SA ISANG KRAYOLA LAMANG
Nilalapitan mo habang nalulumbay
Nakahanda sa pagdamay sa panahon ng pag-iisa
Kinakausap kapag nakita mo akong nalulungkot
Inuuna aking kapakanan bago ang iyong sarili
Nasa tabi lagi sa lahat ng mga pagguho ng buhay
Tatawagin kahit anong mangyari sa gitna ng delubyo
Sa bawat pag-ikot at paggulong sa mga bato ng bangin
Sasaluhin sa mapayapang dagat ng walang galos
Hindi ka nawawala ngunit tinuturuan paano magtiis
Binigyan mo ng larawan sa isang may tiwalang paghihintay
Itinayo mo ako subalit hinayaang makipagsapalaran
Ipinakita mo aking sarili sa mga sulok at sa mga ilalim ng Ako
Naging salamin sa pag-unawa sa kahalagahan ng damdamin ng iba
Dahil sa iyo nagliwanag ang mga naiitagong dilim ng kalooban
Sa isang krayola na iyong binigay nagkakulay ang buo kong kabuuan
Inalay mo sa akin ang pagguhit ng aking magulong mundo
at nilaan mo ang iyong pag-ibig sa pagpinta sa isang blankong puso
na pinuno mo ng pagmamahal sa ating kapalaran.
Likha ni: Herbert Guitang
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem