SULAT
Words & Music by ROCK, PAPER & SCISSORS
I
Isang araw habang naglalakad
ako ay nakapulot ng isang sulat
at ng aking basahin, sa langit napatingin
Ito pala ay sulat ng Diyos sa akin.
II
at ang sabi Nya'y:
Anak kong minamahal, kumusta ka na?
ako'y nalulungkot saiyong pinag-gagawa
nasayang lang ang 'yong hininga sa walang kwentang mga bagay
mabuti pa kayang ihatid na kita sa kabilang buhay.
III
Ako'y napaluhod sa takot at kaba
lumingon sa paligid ngunit ako'y walang makita
at ng subukang punitin ang sulat na aking binasa
ang langit bumukas at Siya ay aking nakita.
Lead Guitar solo
coda:
at ng subukang punitin ang sulat na aking binasa
ang langit bumukas at Siya ay aking nakita.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem