa.

O aking bansang Pilipinas, kay ganda
Kahit anumang pagsubok ako ay handa
Kakayanin ko at ako'y magtatagumpay!

Ako'y isang Pilipino na may tiwala sa Diyos
Kaya ang aking pamamaraan ay laging maayos

Sa Diyos lang ako kakapit
Yayakapin ko sya ng mahigpit

Ako'y may isang marangal na pagkatao
Na hindi basta-basta lang magpapatalo

Salamat sa aking Diyos na tinutulungan nya akong maging isang tao na para sa Kanya. Salamat din sa pamilya ko na laging nandiyan.
Ako ay isang Pilipino na may puso
At mayroon akong Diyos sa aking puso

Sa Diyos lang ako magdarasal
Siya ang haring dapat ihalal

Purihin ang aking Diyos na nasa langit
Wala kang makikitang pagkapangit
Sana madalas na tayong mabait
Sana totoo ang lahat ng ating sinasabi
Na ang tula ito'y hindi galing sa aking labi

Ako si Obed Dela Cruz
At hindi ako susuko
Ipaglalaban ko ang tama
Pero ipapakita ko rin ang tama
Ipapamuhay ko ang katotohanan
At pupurihin ko ang aking Diyos.

Itong tulang ito
Ay hindi sa aking nguso
Kundi sa aking puso

Copyright © 2009 by Jochebed 'OBED' Dela Cruz

(To use this poem in a legal way, you could email me in princeobed_dc@yahoo.com but of course, you cannot own the poem because you will be violating the laws in information systems and copyright)

(July 20,2009; Marikina City)

COMMENTS OF THE POEM
yellowbell alamanda 28 October 2009

maka tindig balahibo ang iyong pagka makabayan, naway hindi lamang ilan kami na makabasa ng iyong tula. mabuhay ka!

0 2 Reply
Ency Bearis 18 August 2009

Napaka gandang tula at nasa kaibutaran ng puso ang pagkasulat...ikinararangal na hindi mapag kunwaring Pilipino...maganda ang iyong layunin ipag patuloy mo...10

0 2 Reply
June Feir-Cruz 27 July 2009

Obed, sa panahon ngayon - napakahirap maging tutoo, maging marangal o magpakatao. Maraming salamat sa inspirasyon na ibinigay mo. Bravo! ! Fondly, Tita June

0 2 Reply
Lycko Chizo 20 July 2009

Ok to ha you proclaim nati0nality and FAIth of us, Filipinos. You make me proud to be one. Mabuhay ka!

0 2 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success