Mula sa ikatlong palapag ng langit
Tanaw ang kangkong na namumukadkad sa rikit
Gumagapang......
Sumasamba.......
Ang mga matang nakangiti
Na sa halik ng araw humihingi
Ng gabay at pag-iwi.
Busilak na puti na may kaunting lila
Kumakaway sa ibong naglipana
Na sa papawirin nagsasaya
Bagaman malayo na ang nalakbay niya
Mula ng umusbong sa sanga
Lumilingon pa rin sa pinag-ugatan niya....
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem