Inaruga ang mahal na anak ng mag-isa
Gigising sa umaga para alagaan ka
Magluluto kasabay ng paglalaba
Maghuhugas kahit pagod na pagod
Gagawin at tutulungan kita sa assignment mo
Susunduin at hahatid kita sa eskwelahan
Hindi makatulog sa pag-aalala sa iyo
Plantsahin ang damit at ayusin ang sarili mo
Nag-iisip sa mga kakainin at sa kalusugan mo
Binabantayan ang mga natutunan at kilos mo
Ipinagdadasal ka upang maging mabait
Tinuturuan upang maging responsable kang anak
Walang day-off, walang bayad, laging overtime
Walang sahod, walang bonus, at walang sahod
Ligaya sa puso't kalooban ko ang pinakamasaya
Makita ka lang ligtas, kulang pa ang buhay ko iaaalay.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem