'Mga ibong nakadapo sa sanga ng puno
Tila may pahiwatig na pagsusumamo
Wari'y nagbabadya ang unos ng panahon
Kaya't sila'y nagdarasal sa panginoon
Habang nag umpisa ang liwanag ng araw
Na magtago sa dilim ng kapaligiran
Mga ibon ay tumahimik sa kawalan ng ilaw
Ngunit tanaw panglaw ng kalangitan
May kakaibang lungkot aking nadarama
At bumabalot sa aking gunita
Itong disyerto na lihim ang pagdurusa
At galing sa ulap ang mga luha
Ang hangin na humahampas sa akin
May bigat sa dibdib at sa aking paningin
Na ang pangarap at lubos kong mithiin
Ay makaalpas at makauwi na sa amin.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem