Paulit - Ulit Na Katanungan Poem by Bernadette Camara

Paulit - Ulit Na Katanungan

tama na ang pagiyak,
pagod na ang aking
mga matang lumuha.
pagod na rin ang
puso kong masaktan,
mahirap na pinagdadaanan
ay kakayanin nga ba ng nag iisa?

at tila ba ayaw ng kasama.
sabi nila lahat
ng problema ay
may solusyon.
meron nga ba?
tanong na palagi
sa aking isipan.
hindi na umaasang
magiging maayos
ang lahat.

ngunit walang ni ibang
masisi kundi ang sarili,
tama nga ba? ? ?
tama ba? ? ?
dahil hindi pwedeng
sisihin ang iba,
dahil hindi rin naman
nila ginusto na
mangyari ang lahat.

ako'y naguguluhan
talagang naguguluhan na.
naiipit sa sitwasyong ito,
marahil lahat ng ito
ay pagsubok lamang.
masaktan, umiyak, madapa.
kakayanin ko ba? ?
tanong ko sa aking sarili...

hindi ko na iniicp ang aking sarili,
balewala ng masaktan,
wag lang ang mga minamahal.
makasarili ba ako?
kung hindi ko sabihin
ang aking tunay na nararamdaman.?

nasasaktan na ako ng lubusan.
hindi na alam ang gagawin
tuwing nasasaktan.
walang malapitan upang iyakan.
lahat ay nagawa na para hindi
maapektuhan, ngunit
patuloy paring hinahabol
ng masasakit na nakaraan.

ang kahapon ay hindi
na maaaring ibalik.
ngunit ang mga mali
ay maaaring itama.
tama nga naman.

wala na akong maisip
na paraan para
maayos ang lahat.
lahat ng pinaghirapan
ay magiging abo nalng
mga sinunog na ala-ala
mabubuo paba?

Siguro ay binigay
na pagsubok ito ng
maykapal, ng sa gayon
ay mas maging matatag.
at ngaun ay handa na
ako sa mga darating pang
pagsubok sa aking
buhay.

matatag na nga ba ako?
kaya ko na nga ba?
o kaya ko pa ba?
kaya ko paba?
o susuko na?
susuko na nga ba?
o ipagpapatuloy pa?
laban ko ito., kaya KAKAYANIN KO.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success