Umaasa Sayo Poem by eyara Rambac

Umaasa Sayo



Patuloy mong iniilagan
ang bawat titig na hibang
ng isang talunang nilalang
na kung hangarin ka'y ganun na lang

Paano ka nabubulagan
sa hubad na katotohanan
na ako'y narito lang
at patulo'y mong iniiwasan

Paanong di ka naririndi
sa aking pagsusumo't mga hikbi
na ikaw lang ang nag-iisang lalaki
na sa aking pangarap ay nasasagi

Kaya nga muli'y aking aawitin
na sana ay sumanib sa hangin
ang himig ng pag-ibig na di maangkin
upang kahit minsan sayo ay makarating

COMMENTS OF THE POEM
Ency Bearis 05 October 2008

a very nice write with deliverance..sing it in the air and that love one will surely hear you loudly..why not..if you let it know...lovely... very good verses... Ency Bearis

0 0 Reply
Manonton Dalan 30 September 2008

hmmm.. nakakaakit ang katha mo pati tuloy ako napapatula. nakakabighani siuro ang mga tingin mo. marami pong salamat. md

0 0 Reply
Hannah Faye Pagayunan 27 September 2008

nice naman....cno kaya yung mr. right na yun? ? ?

0 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
eyara Rambac

eyara Rambac

Tanay. Rizal
Close
Error Success