MELVIN BANGGOLLAY

Rookie - 175 Points (11/07/1975 / Natonin, Mountain Province, Philippines)

Ang Pag-Ibig Na Tunay - Poem by MELVIN BANGGOLLAY

ANG PAG-IBIG NA TUNAY
Melvin Banggollay

Ang pag-ibig na tunay
ay handang i-aalay
pagsintang makulay
at wagas na pag-alay
ng kaisa-isang buhay
para sa ikaliligaya
ng kanyang sinisinta
hatid man nito sa kanya
ay kamatayan ika nga
ay di niya ito alintana.

Handa itong magparaya
Kung ito'y ikaliligaya
ng kanyang sinisinta
Kahit hatid sa kanya
kapaitan at mga luha
Pagkat handang ibigay
ang lahat mang bagay
Kahit kaligayang tunay
maipakita lang ang kulay
ng pag-ibig na tunay.


Comments about Ang Pag-Ibig Na Tunay by MELVIN BANGGOLLAY

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, December 4, 2008



[Hata Bildir]