Sisidlang Walang Laman Poem by jomark baynado

Sisidlang Walang Laman

Maghapong nakasahod
Ang lipaking palad
Naghihintay na mahulugan ng awa...
Sa kabilang bisig
Kilik ay sangol
Na umiiiyak na sa gutom.
Nanlilimahid......
Gulagulanit.......
Ang telang pinambalot sa murang katawan.....


Sa pagdaan ng isang sinuwerteg ginang......
Na namulat sa gintong kutsara
Tumaba ang mata
Nabulag bigla....
Imbes na awa ang ibigay
Lait at punyal na sigaw ang inilay.....
Nanhihiwa....
Nanunugat.....
Nandidiri......

Oh! ! Bathala hindi ba sa parehong putik mo kami nilikha
Bakit ngayon ako ay lumuluha.....

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
jomark baynado

jomark baynado

matacon, polangui, albay
Close
Error Success