Kamusta ang igan kong maganda?
Patawad kung di na madalas ang aking pagpunta
Upang madalaw at makausap ka
Di ibig sabihin na ako’y nakalimot na
Ganito ang tunay na magkaibigan
Hindi nawawala ang kanilang ugnayan
Dahil napagtitibay ang samahan
Kahit na malayo o malapit man
Kahit na tayo ay magkalayo
Ang tiwala ay nakatatak sa puso
Dahilan na kahit mabigo
Ay nagkakaroon ng lakas ng loob upang tumayo
Sana parati kang nakangiti
Dasal ko iyon palagi
Nagbibigay sigla upang magpunyagi
Nang sa bawat problema’y magwagi
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem