At Sapagkat Ang Pag-Ibig Ay Nagtutunggali Poem by Taritz Geronimo

At Sapagkat Ang Pag-Ibig Ay Nagtutunggali

At sapagkat ang pag-ibig ay nagtutunggali
Hindi lamang sa kanyang nasusunog na kabukiran
Ngunit maging sa bibig ng kalalakihan at kababaihan,
Magtatapos ako sa pamamagitan ng pagtatanggal ng landas
Para sa mga nasa pagitan ng aking dibdib at ng iyong halimuyak
Na nagnanais na ipagsiksikan ang kanilang di maunawaang halaman.

Tungkol sa akin, walang mas masama
Sasabihin nila sa iyo, mahal ko,
Nang higit pa sa sinabi ko sa iyo.

Namuhay ako sa mga patag
Bago kita nakilala
At hindi ko hinintay ang pag-ibig subalit ako
Ay nakahandusay na naghintay at lumundag sa rosas.

Ano pa ang maaari nilang sabihin sa iyo?
Hindi ako mabuti o masama kundi lalaki,
At nang sa gayon ay ikakabit nila ang panganib
Ng aking buhay, na gagap mo
At ibinahagi mo nang may pag-aalab sa dibdib.

At mabuti, ang panganib na ito
Ay panganib ng pag-ibig, ng kumpletong pag-ibig
Sa habangbuhay
Sa lahat ng mga buhay
At kung ang pag-ibig na ito ay dalhin tayo
Sa kamatayan at sa kulungan
Tiyak ko na ang iyong mabibilog na mata
Habang hinahagkan ko ang mga ito
Ay sasara nang may pagmamalaki
Sa dobleng pagmamalaki, mahal,
Sa aking pagmamalaki, at sa iyong pagmamalaki.

Ngunit sa aking mga tenga sila’y haharap
Upang iguho ang paglalakbay
Ng matamis at matibay na pagmamahal na nagbubuklod sa atin,
At sasabihin nila, “Ang iyong
Minamahal,
Ay hindi ang babaeng para sa iyo,
Bakit mo siya iniibig? Palagay
Ko ay makakahanap ka ng mas maganda,
Mas seryoso, mas malalim,
Mas iba, tingnan mo kung gaano siya kagaang,
At kung anong uri ng ulo mayroon siya,
At tingnan mo kung paano siya manamit,
At kung anu-ano pa.”

At ako sa mga katagang ito ay magsasabi:
Ganito kita gusto, mahal,
Mahal, gaya nito kita kamahal,
Kung paano ka manamit
At kung paanong ang iyong buhok ay tumataas
At kung paanong ang iyong bibig ay ngumingiti,
Singgaang ng tubig
Ng talon sa purong bato
Ganito kita kamahal, aking mahal.

Ang tinapay ay hindi ko hinihiling na turuan ako
Kundi huwag lamang magkulang sa araw-araw ng buhay.
Wala akong alam tungkol sa liwanag, mula saan
Ito nagmumula o saan ito tumutungo,
Nais ko lamang ang liwanag na magliwanag,
Hindi ko hinihingi sa gabi
Ang mga paliwanag,
Hihintay ko ito at ito’y bumabalot sa akin,
At ikaw, tinapay at liwanag
Ay anino rin.


Dumating ka sa aking buhay
Daladala ang anumang iyong dalahin,
Gawa
Sa liwanag at tinapay at anino inasahan kita,
At gaya nito kailangan kita,
Gaya nito kita mahal,
At sa mga nagnanais marinig ang bukas
Na sa kanila’y hindi ko sasabihin, hayaan mong basahin nila rito,
At hayaan mo silang umatras ngayon dahil maaga pa
Para sa mga ganitong pagtatalo.

Bukas ay bibigyan lamang natin sila
Ng isang dahon ng puno ng ating pag-ibig, isang dahon
Na mahuhulog sa lupa
Na animo’y ginawa ito ng ating mga labi
Gaya ng halik na nahuhulog
Mula sa ating di malupig na kataasan
Upang ipakita ang apoy at lambing
Ng isang tunay na pag-ibig.


A Translation of:

And because Love battles

And because love battles
not only in its burning agricultures
but also in the mouth of men and women,
I will finish off by taking the path away
to those who between my chest and your fragrance
want to interpose their obscure plant.

About me, nothing worse
they will tell you, my love,
than what I told you.

I lived in the prairies
before I got to know you
and I did not wait love but I was
laying in wait for and I jumped on the rose.

What more can they tell you?
I am neither good nor bad but a man,
and they will then associate the danger
of my life, which you know
and which with your passion you shared.


And good, this danger
is danger of love, of complete love
for all life,
for all lives,
and if this love brings us
the death and the prisons,
I am sure that your big eyes,
as when I kiss them,
will then close with pride,
into double pride, love,
with your pride and my pride.

But to my ears they will come before
to wear down the tour
of the sweet and hard love which binds us,
and they will say: “The one
you love,
is not a woman for you,
Why do you love her? I think
you could find one more beautiful,
more serious, more deep,
more other, you understand me, look how she’s light,
and what a head she has,
and look at how she dresses,
and etcetera and etcetera”.

And I in these lines say:
Like this I want you, love,
love, Like this I love you,
as you dress
and how your hair lifts up
and how your mouth smiles,
light as the water
of the spring upon the pure stones,
Like this I love you, beloved.

To bread I do not ask to teach me
but only not to lack during every day of life.
I don’t know anything about light, from where
it comes nor where it goes,
I only want the light to light up,
I do not ask to the night
explanations,
I wait for it and it envelops me,
And so you, bread and light
And shadow are.

You came to my life
with what you were bringing,
made
of light and bread and shadow I expected you,
and Like this I need you,
Like this I love you,
and to those who want to hear tomorrow
that which I will not tell them, let them read it here,
and let them back off today because it is early
for these arguments.

Tomorrow we will only give them
a leaf of the tree of our love, a leaf
which will fall on the earth
like if it had been made by our lips
like a kiss which falls
from our invincible heights
to show the fire and the tenderness
of a true love.

Pablo Neruda

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success