! ! ! Milo Na Lang, Anak ~ Poem by Inner Whispers

! ! ! Milo Na Lang, Anak ~

Rating: 2.6


Kahapon, Father's Day... wala lang, dedma lang
Bakit hindi, dedo na si Tatay, ano pa ang dahilan?
Wala nang Tatay na dadalaw, wala nang Tatay na isasayaw
Sa awiting 'Tipiti-pitim', wala na ring tutungayaw.

Dati-rati, bitbit ni Tatay ay 'sang katerbang sumang malagkit
Sa pagdalaw niya sa aking studio, ni minsan ay sa isip niya'y di nawaglit
Marahil ay ayaw niya'ng maglupasay ako ng iyak sa sahig
Kapag sa pagdalaw niya'y wala siya'ng bitbit at 'di kumapit sa kanyang bisig!

Sa apat na magkakapatid, wika ni Tatay, ako ang pinakamabait
Saksakan ng tigas ng ulo, lampas - langit ang pagka-makulit.
Biruin mo nga naman, ang sumang malagkit
Di na lang gawing 'biko' nang di na lagyan ng gatas at milo, ang kulit!

Pero...nagpaalam na siya, isa't kalahating taon na...
Ang paborito ko'ng suman con gatas at milo ay akin nang nakalimutan.
Kahapon, ang tamlay-tamlay ko, tila may kulang sa pagkatao ko
At ngayon nga, sa paghabi ng tula'ng ito, nangingilid ang luha sa mga mata ko!

Mapalad kayo... Hayan, hindi absent ang Tatay n'yo
May yayakapin pa kayo, may kakalinga'ng Tatay pa sa inyo,
Wika nga ni Tatay noon minsang nanunulis-nguso ako:
'Madali ang maging Tatay, Anak, given na 'yan...
Pero mas mahirap magkaroon ng anak na saksakan ng topak! '

Miss ko siya... ibinulong ko kahapon: 'Tataaaay! Suman ko! '
Habang tinitignan ang nakangisi niyang litrato.
Wala...nakangiti lang siya...tila kumindat pa nga
Dyaske, kirat naman talaga siya, kakulitan ko'y umandar na naman
Sumagot siya: Milo na lang, anak, out of stock ang suman! '


Kainis... ayoko na... luha ko'y pumapatak na.
'Tang... ('tang-in-umin mo wag MILO!) napapamura tuloy ako...

Miss kita, 'Tay... Miss kita.

Monday, June 21, 2010
Topic(s) of this poem: father daughter
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success