! ! ! Pait Sa Busilak Na Hangad Poem by Inner Whispers

! ! ! Pait Sa Busilak Na Hangad



Salimbayan
ang di mawaring iniisip…
Dapat bang isipin KITA
o SIYA…
o SILA?
Hindi nga ba’t dapat ay
AKO?

Ilang pait pa ba ang titikman
mapawi lamang ang pait
na hangad ng busilak na hangad?

Pilit kumakanlong
sa temporaryong pagkalulong.

Sa dulot na saya
ng pait sa pagkagumon…
hangad na busilak
pilit pinagtatakpan, tinatanggap
pait na dulot ng reyalidad
hinahayaang lumantad
isabuhay, magpanggap!

Ah…hanggang kalian mapagtatakpaan
Ng pait ang busilak na hangad?

-innerwhispers-

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
May lagnat ako ngayon...sinisipon...pero pinipilit ko na pukawin ng pait ng alak ang nararamdaman ko. Hindi dahil sa inda ko ang lagnat... kundi dahil mas matindi ang bigat na nasa saloobin ko.

Iniisip ko, ako lang naman yata ang nagpapakumplikado sa ano mang saloobin ko eh. Kinailangan ko ang pait...para mapagtakpan ang hangad ng pagkatao ko.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success