Paglingon Sa'Yo Nanay Poem by Captain Herbert Poetry

Paglingon Sa'Yo Nanay

Rating: 5.0

Pagkakasyahin ang natitirang sahod
Sumasakit ang ulo sa sabay-sabay na problema
Sa madaling araw pa lang ay gigising na sa pagluluto
Stress na agad sa pagbangon sa mga anak at pag-asikaso

Ihahatid, aayusin mga gamit, at mga baon sa eskwela
Kaunting panginga lang ay maglalaba’t linis ng bahay
Sa gabi’y tuturuan at aalagan ang buong pamilya
Losyang na at di magkaahog sa daming gawain

Sa pagsilang pala ng anak ay simula ng matinding reaponsibilidad
Minsan galit, maingay, mataas ang bosea ng dahil sa matinding kapaguran
Luluha na lang sa mga pasaway at rebeldeng anak
Sa sobrang pagmamahal ay tinitiis lahat makakuha lang ng diploma ang anak

Lumuluhod sa pananlangin sa pagbabago sa mga masasamang bisyo ng anak
Todo-todong suporta sa mga gusto kahit mahal ay binibili
Kahit wala na siya basta may bagong gamit o gadget sila

Pasyal dito, pasyal doon basta maging masaya lang
Bantay at protekta sa magandang kalusugan
Ginagabay kung anong nakakabuti sa kinabukasan
Payo ni nanay minsa’y walang nakikinig at binabalewala

Daming kahilingan at utos ng mga anak na parang alila at katulong sa bahay
Walang sahotd, walang day-off, at walang katapusang pag-aaalala dahil sa dalisay na pagmamahal ni ina
May over-protective, may bigay-hilig, at may sobrang higpit na ina
Iba’t ibang karanasan subalit isa lang ang pangarap kundi buhay na ganap ng mga anak

Sa pagtanda ni ina’y may dumadalaw at nagtiyatiyaga rin
Malabo ng ang mata, mahina ang pandinig at tampuhin
Hirap na hirap na alagaan si ina subalit kaunting pansin lang ay sobrang saya na ni Nanay
Ihi at dumi’y nakakadiri subalit tinitiis ni nanay noong sanggol pa tayo
Di makatagal sa pagbantay pag may sakit subali si Ina’y walang tulog sa pagbanta’y hanggat di pa magaling.

Mahal po kita Nay, hindi ko matutumbasan pagmamahal mo
Mababata o mataas man naabot namin ay sobra pa rin ang pagmamalaki mo sa amin
Mga tagumpay at pagbagsak namin ay tinataas mo pa rin kami na parang mga tala
Kahit sino at ano pa tayo, ipagtatanggol at ipaglalaban niya pa rin tayo kahit saan

Hinahanap ang yakap ni ina sa ating pag-iyak
Siya pa rin ating takbuhan kapag wala na tayong mapuntahan
Mga boses at pangaral niya’y umaalingangaw at naririnig na nung tayo’y malaki na
Sa laging paglingon sayo Nanay hindi maliligaw ng daan at maraming tamang desisyon sa buhay ay laging dadaloy sa aming buong katauhan.
tayo’y malaki na
Sa laging paglingon sayo Nanay hindi maliligaw ng daan at maraming tamang desisyon sa buhay laging dadaloy sa aming buong katauhan.

COMMENTS OF THE POEM
Henry Garcia 08 May 2015

Translated in the love and sacrifice of a mother. Great poem

0 0 Reply
Bernadette Fernandez 08 May 2015

a very touching at nakakaantig sa damdamin. Mahusay

0 0 Reply
Bernadette Fernandez 08 May 2015

Very touching poem. Beautiful (Napakaganda)

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success