Isang araw habang naglalakad ako sa daan
Mayroon akong magandang nasulyapan
Na matagal kong pinagmasdan
Dahil di mawala sa isipan
Tila may anghel mula sa langit
Ang nasilayan ko ng ilang saglit
May mapungay na matang kaakit-akit
Na sa puso’y kumakapit
Isa siyang magandang binibini
Pino ang kilos na talagang mayumi
Kutis ay ulap sa puti
At may cute na pulang labi
Nais kong malaman pangalan niya
Ngunit ako ay nangangamba
Kung mabibigyan pansin ba?
Nang anghel na tulad mo “miss maganda”
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem