Mark Atas

Rookie (3-29-83)

Parasites - Poem by Mark Atas

Putang Ina talaga!
Ang mga taong makakapal ang mukha
Wala ng ginawa kundi magsamantala
Ang tibay nila! Hindi ko sila mapuksa!

Kasing tindi ng aso, kung sila'y makaamoy
Nakaka init ng dugo, gusto ko nang umapoy
Ayokong isipin, na trip ko nang pumatay
Mahal ang kabaong, magastos ang lamay

Sa panaginip ko, sila'y aking pahihirapan
Igagapos sa puno at aking sisilaban
Bubuhusan ng asido ang lapnos nilang katawan
At ipapakain sa buwaya ang natitirang laman

Sadyang napakasama ng aking pag-iisip
Pero sabi ko nga, iyon lamang ay panaginip
Talaga nga sigurong malupit ang mundo
Sa mga kagaya kong malalambot ang puso

Hindi namn ako yung tipong mabait
Marunong din naman ako maghasik ng galit
Tumira ng patalikod at bumanat ng malupit
Sa mga hayop na taong mahihilig mang gipit

Aking isasantabi ang poot na nararamdaman
Upang ipagdasal ang kanilang mga kasalanan
Tao lang ako at limitado ang Karapatan
Diyos na ang bahala sa kanilang kasamaan

-M.A (07/23/11)


Comments about Parasites by Mark Atas

  • Rookie Yeo Chin Min (5/26/2012 5:15:00 AM)

    like! natawa talaga ako sa beginning :)) (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
Read all 1 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Friday, July 22, 2011

Poem Edited: Monday, August 8, 2011


[Hata Bildir]