The Peanut Vendor Poem by Pacific Hernandez

The Peanut Vendor

May isang binata na umakyat sa bus,
ang kanyang paninda ay iniaalok.
'Mani! Mani! Ay, mani kayo diyan! '
Kanyang sinasabi sa bawat lapitan.

Isang dalaga ang muna'y kinindatan,
masuyong inalok, 'Ate, bili naman.'
Dalaga'y umiling, kahuluga'y ayaw.
Binata'y bubulong-bulong na lumisan,
'Aayaw ni Ate, siya ay meron na raw.'

Isang dalagita, di niya nilampasan,
Gano'n din ang alok, 'Nene, bili ikaw.'
Bata'y di kumibo, vendor umalis na,
may ibinubulong at tatawa-tawa,
'Meron na rin daw siya, pinalalaki pa.'

Mamang bagong akyat, sinalubong agad.
'Mama, mani kayo.' Mama ay sumabad,
'Ang gusto kong mani ay yaong mapintog,
ang kulay ay pula at bilog na bilog.
Ayoko ng maning maputla at pipi,
ito'y walang lasa't matabang sa labi.'

Binata'y natiyope, mukhang naisahan.
Tinungo ay isang lolo sa likuran.
'Lo! bili na kayo, please buy from me naman.
Pambili ng bigas, kahit half kilo lang.'
Lolo'y di bumili, narito ang sagot,
'Iho, sa tinda mo'y sawa na ko't pagod,
ang tipo ko ngayo'y pasas na kulubot.'

Binata'y umiling saka tumalikod,
Sa bus ay bumaba na naghihimutok,
'Tinda ko'y matumal, ano kayong rason?
Ang dahilan baga ay ang world recession?
Ang masasabi ko, 'Anak, hindi gano'n,
Utak mo'y kelangan lang ng konting sabon.'
Kaya di mabili ang iyong paninda.
Ito ay maanghang, may timplang malisya

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success