Sa Lansangan... Poem by Lance Abellon

Sa Lansangan...

ako, ikaw, naliligaw.


Maraming naliligaw.
naliligaw patungong tamang landas
naligaw, patungong mali.


Pagod na ang kaibuturang ilang beses nang naliligaw,
tila maaga ang pagdating patungong kawalang

nakakasira ng bait na nagpapaluwag sa turnilyong nakakabit sa kalamnan,


Kahit saang lumingon, nakakakita ang paningin ng mga palaboy,
nakakarinig ang pandinig, ng mga panaghoy na humihingi ng paglingap,


Lumuluha ang kalangitan dahil sa mga walang masilungan,
luhang dala ng ulang matagal na bumubuyo sa kanilang mga pusong matagal nang napagal


Marami ang nalululong sa gamot na disin sana'y pumupunan ng kawalang sa katagalang dahan dahang nilalaro ang isipan ng mga musmos,


habang ang iba'y walang pakialam sa mga nagaganap
na parang nagbibingi-bingihan, nagbubulag-bulagan,


nakasara ang pandinig, nakapiring ang mga mata,
at nakatikom ang mga labi,
at namamanhid ang kalamnan


Nakakatindig balahibo ang mga ganap
sa lansangang sumasalamin sa takbo ng buhay ng tao,

sa mundong ginagalawan.



Abellon
09 Enero 2016

Monday, January 11, 2016
Topic(s) of this poem: life and death
COMMENTS OF THE POEM
Manonton Dalan 11 January 2016

mahusay ang hataw mga kano maligaw mga Chinese sigaw wo bu yao mga pinoy _di ayaw salamat

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success