Tala Ng Pasko Poem by Alex Reyes

Tala Ng Pasko

Tuwing kapaskohan may kwento ng pag-asa
Sa bawat suliran mayro'ng bagong umaga
Sa bawat paglugmok dulot ng mga pagsubok
Ngunit puso'y tumayog pagkat iyong hinubog

Sa liwanag na bigay ng 'yong tala ako'y muling sumisikat
Anupa't umulan o bumagyo,
bastat ika'y nandito
Sa puso ko tuloy pa rin ang kwento ng Pasko

Pag-ibig natagpuan
Pag-asa ay nakamtan
Ako ngayo'y maging tanglaw sa kalangitan
Pighati'y ma'y dumaan wag mag-alala kaibigan
Sa Pasko ako'y kanlungan 'yong kasama kailan man

Sa liwanag na bigay ng 'yong tala ako'y muling sumisikat
Anupa't umulan o bumagyo,
bastat ika'y nandito
Sa puso ko tuloy pa rin ang kwento ng Pasko

Walang lungkot, dalamhati't lumbay
Kapag puso'y buksan at handang magbigay
Dumagsa man ang hirap, 'di ako masisindak
Ang Pasko'y gawing puno ng galak

Sa liwanag na bigay ng 'yong tala ako'y muling sumisikat
Anupa't umulan o bumagyo,
bastat ika'y nandito
Sa puso ko tuloy pa rin ang kwento ng Pasko

Kaya't salamat, batid ko nang Pasko'y pag-asa
Salamat, Kapaskuhan ko na'y magniningning
Salamat, Pag-ibig mong humubog
Pag-asa koy tumayog
Mga tala ng Pasko magniningas sating mundo..

Sa liwanag na bigay ng 'yong tala ako'y muling sumisikat
Anupa't umulan o bumagyo,
bastat ika'y nandito
Sa puso ko tuloy pa rin ang kwento ng Pasko

Thursday, November 24, 2016
Topic(s) of this poem: christmas
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
Christmas
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success