'Sa bawat puso'y may nakatagong lihim
na sa dibdib tahimik na kinikimkim
kung sa gabi maisip ang mga mithiin
mga pangarap na sa langit ka dadalhin
pero kung munting lihim sadyang malantad
sa sinisintang walang hanggang katulad
parang ibon na nakawala sa pugad
at sa puso ng nililiyag napadpad
kapag malaman ng sinisintang tunay
at tamis ng ngiti ang kanyang ialay
mistulang paligid mo'y parang ilawan
pagkat napapawi ang lahat ng lumbay
umikot man ang araw sa'ting kanluran
at mahabang panahon ang s'yang magdaan
hindi maglalaho pag-ibig na tunay
kahit matagal nawala at naiwan.'
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem