Salamat Kandis (Thanks Kandis) Poem by MELVIN BANGGOLLAY

Salamat Kandis (Thanks Kandis)

SALAMAT KANDIS
Melvin Banggollay

Salamat sa matalinhagang pananaw
Sa tula kung ito mula sa balintataw
at sa puso kung pag-ibig ay panglaw
Sa tigang na lupang kulay bughaw.

Sana kung maari iyo sanang dinggin
pintig ng puso kung sa yo'y nakatingin
kahit man lang sa panaginip ay maangkin
pag-ibig mong wagas kahit agaw tingin.

Sana bago ang buhay na ito ay pumanaw
at pumailanlang sakay sa ulap na dilaw
makamtan ko sana haplos mong di hilaw
upang kasiyahan sa aki'y muling dadalaw.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
MELVIN BANGGOLLAY

MELVIN BANGGOLLAY

Natonin, Mountain Province, Philippines
Close
Error Success