Doon sa lugar ng mga rosas di kumukupas
Sinag ng araw ay hindi nalalagas
Sa asul nitong kalangitan
Mga puting ulap ay masayang naghahabulan
Kariktan ng pook ay hindi maitatatwa
Bawat nilalang may galak, may tuwa
Hinding hindi maaaninag anino ng kahirapan
Lalong hindi masasalat alon ng luha't kabiguan
Lahat na daanan nito ay yari sa ginto
Nagkalat din ang mga hiyas at mamahaling bato
Tubig sa mga batis ay ubod ng linaw
Kislap ng mga buhangin ay maaaninaw
Lahat ng prutas ay libreng mapitas
Maaamo ang mga hayop, ni walang pangahas
Lawiswis ng hangin ay kay ayang pakinggan
Pati ang mga ibon na nagsisipag-awitan
Di maaarok kaligayahang mararamdaman
Kung balang araw ay walang hanggan' ako maninirahan
Doon sa lugar ng mga rosas na di kumukupas
Kung saan kadakilaan ng pag-ibig ay di magwawakas.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem