Treasure Island

Aiyabells 002


Breaky2


Chapter 7


*girl’s bestfriend*





[Naomi’s POV]





“alam mo hotdog, nakakainis talaga siya. Dalawang beses na niya ako ninakawan ng halik! Napaka manyak talaga ng lalaking yun! Manyak na babaero! Pero infairness, magaling siya sa pambobola. Kaya nga babaero di ba? ! Naku! Kayong mga lalaki kayo napaka manloloko! Buti pa ang papa Drew ko! ”



Nandito ako ngayon sa park para maglakad lakad kasama ng aso kong si Hotdog. And ayun sa kanya narin ako nagkwento ng nagkwento about sa humal na lalaking si Stephen.



Nakakainis kasi talaga yung lalaking yun! ! ! After ng eksena niya saakin kagabi, halos di na ko makakanta ng maayos at nagkakamali narin ako sa mga lyrics ng kanta ko. Napagtatawanan na nga ako ng mga customers sa bistro ni Kryzel eh. Masyado daw ako na lovestruck sa ginawa ng manliligaw ko!



AS if naman! Love struck? Sa kanya? ! EEEEEWWWW. Wag na uy!



Tsaka di siya nanliligaw no! baka nga ako pa nanliligaw eh! ! Naku naman! !



Sana naman ma-fall na sa alindog ko ang lalaking yun ng matapos na to! !



Umupo ako sa isang bench then hinimas ko yung gilid ng tenga ni hotdog



“hotdog, namimiss ko na si Drew. Ilang araw ko na siya hindi nakikita dahil nagiging busy ako sa pagpapapansin kay Stephen. Miss na miss ko na siya. Promise talaga pag natapos ang lahat ng to magtatapat na ko sa kanya. Sana lang hindi pa ko huli pag dumating ang panahon na yun. ”



“wag diyan nakikiliti ako”



WAAAH Nagsalita si HOTDOG? ! Pero parang boses ng babae. Malandi eh.



Napalingon ako dun sa babaeng may malanding boses and nakita ko, sa may gilid ng puno, kasama ng babaeng may malanding boses ay si Stephen na nakikipaglandian.



Ay talaga naman! ! ! ! Kahit ba weekends makakakita parin ako ng demonyo? ! Grabe naman! Hindi ako tinantanan.

Worst, nakikipaghalikan siya sa ibang babae.



Napatingin ako kay hotdog and napatingin ulit ako sa dalawang naglalandian.



Hmm.





Lightbulb!



“hotdog, napakatalino mong aso at natrain naman kita ng husto. I trust you. Tumakbo ka papalapit sa kanila

” binitawan ko yung tali ni hotdog and as I told tumakbo nga siya papalapit dun sa dalawa. Dinamba niya yung lintang babae atsaka diniladilaan ito.



Good boy.



“waaaaaaaaaaaaaaaaahh! ! OMG! OMG! ! ! ! ! ”



Nakita ko na puno ng paw prints ni hotdog ang spaghetti top nung babae. Si Stephen naman hindi malaman kung paalisin ba si hotdog dun or hindi. Tumakbo ako palapit sa kanila.



“Hotdog come here! ”



Lumapit saakin si hotdog. “good boy, good boy”



“It’s that your dog? ! ”



“obvious ba? ! ”



“tignan mo ang ginawa niya saakin! ! ” nag-amba siyang hahampasin si hotdog kaya nanan hinarap ko siya



“Oh, wag mong subukan saktan ang alaga ko, ni-hindi ko nga to pinadadapuan sa lamok eh! Baka gusto mong patulugin kita ngayon! ”



“then pay for my shirt! ! ! ”



“why? Hindi pa ba sapat na payment ang paghalik mo sa boyfriend ko? ”



Nakita kong nagulat si Stephen sa sinabi ko



“boyfriend? FYI, he’s everyone’s boyfriend! ”



“sorry” hinatak ko yung braso ni Stephen palapit saakin “but I don’t share! Hintayin mo na lang na magbreak kami darling tsaka mo siya halikan! Oh and by the way, kung nagdedemand ka talaga ng bayad sa shirt mo, ” inabutan ko siya ng pera “ayan ang bente pesos, ipa-laundry mo na lang ”



“grrr! Humandan ka sakin! Makikita mo! ! Maghintay ka lang! ! ”





“sure, I can wait ”



Kitang-kita ko na inis na inis na saakin yung babae. Pero dahil wala naman siyang magawa, lumayas na lang siya.



Sus. Chicken.



“so, possessive ka pala? ” nakita ko sa mukha niya na nangingiti siya na ewan. Hindi siguro nito malaman kung maiinis siya, magwawala, matatawa or kikiligin dahil dun sa ginawa ko.



“yes, and ayoko ng may kahati”



“pero tayo na? ”



“of course not! Ano ka sinuswerte! Magiging tayo lang kung ready ka na sa serious relationship! ”



“alam mo nakakatawa ka talaga, sa dinami dami ng lalaki bat saakin ka ng hihingi ng serious relationship samantalang alam mong hindi ako makatagal sa isang babae ng lagpas 3 araw? ”



“na-inlove ka na ba? ”



“ano bang klaseng tanong yan! ! ”



“kung hindi pa, wag kang mag conclude na di mo kaya ”



“arf! Arf! ! ”



Bigla kong nabitawan ang pagkakahawak ko sa tali ni hotdog at tumakbo to palayo



“wait, hotdog! ! ” hinabol ko si hotdog and nakita kong nilapitan niya ang isang lalaki.



“Drew? ”



“oh, Naomi. Sabi na nandito ka, nagulat kasi ako bigla akong nilapitan ni hotdog eh ”



Kung may malas kang makikita, may swerte. Kung may demonyo, may anghel.



I love you hotdog! Sino ba nagsabi na man’s bestfriend lang ang aso? Pwede ring girl’s bestfriend!



“ah, hehe naglakad lakad kami ni hotdog. Alam mo naman ang mga golden retriever, masyadong active. Pag hindi mo nailabas ng bahay nag sisira ng gamit”





“ang bait mo namang amo. Kaya ang galing-galing ng alaga mo eh” hinimas niya ang ulo ni hotdog



“tara, gusto mo ba kami sabayan sa pag lalakad? ”



“sure! ”



“Nami! ! ” tumakbo palapit saamin si Stephen. Naku po nakalimutan ko ang isang to! “Nami, let’s go. Kain na tayo” bigla naman niya ako inakbayan sa harap ni Drew



GGRRRRRRRRRR WALANGYANG LALAKI PANIRA NG MOMENT!



“ah, hehe mauna ka na lang Stephen! ”



“bakit ba? Gusto ko makasama ang mahal ko! Tara na kain na tayo and you promised me ” biglang umungkot yung mukha niya na parang disappointed at hurt na ewan



Galing mong umarte tsong! ! !



“Naomi, una na ko, may kasama ka pala. Maybe next time ”



“s-sige. See you”



“bye ” he waved at me and nag simula na ulit mag jogging



“sino yun? Type mo ba yun? ! ”



“ay malamang hindi! Kanino ba ko nanghihingi ng serious relationship? ! Sa kanya ba? ! ”



He grinned “good. Possessive din kasi ako ” Nag unat siya ng braso sabay akbay saakin, “tara kain na lang tayo, my treat ”



Hay naku!



[that night]



10 things to do to break the Casanova’s heart



1. Make him notice you.

2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet 3. Make him ask you on a date

4. Make sure that date will be the one he will remember the most 5. Make sure that he will take you seriously

6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating

7. Make him introduce you to his parents

8. Make him kiss you

9. Be his girlfriend

10. Break his heart



1 down,9 to go. Excited na excited na ako matapos eto ng makapagtapat narin ako kay Drew my loves!



Number 2 – Do a thing for him that the other girl’s hasn’t done yet Ano naman kaya yun? Kung sapakin ko na lang kaya siya sa harap ng maraming tao? Malamang wala pang nakakagawa na ibang babae sa kanya nun?



Hay naku. Ano ba dapat ang gawin ko?



Kinuha ko yung guitar ko. Kesa sumakit ang ulo ko makapag practice na lang ng susunod kong kakantahin next week.



Wait a minute kapeng mainit.



Paano kaya kung ang gawin ko ay- -



LIGHT BULB! An idea struck me.



Kinuha ko agad ang cellphone and called Yannie



“Yannie, do you know any band? ”



“yes, why? ”



“good, I have an idea. Introduce me to them tomorrow”





Chapter 8


*Hey Stephen*





[Naomi’s POV]





“so Naomi, this is Ray their drummer, Denzel, the pianist, Adrian the lead, and Christian bass and the vocalist”



“hello, nice meeting you all ”



“hi Naomi! ”



“hi cutie! ! ” tumakbo si France palapit dun kay Ray atsaka naman ipinulupot ang mga braso niya dun “I’m France ”



Hinila naman siya ni Yannie “hoy Fransisco Juan, umayos ayos ka nga diyan! Para kang linta! ! ”



“eewww! How many times should I tell you not to call me Fransisco Juan? ! France ang name ko FRANCE! ! ”



“hay naku guys pag pasensyahan niyo na ang lintang ito! Pero kahit ganyan yan may pusong tao parin yan.

Anyways thank you guys for accepting my favor”



“It’s alright Yannie, malakas ka samin eh! And besides, we can’t turn down this beautiful lady over here ” he looked at me



I smiled. Hmm mukha namang mababait sila at mga gentleman! Isa pa napaka honest nila. Sabihan daw ba akong maganda eh totoo naman?



“anyways uhmm ano ba ang plano natin? ”



“oh, Naomi should discuss that. Naomi? ”



I smile “here is the plan”





[Stephen’s POV]





“I didn’t know you’re such a great kisser sweetie”



“I guess, looks can be deceiving ”



She’s Apple Ignacio my new girlfriend. The Campus queen of our university. Kung titignan mo ang itsura niya she look very innocent and smart. May bad side din pala. Who would have thought na pumapayag siya sa fling at makipag make-out sa school?



Mga babae talaga.



Pero sa lahat ng babaeng nakilala ko, yung Naomi Mikael Perez na yun ang kakaiba. Aba naman talagang hindi sumusuko dun sa serious relationship na hinihingi niya. Pwede ko naman siya pagbigayn na maging girlfriend ko kahit for 1 month tutal grabe akong naawil sa kanya. Grabe talaga! !



“excuse me”



Tumigil sa paghalik si Apple and lumingon dun sa nagsalita. Mm sino na naman ba to? Malamang si Nami na naman at nagseselos.



Humarap din ako dun sa nagsalita and I saw her best friend instead.



“yes dear can we help you? ”



Hindi niya ko pinansin instead lumingon siya kay Apple at may pinakitang picture sa kanya, picture namin habang naghahalikan



“w-what- ? ”



“miss, you won Miss Campus Queen right? And also was given a full scholarship dahil sa pagkapanalo mo.

But what if ipakalat ko to sa buong campus? Ano kaya iisipin nila? ”



“p-please d-don’t ”



“then break up with him and geto out of my face! ! ”



Apple looked at me “I’m sorry ” then she ran away while crying



“look what you’ve done to that poor girl”



“Stephen” she held my hand “please, balikan mo na ko ”





Hay naku. Parehong pareho sila ng best friend niya, napaka kulet at the same time parehong nahuhumaling saakin.



Birds with the same feather flock together



“dear may I know your name”



“h-ha? Nakalimutan mo na ako agad? ”



“I’m sorry pero hindi ako matandain eh. So naging tayo na? ”



“w-why could you be so cruel? ”



“I’m sorry darling pero hindi ko na binabalikan ang mga naging ex ko. Tapos ko na kasi sila pagsawaan. If you come to beg me para balikan ka, I’m sorry but you’re wasting your time”



I walked away





'do you like her? ! '



Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya



“do you like Naomi? ”



“why did you ask? ”



“please, wag siya ang gustuhin mo, ako na lang! mahal na mahal kita at di kita sasaktan! Please ”



“and siya sasaktan ako? ” nilapitan ko siya then I held her chin “don’t worry, as long as I don’t love, I won’t get hurt ” I gave her a smack on her lips then I walked away.



Hay naku, ilang oras palang na nagiging kami ni Apple naghiwalay na kami agad. Tsk sayang naman, mukha pa namang mage enjoy ako sa kanya.



“OMG! ! ! ANG GWAPOOOO MOOO TALAGAAAAAAAAAA! ! ! ”



Napalingon ako sa may gym and nakita kong may mga babaeng nagtitilian habang nanunuod ng basketball game.



“Drew Fernandez ang gwapo gwapo mo talagaaa! Akin ka na lang! ! Yiiiiieeeee! ! ”





Napataas ang kilay ko. Drew Fernandez? Ayun yung lalaking kinausap ni Nami sa park ah? Yung mukhang pumuporma sa kanya at kay hotdog! Hmp! Gwapo? Eh kamukha lang niya ang kuko ko eh! ! Walang binatbat yan saakin! !



“papa stepheeeeeennn! ! ! ! ” nagulat na lang ako out of no where may dumamba saaking isang lamang lupa



“waaaaaaaaaah! ! Bitawan mo ko bitawan mo ko! ! ! ”



“sumama ka sakin papa Stephen! ! ”



Pilit ko siyang itinutulak sa pagkakapulupot sa braso ko kaso ayaw umalis. Anak ng tokwang bakla kung makapulupot akala mo anaconda!



“Heh bitawan mo ko! ! ! At bakit ako sasama sayo ha? ! San mo ko dadalhin? ! ”



Kumindat siya saakin “sa heaven ”



Swear parang tumayo ang balahibo ko sa buong katawan. Grabe nakakakilabot! !



“bitawan mo kooo! ! ! ”



“hay ang kiri-kiri mo talaga France! ! ”



Napalingon ako sa dumating and I was shocked nung nakita ko kung sino yun



“Alyana? ! ”



“oh! Hi Stephen! ”



“Alyana? Yannie? Kilala ka niya? ”



“di ba nga sabi ko ex ko siya? ”



“Alyana naman, it hurts me to be addressed like that. ”



“oh I’m sorry Stephen ”



“long time no see ”



“yeah I know, we’re in the same school pero di tayo madalas magkita. Mukhang busying busy ka kasi”





I grinned. I’m happy to see her. Namiss ko din tong isang to!



“medyo”



“teka, close kayo? ”



Hinila ni Alyana yung lamang lupa “tumahimik ka nga muna Fransisco Juan! ” she looked at me“by the way Stephen, I think you should go to the quadrangle if you want to see something interesting ”



“huh? ”



Sabay-sabay kami nagpunta sa quadrangle at ako’y nabigla ng makita ko ang pagmumuhka kong gwapo sa isang malaking tarpuline na nasa stage at may nakalagay na



“I love you very much Stephen Cruz. My heart sings your name”



Halos di ako makakilos sa nakikita ko.



“HOY BABAERONG STEPHEN CRUZ NAKIKINIG KA BA? ! ”



And mas na shock ako ng makita ko si Nami na nasa stage kasama ang isang banda.



“oh bakit ganyan ang mukha mo? Gulat ka no! hah! Wala pang nakakagawa sayo ng ganitong bagay no? ako pala ang first? Good. Halata naman sa mukha mo eh kasi nanlalaki ang singkit mong mata. Ayan tuloy mas lalo akong naiinlove sayo ”



Naghiyawan ang mga tsismosong nakikinuod



“making ka sa kakantahin ko dahil ito ang gustong sabihin ng puso ko ” she snapped her fingers then nag start tumugtog ang banda



“Hmmm hmmm hmmm hmm hmm



Hey Stephen, I know looks can be deceiving

But I know I saw a light in you

And as we walked we were talking

I didn't say half the things I wanted to



Of all the girls tossing rocks at your window



I'll be the one waiting there even when it's cold

Hey Stephen, boy, you might have me believing

I don't always have to be alone



'Cause I can't help it if you look like an angel

Can't help it if I wanna kiss you in the rain so

Come feel this magic I've been feeling since I met you

Can't help it if there's no one else

Mmm, I can't help myself”



Tss paano kaya kung makita siya ng bestfriend niya ngayon? Baka naman mag-away silang dalawa? Kung sabagay kung papipiliin ako I’ll choose Nami.



She sure got some style.



And tama siya, she’s the very first person to do this to me.





'Hey Stephen, I've been holding back this feeling

So I got some things to say to you

I've seen it all, so I thought

But I never seen nobody shine the way you do



The way you walk, way you talk, way you say my name

It's beautiful, wonderful, don't you ever change

Hey Stephen, why are people always leaving?

I think you and I should stay the same



'Cause I can't help it if you look like an angel

Can't help it if I wanna kiss you in the rain so

Come feel this magic I've been feeling since I met you

Can't help it if there's no one else

Mmm, I can't help myself'



Inalis niya yung mic sa stand then bumaba siya sa stage papalapit saakin



'They're dimming the street lights, you're perfect for me Why aren't you here tonight?

I'm waiting alone now, so come on and come out

And pull me near and shine, shine, shine'





This time nasa harapan ko na siya. She held my hand and looked me in the eyes while singing the song na para bang yung lyrics nito ay yung matagal na niyang gustong sabihin saakin





“Hey Stephen, I could give you fifty reasons

Why I should be the one you choose

All those other girls, well, they're beautiful

But would they write a song for you? ”



She smile then bigla niya ko hinila paakyat ng stage



“I can't help it if you look like an angel

Can't help it if I wanna kiss you in the rain so

Come feel this magic I've been feeling since I met you

Can't help it if there's no one else

Mmm, I can't help myself



If you look like an angel

Can't help it if I wanna kiss you in the rain so

Come feel this magic I've been feeling since I met you

Can't help it if there's no one else

Mmm, I can't help myself



Myself

Can't help myself

I can't help myself



Oh oh oh

Hm hm hm hm hm”



After she finished the song she bowed



Hay ibang klase talaga. Kakaiba siya



She never fails to amuse me.





[Naomi’s POV]





After I sang nagpalakpakan yung mga nanunuod. I even saw Yannie winked at me.



YES! ! I DID IT!



I face Stephen “nagustuhan mo ba ang ginawa ko? ”



“malakas talaga ang tama mo sakin no? I never thought na magagawa mo to, I appreciate it darling” he put his arms around my waist and then pulled me closer to him “and as a thank you gift..”



Bigla niya ako inislide pahiga while his arms is supporting my body. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko and rinig na rinig ko yung lakas ng hiyawan ng mga tao.



Yun nga lang mas malakas ang tibok ng puso ko. Bigla kong tinabing ang mukha niya



“oh, nakakadalawang stolen kiss ka na sakin, tama na muna yan ha? ’



Inayos niya ako ng tayo then he kissed my cheeks instead “thank you, Nami ”



Nagulat ako sa sinabi niya, and I swear bigla akong namula.



T-teka, bat ako nag bublush dahil sa kanya?



Tumingin ako sa mga audience para tignan ang reaction nila Yannie and France, but instead iba nakita ko.



It was Drew.



He was looking at us seriously, ni hindi ngumingiti. Nung nakita niyang nakatingin ako he looked away at bigla na lang umalis.





Oh no.





Chapter 9


*gorgeous *





[Naomi's POV]



'OMG Naomi! Di ko alam na keribells mong magpakilig ng bonggacious! '

'nice job Naomi'

'thanks, wait lang muna saglit'

Tumakbo ako palayo sa kanila. The moment na nakahanap ako ng pagkakataon, sinundan ko agad si Drew.

Tama ba ang nakita ko? Nagalit ba siya? Nagselos?

Sheeeeeeeeemay kinikilig ako! Ibig sabihin ba nun eh may lihim siyang pagtingin saakin? oh gulay! Sana nga.. sana nga.. sana nga..

Paano kung magtapat na siya saakin ngayon at ibunyag ang kanyang undying love para saakin? Sasagutin ko nab a agad? Or magpapaligaw muna ako?

Syempre! Dapat magpaligaw muna at pag sinabing ligaw kailangan niyang dumaan sa butas ng karayom! Hindi naman saakin siya mahihirapan eh kundi sa apat kong kuya. Hihihi.

Pero saan na nga ba nagsuot ang aking future boyfriend?

'grabe ang lakas ng loob niyang kantahan si Stephen ah! But infairness nakakakilig! '

Napahinto ako sa pagtakbo.

Nakalimutan ko si Stephen.

Oo nga pala, hindi ako pwedeng magkaroon ng boyfriend dahil sa kanya. Di ba nga inlababo dapat ako kay Stephen? To the point na head over heels ako sa kanya kaya ako ang nanliligaw.



Pero paano ang love life ko? Paano kung gusto nga talaga ako ni Drew? Ano gagawin ko pag nagtapat siya saakin?

Anong palusot ang sasabihin ko samantalang parang ipinagsigawan ko na sa buong mundo na mahal na mahal ko si Stephen?

Hay buhay! Kung si Stephen ay isang taong marunong magmahal, hindi sana ako nahihirapan ngayon!

Bat pa kasi may ipinapanganak sa mundo na mga manloloko eh.

Naglakad ako papunta sa basketball court and nagbaka sakaling nandun si Drew. Hindi ako nagkamali, nandun siya pero wala ngayon mga babaeng nakapalibot sa kanya. Siya lang magisa naglalaro.

I watched him threw a three point shot. Ang gwapo talaga ng lalaking to kahit pawis na pawis na. Kahit saang anggulo ko tignan naiinlove parin ako sa ka-gwapuhan niya. Para siyang si Rukawa ng Slam Dunk. Cool. Gwapo.

Heartthrob. And higit sa lahat napakabait at gentleman.

Every girls dream.

'D-drew'

Napalingon siya saakin.

'oh, Naomi ' he smile then tumakbo siya papalapit saakin 'bat ka napunta dito? '

'uhmm, ano, err o-ok ka lang ba? '

'oo naman bat mo naitanong? '

So guni-guni ko lang ang nakita ko? Hindi siya nakasimangot nun? Hindi siya nagselos? Or baka naman talagang hindi siya ang nakita ko? Ano yun doppelganger niya?

'w-wala naman. Sige alis na ko, babalik na ko sa classroom ko'

Tinalikuran ko na si Drew ng bigla niyang hatakin ang kamay ko. He look so serious. Yung expression niya na nakita ko kanina.

'Naomi, I don't want you to get hurt '

'Drew..'

Ano daw sabi niya? ayaw niya akong masaktan? bakit? dahil mahal niya ako? OH GULAAAY

Binitawan niya yung kamay ko.



Oh wag muna.

'uhm, j-just a friendly advice, ingat ka sa kanya'

'ok, thanks'

Iniwan ko si Drew doon

Just a friendly advice.

Ok fine! He cares for me kasi kaibigan niya ako! Tama nga ang sinabi nila: expecting doesn't hurt too much, assuming does. Napaka assuming ko para isipin na may gusto siya saakin! sino ba naman ako kumpara sa mga babaeng nakapaligid sa kanya? !

Isang nerd na mukhang tibo!

Sa isip niya siguro ganun parin ako. Kahit na ang ganda ko na ngayon (at alam ko naman talaga na kahit noon pa maganda na talaga ako) hindi parin niya ako pinapansin. Ni hindi nga niya sinabi saakin na maganda ako eh!

Buti pa si Stephen, naappreciate!

Kung ang kanta ko kay Stephen is Hey Stephen dahil sa dami ng babaeng nagkakagulo sa kanya, ang kanta ko naman kay Drew is teardrops on my guitar.

Drew looks at me I fake a smile so he won't see wha I want and I need and everything that we should be.

Honestly, what's with Taylor Swift songs? Parang feeling ko inaasar ako ni taylor swift eh! !

'look who's here'

Napatingin ako dun sa mga babaeng ang tataas ng mga kilay. Pinalibutan naman nila ako. Hmm para akong nasa Korean drama ah at ako ang bidang api-apihan sa mga kontrabidang mukhang mga palaka.

'wag please' sinabi ko sa kanila na may expression ng sobrang amo at talagang nagmamakaawa.

'so Stephen likes weak girls now? ' they all laugh. Hinawakan ng isa yung mukha ko. 'kung hindi dahil sa make-over hindi naman magiging ganyan ang mukha mo eh! Geek! Tingin mo naman mapapansin ka na ni Stephen sa ginagawa mong yan '

'bitawan mo ako please.'

Nagtawanan silang lahat 'wala ka naman binatbat eh! Panget ka na duwag pa! ! ! '



'sabi ng bitawan mo ko eh! ! ! ' tinulak ko yung babae kaya lumipad siya sa floor. It's my turn para tumaas ang kilay

'so feeling niyo kayo ang mapapansin ni Stephen? ! Atleast ako gumanda dahil sa make-over eh kayo kahit anong make over pa ang gawin niyo at kahit anong kapal ng make-up ang itapal sa pagmumukha niyo mukha parin kayong mga palaka! ! ! '

'you- ! ! ! ' sinugod ako ni palaka. Sasampalin na niya ko kaya lang nasalo ko ang kamay niya at bigla kong pina-landing ang palad ko sa mukha niya. Kitang kita ko ang bakat ng kamay ko sa pasngi niya

'opps, sorry. Nagmamalasakit lang dear, hindi kasi pantay yung blush-on mo. Pinantay ko lang '

'how dare you! ! ! ' kitang kita sa mukha niya ang panlalaki ng mga mata niya. So akala niya talagang api-apihan ako?

Joke lang yun no. Nagdrama lang para kunyari nasa Korean drama talaga ako.

'oh wag mo naman ako masyadong panlakihan ng mata baka mamaya maging permanent na yan mas lalong magmukha kang palaka'

'nakakinis ka! ! ! ' susugurin ulit ako nung babe kaso naunahan ko na naman siya at tinulak. Lumipad na naman siya buti na lang nasalo siya ng mga kaibigan niya.

Siguro yun ang function ng mga julalay niya, tagasalo? Hahaha.

At ang lakas din naman kasi ng loob ng babaeng to na sugurin ako eh wala naman talaga siyang laban sakin. Sus, sa labing walong taon kong pagkakaroon ng apat na kuya na walang ibang ginawa kundi i-wrestling ako, natural eh magiging basagulera ako!

'may araw ka rin! ! '

Nagsialisan na ang mga palaka.

Hay naku masama akong ginagalit lalo na kung broken hearted ako!

'haha ang liit liit mo pero ang tapang tapang mo '

Nakita ko naman ang gwapong demonyo na si Stephen Cruz na nakasandal sa wall. So pinanunuod niya pala kami?

Gentleman siya infairness, hindi nagabala na tulungan ako! Kung sabagay carryng carry ko naman ang mga yun.

'kanina ka pa diyan? '

'yep, and nakaa-enjoy kayo panuorin. Akala ko maglulupasay ka na kanina eh! '

I glared at him 'thank you sa concern '



Inakbayan naman niya ako 'babes namiss mo ba ko? '

'paano kita mamimiss samantalang halos 10 minuto lang tayong hindi nagkikita? ! '

'oh relax. Highblood ka masyado eh! May gusto ka ba talaga saakin? '

Oo nga pala, dapat makipag flirt din ako sa unggoy na to.

'hindi talaga kita namiss! ! paano kita mamimiss samantalang sa kahit kaninong lalaki ako tumingin mukha mo ang nakikita ko? ' shet ano ba itong sinasabi ko kinikilabatutan ako!

Nakita ko naman napataas din ang kilay niya, as in sobrang taas, then bigla siyang tumawa ng malakas.

Ano naman ang nakakatawa? Ang korny kaya ng sinabi ko. Ano bang klaseng sense of humor meron ang isang to?

'grabe! Nakakatuwa ka talaga! Ibang klase ka! Kahit banat mo kakaiba! Hahahahahahahahahahaha '

Binatukan ko nga 'aray! ! Bat mo ko binatukan! ! '

'galing sa puso ko ang sinabi ko tapos pagtatawanan mo ko? ! '

'sorry na babes' ngumuso naman siya and nag akmang hahalikan ako, tinabing ko ang ulo niya

'wag mo nga akong tatawagin ng ganyan! Anong feeling mo tayo na? '

'bakit hindi pa ba? Ako ang ililigawan di ba? ako ang mag dedesisyon kung kelan magiging tayo. So sinasagot na kita kaya girlfriend na kita. Tara na sa motel! ' kinuha niya ang kamay ko at hinila ako

'ANONG MOTEL? ! MANYAK KA TALAGAAAA! ! Tsaka di pa kita boyfriend no! ! '

'joke lang ang sa motel, pero hindi joke yung pagiging girlfriend mo '

'in yo face! Tsaka na pag mahal mo na ko'

'kailangan pa ba nun? ' he stretched his arms then nilgaya niya yung dalawang kamay niya sa likod ng ulo niya 'tara na nga sa room, babes'

Naglakad na siya palayo.

'uhmm Stephen! ! Am I beautiful? '

Napatingin siya saakin then tinignan niya ako mula ulo hanggang paa 'nope, you're not.'



'ha? '

'hindi ka rin cute, you're not even pretty' umiling iling siya

'ok.'

Binilisan ko ang paglalakad ko. Hmp! ! Hindi rin pala niya appreciated ang make-over ko! Nakakainis! Siguro kaya hindi ako sinasabihan ni Drew na maganda ako kasi hindi naman talaga. Eto na naman ako masyadong assuming! !

Nakakainis.

'babes! ' naramdaman kong may mga kamay na humawak sa waist ko then hinila ako palapit sa kanya. Inilapit niya ang face niya sa face ko then he touched my nose 'if I say you are beautiful then I am comparing you to a sunset. If I say you are cute then I am comparing you to a dog. And babes, the word pretty is not enough to describe you' he pull me closer to him then itinapat niya ang lips niya sa ears ko then he whispered gently 'you are gorgeous'

I blush.

[dismissal]

Nandito ako ngayon sa headquarters at tiniignan ang sarili ko sa salamin Gorgeous.. gorgeous.. gorgeous..

'hoy bakla! Kanina ka pa tingin ng tingin sa salamin! Sige na ikaw na ang maganda! ! '

'tsk panira naman tong si France oh! '

'oo nga pala Naomi, nakita ko yung ginawa mo kanina, ang galing mo ha! Infairness natulala si playboy! '

'hindi lang natulala, kinilig pa yan for sure! '

'iba karin Naomi! '

'naman! Creation ko yan eh! '

'anong creation mo? ! Magaling lang talaga ako pumili! '

Nagtawanan kami. Eto talagang si France lahat na inangkin.

'o siya may klase pa ako una na ko'

'ako din, sama na ko sayo'



Nagalisan na yung ibang members. Naupo naman ako sa tabi ni France at Yannie.

'ay oo nga pala Yannie! Grabe ka ah ginulantang mo ako! Bat kayo close nitong si Stephen? '

'sabi ko nga sayo ex ko nga siya! '

'eh lahat naman tayo dito ex ni Stephen! bat ako ex niya di manlang ako maalala! ! '

'sino ba naman gustong umalala sayo? '

'you're so mean'

Napaisip ako bigla 'oo nga Yannie, ang alam ko nagiging cold si Stephen sa mga nagiging ex niya eh kasi according sa kanya eh pinagsawaan na niya yun'

'corrected by! At sayo no sign of coldness! Parang natuwa pa siya na nakita ka niya. And ayaw niya na i-address na ex mo siya. Tapos masyado ka pang maraming alam sa kanya. Ano ba talagang meron sa inyo? '

'alam mo Fransisco Juan, masyado kang matanong eh. Let's just say isa ako sa mga ex ni Stephen na hindi niya makakalimutan '

Isa sa mga ex na hindi makakalimutan?

Sabi ni France close daw si Yannie at Stephen. At halata naman kasi mukhang maraming alam si Yannie about kay Stephen.

Kung close sila, ibig sabihin magkaibigan na sila ngayon. Pero ang pagkakaalala ko si Yannie ang founder ng club na to at nangunguna sa planong paghihiganti kay Stephen.

Bakit?

Ano bang ginawa ni Stephen para magalit ng ganun si Yannie?





Now, I am very curious.





Chapter 10


*first time*





[Naomi’s POV]





10 things to do to break the Casanova’s heart



1. Make him notice you.

2. Do a thing for him that the other girls hasn’t done yet

3. Make him ask you on a date

4. Make sure that date will be the one he will remember the most 5. Make sure that he will take you seriously

6. Make sure that you’ll be the only girl he’s dating

7. Make him introduce you to his parents

8. Make him kiss you

9. Be his girlfriend

10. Break his heart





Haaaaaay gravy! Sumasakit ang ulo ko kakaisip! Hindi madali-dali itong number 3 ah? Buti sana kung sinabi “ask him on a date” kaso hindi eh dapat “make him ask you on a date.” Paano ko naman gagawin yun? Tokwa naman oh!

Kung yung 1 and 2 madali aba’y itong susunod hindi na. at talagang magkadugtong ang 3 and 4? Pag pumalpak ako sa 4 uulitin ko na naman ang 3!



Nakakainis naman. Excited na akong matapos ito eh! Sino kaya ang gumawa ng listahang ito? ! Grabe naman kasi! !

Pwede bang itapon ko na lang yung list then gumawa na lang ako ng sariling way para mapa-ibig siya?



Kalerkey!



“HOOYYY! ”



“AY TOKWA! ! ” bigla kong tinago yung list sa bag ko. Juskooo muntik na yun ah! Bat ba kasi parang kabute siya na basta sumusulpot



“Oh? Bat ka nakapangalumbaba diyan ha? Miss mo na ko? ” tumawa siya “ay wait, oo nga pala hindi mo ko mamimiss kasi kahit sinong lalaki ang tignan mo mukha ko parin ang nakikita mo ” at again, tumawa siya ng sobrang lakas.



So talagang naalala niya pa ang sinabi kong yun? ! Kayamot eh no! ! kinikilabutan kaya ako kada maalala ko yun! !



Nakuuuuuuuuuuu nakakayamot siya! Ang sarap niya sakalin kaya nakakapagtaka kung bakit nahuhumaling sa kanya ang mga kababaihan at mga kabaklaan!



“oh? Bat di ka makapagsalita? Gwapong gwapo ka naman masyado saakin ”



Sige na siya na winner sa payabangan award!



“oo, ang gwapo mo talaga Stephen. Pwede mo ba akong ihatid sa bahay namin mamaya? ”



Napatulala siya sa sinabi ko. Ha! Nakuha ko na style nito eh, kesa makipag away sakanya mas ok pa kung sakyan mo na lang siya.



“s-sige” tumalikod siya saakin tsaka bumalik sa upuan nun.



Ako naman ang lumapit sa kanya, then humarap ako ng ngiting ngiti



“b-bakit? ”



“haha bat ganyan ang itsura mo? Kinilig ka no? ! ”



“hindi no! pwede ba umalis ka nga dito baka magbago pa isip ko sa pagsama sayo mamaya! ! ”



“sus, wag mo na kasing ideny na naiinlove ka na sakin ”



“babes I don’t know how to love ”



“kakainin mo din yang sinabi mo ”



Bumalik ako sa upuan ko. Sana nga talaga nagkakagusto na siya saakin para mapadali na ang paghihirap ko!



[dismissal]



Babes, wait mo ko sa north gate ha. May kailangan lang ako daanan saglit sa club Naku naman I’m gonna kill him pag pinaghitay niya ako dito ng 5 minuto! !



Oo nga pala member si Stephen sa journalist club. O di ba, kahit babaero siya may alam din naman pala siyang matinong gawin sa buhay. Nagtataka nga ako at bakit nag HRM yan eh. Sana journalism na lang, or Mass Com, or English Major? Basta kahit anong may kinalaman sa hobby niya, bakit HRM pa? kung saan nandun din ako?



Hmp! Kayamot.



Eto ako ngayon naghihintay sa lalaking pinaka hate ko.



May tumakip sa mata ko bigla from behind



“w-wait sino to? Stephen? Naku alam kong ikaw yan! Alisin mo na ang kamay mo at uuwi na ko! ”



“ouch naman, selos ako” natahimik ako dun sa nagsalita. Inalis niya yung pagkakatakip sa mata ko and ayun nga nakita ko ang aking papa Drew.



“D-drew”



Shee eeeet ang gwapo niya! God ibigay niyo na lang sakin tong lalaking to please, I promise magpapakabait na ko.

Tutulong na ko sa gawaing bahay at papaliguan ko na si Hotdog.



“uhmm nagiisa ka ba? ”



“ah.. oo”



Oo nagiisa ako, at ikaw din nagiisa ka rin. Meaning we are both single. Gusto mong maging in a relationship with me?



“oh good, tara punta tayo sa mall! Naghahanap ako ng makakasamang kumain eh ”



Oh gulaaaaaaaaaaay! Moment ito! ! ! Kinikilig ako! He’s asking me on a date, he’s asking me on date! ! Kung date nga ba to?



Pero basta masosolo ko ang labidoo ko!



“sig—“



“NAMIIIII! ! ! ! ”





Napalingon kami agad dun sa taong tumawag saakin and sino pa nga ba ang tumatawag saakin ng Nami? !



Ang gwapong demonyo!



“halika na uuwi na tayo! ”



Crap. Nakalimutan ko siya!



“h-ha? K-kasi- ”



Umakbay si Stephen saakin “babes, sino siya? Friend mo ba siya babes? Ipakilala mo naman siya sakin babes! ”



So talagang kailangan ipagdiinan ang babes?



“uhmm maybe next time na lang. bye Naomi ”



“s-sige bye”



WAAAAAAAAAAH moment ko naglahong parang bula dahil sa demonyong ito!



“huy, alam mo pakiramdam ko may gusto yan sayo eh! ”



“w-wala no! impossible naman yun! Tara na nga! ”





[Kryzel’s POV]



“alam mo sinabihan niya ako na hindi siya masasaktan dahil hindi naman daw siya marunong mag-mahal!

Hahaha tapos alam mo sunod na ginawa niya? Hinalikan ako! ! Hahahahahahaha *hik*”



Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ko at nagpunta ako sa bistro namin para magpakalasing. For sure pag nalaman ito ng daddy ko grounded ako nito!



At ewan ko nga bas a sarili ko bat ako nag kukwento sa bartender na ito, samantalang di ko naman siya kilala?



“Ma’am tama na po ang inom” hinila niya saakin yung bote pero kinuha ko ulit sa kamay niya



“anoo baaa! Wag ka nga makielam ha! Nakuuu! Patay ka sa daddy ko pag ako ginalit mo! Mwawalan ka ng trabaho! Hahahaha”





“alam mo ang cute mo eh. Pero mas cute ka pag nalalasing ”



“tingin mo magugustuhan na ko ni Stephen pag nakita niya akong lasing? *hik*”



“hindi. Pero baka ibang tao oo. Wag mo nga aksayahin ang pagmamahal mo dun. Sayang ang ganda mo”



“haha grabe ka rin mambola! Sayang nga *hik* ang *hik ganda ko! ! Kasi di ko makuha ang mahal ko *hik*”



“hay naku, panuorin mo na lang ako mag flair”



Medyo masakit na ang ulo ko at blur na ang paningin ko. Nawawala narin ako sa sarili ko pero nakita ko parin yung paghagis hagis ng bote nung lalaki.



Nung matapos siya bigla naman ako natawa “hahahaha grabe ang galing mo mag hagis ng bote! Pwede ka na sa perya! Hahahahahahaha ”



Napakamot siya ng ulo “ok narin. at least na napansin mo ang flair ko ngayon kesa yung last time ”



“alam mo ang gwapo mo! Gawin kitang boyfriend diyan eh! ”



“pwede rin”



“ha? Pumapayag ka na? so deal boyfriend na kita hangga’t di ko nakakalimutan yang hayop na Stephen Cruz na yan! ”



“sige sabi mo yan ha. Gagawa ako ng kasulatan”



Kumuha siya ng papel at ballpen at may sinulat siya “oh pumira ka dito”



Pumirma ako kung saan niya tinuro “at dahil boyfriend na kita” hinila ko siya palapit “hahalikan kita”



Inilapit ko ang mukha ko sa kanya, palapit ng palapit hanggang sa





Black out





...





....



.....



... ....



Nasilaw ako sa sikat ng araw. Tokwa sino ba nag bukas ng bintana sa kwarto ko? Sabi ng ayokong may pumapasok sa room ko pag natutulog ako.



Napahawak ako sa ulo ko, grabe ang sakit, ang dami ko atang nainom eh. Teka sino kaya yung nag hatid saakin sa bahay?



Naku po baka si daddy. Yari ako.



Bumangon ako and nagitla sa nakita ko.



H-hindi ito ang kwarto ko!



T-teka, nasaan ako?



Napasilip ako sa ilalim ng kumot at nakita kong naka undies lang ako



“WAAAAAAAAAAAAAAAAH! ! ”



May lalaking lumabas galing sa C.R



“oh gising ka na pala. Good morning”



S-siya yung bartender namin ah! T-teka bat siya nandito, don’t tell me—



“ikaw! Ano ang ginawa mo sakin ha? ! ”



Napangiti siya at lumapit saakin. Sobrang lapit “ako? Ikaw kaya yun! Di ko alam na aggressive ka pala.

Anyways, nag enjoy talaga ako sayo kagabi! ”



Naku po!



“so papasok na ko sa school. Ikaw din alam kong may klase ka pa. pero una na ko ha”



Tsaka ko lang napansin na naka uniform siya ng uniform ng school namin.





Ibig sabihin estudyante din siya dun?



Lumabas na siya and ako naman halos did makakilos kakaisip sa kung anong nangyari.



Ang alam ko lang eh lasing ako at parang baliw na tawa ng tawa, tapos parang may pinirmahan ako na something at palapit ng palapit ang mukha ko sa kanya tapos..



WAAAAAAAAAAAAAHH It can’t be! ! !



Mas masahol pa ata to sa pagkagusto ko kay Stephen



h-he’s my f-first- -





Oh gosh i don't even know his name! !





Chapter 11


*Rainy day*





[Kryzel's POV]



Naglasing ako.

Nawala sa sarili.

Tumawa ng tumawa na parang loka loka.

Nag kwento ng lovelife sa bartender.



Tumawa ulit na parang loka-loka.

May kung anong pinirmahan.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya.

Tapos-

Tapos-

HINDI KO TALAGA MAALALA! ! !

Ampupu naman oh, may nangyari ba talaga? ! Wala ako maalala! Teka, may sign ba na nawala ang virginity mo?

Sabi nila sumasakit daw yun ano eh, but I feel normal.

Kung magpatingin kaya ako sa doctor?

Waaaaaah naku naku aku wrong idea! !

Paano kung buntis na pala ako? !

WAaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahh! Hayop na lalaking yun! Patatalsikin ko talaga siya sa bistro namin! ! !

'BEEESSSSST! ! '

Napalingon ako and nakita kong patakbo papunta saakin si Naomi.

'BBEESST! ! ' tumakbo din ako palapit sa kanya and nagtatalon kaming dalawa habang magkayakap.

'ilang araw kang di nagpapakita saakin! ano bang nangyari ha? ! '

Umupo kami sa bench 'ahm naging busy kasi'

Busy sa pagiging broken hearted kay Stephen.

Hay namiss ko tong bestfriend ko! Nakokonsensya tuloy ako na pinagselosan ko siya.

Nagkwentuhan lang kami saglit then naghiwalay na kami para pumunta sa kanya kanyang mga klase.

Hay hindi ko naikwento sa kanya yung nangyari last night. Alam ko rin naman na magwawala yun pag nalaman niya.

Isa pa ayoko narin na makita niya akong patay na patay parin kay Stephen to the point na nagpakalasing ako dahil dun.



'ang lungkot na naman ng mukha mo'

Napalingon ako sa nagsalita and ayun nakita ko si Mr. Bartender sa harapan ko. Nag flashback na naman sakin ang mga pinaggagagawa ko kagabi. Tinalikuran ko siya.

'hey, bakit mo iniiwasan ang boyfriend mo? '

Napatingin ako sa kanya 'boyfriend? ! Ano pinagsasasabi mo diyan ha? ! Tsaka bat ka ganyan makipagusap saakin? !

amo mo ko baka nakaaklimutan mo '

'actually no, kasi hindi ikaw ang nagpapasweldo sakin. And besides, nasa school tayo ngayon. Naglalakad sa iisang hallway, kumakain sa iisang cafeteria, at nagbabayad ng i-isang tuition. In short, hindi kita amo dito sa school na to.

And kung hindi mo naalala yung mga nangyari kagabi, ipapaalala ko sayo'

May inabot siya saaking papel. Binuksan ko, may nakita akong naka drawing na malaking heart. sa loob ng heart may nakasulat:





I, Kryzel Aguilar, promise to held Rence Reboredo's heart until the day that I forgot my feelings to Stephen Cruz.

I promise to be a good girlfriend to him.

Signed by

Kryzel Aguilar



Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng mabasa ko yun.

'kung hindi mo matandaan kung sino ako, I'm Rence Reboredo your boyfriend. So I'll fetch you tomorrow after class.

' He winked.

Oh gosh. Ano ba itong pinasok ko?



[Naomi's POV]





Dismissal Time.

Hindi ko na niyaya pa si Stephen na ihatid ako. Nakakainis lang siya eh! Bakit ba kailangan niyang sumulpot sa mga panahong nagpapacute ako? Diba?

Ano kaya iniisip na saakin ng papa Drew ko? Baka nasa isip nun eh katulad na ko ng ibang babae na nagiging girlfriend ni Stephen! At isa pa alam din niyang ex ni kryzel si Stephen. Hay di ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang dahilan.

Naglakad ako palabas ng gate at nagbabakasakaling bigla ulit sumulpot si Drew kaso hindi. Nag hintay pa ko ng 30

minutes sa harap ng north gate kaso wala parin eh.

Hay sayang talaga ang pagkakataon kahapon! Etong Stephen Cruz naman kasi na to eh!

Nung nakita kong medyo kumukulimlim na at parang uulan, umalis na ko. Wala pa naman akong dalang payong, mahirap ng abutan ng ulan.

Habang naglalakad ako pauwi, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kung mamalasin ka nga naman! !

Tunakbo ako sa ministop at dun sumilong, kaso sa lakas ng ulan na to mukhang aabutin ako ng dilim dito. Naku naman, wag din sanang bumaha. Pumasok ako sa loob ng ministop.

'mwah! '

Napatalon ako sa gulat nung biglang may humalik sa cheeks ko from behind.

At sino pa nga ba ang kaisa-isang manyak sa storyang to?

Hinampas ko yung braso niya 'manyak mo no! '

'eto naman! Alam kong kinilig ka sa ginawa ko! '

Hmp kilig your face! Baka kinilabutan! Kung si Drew lang ang gumawa niyan baka kinilig ako.

'ano naman ginagawa mo dito? '

'nakikipag date' tinuro niya yung dalawang babae na kasama niya.

'Stephen, darling who is she? '

Lumapit sila kay Stephen at pinulupot ang mga braso nila sa magkabilang braso ni Stephen.



Ladies and gentleman, I want you to meet the linta girls.

'girls she's Nami my-'

'his girlfriend! ' hinila ko si Stephen palayo sa linta girls 'babes sabi mo pupunta na tayo sa condo mo babes. Tara na babes baka bumaha pa dito babes'

Gantihan lang tsong! Bwahahahahaha.

'what are you talking about? '

'hindi kaya nagdadala ng babae si Stephen sa condo niya'

'yah I know kasi ako lang ang dinadala niya dun ' hinila ko palabas si Stephen 'let's go babes'

Nung nakalabas na kami binitiwan ko na yung braso niya 'ibang klase ka talaga. Ganyan ka ba talaga kapatay sakin

'

Hmp! Kapal ng mukha!

'oo! May angal ka? ! Hmp uuwi na ko diyan ka na! ! '

'paano ka uuwi sa ganyang kalakas na ulan aber? '

'tatakbo' tinalikuran ko na siya pero hinila niya ulit ako

'sira ka ba! Gusto mong magkasakit? Dun ka na lang muna sa condo ko' tinuro niya yung building sa kabilang street

'tatawid lang tayo. pwede naman natin takbuhin'

'ayoko nga! ! Ayoko sumama sa taksil na katulad mo! Babaero! ! '

'ok kung ayaw mo di wag. Basta ako uuwi na ko ha? Goodluck na lang sa paglusong mo sa ulan ' siya naman ang tumalikod at naglakad palayo

'w-wait! ' hinawakan ko yung kamay niya 'sama na ko sayo'

He grinned 'sus sasama ka rin pala! halika nga dito ' inakbayan niya ako tapos ci-nover niya ng braso niya ang ulo ko at sabay kami tumakbo papunta sa condo niya.

BWAHAHAHAHAHAHA

Ako ang unang babaeng makakapasok sa condo niya! !



Nung makaakyat kami sa condo niya inabutan niya agad ako ng towel.

Infairness, malaki din ang condo niya ah at ang ganda. Take note, ang linis linis niya. Kahit papaano pala eh malinis din tong isang to. Mukha kasi siyang balahura eh!

'Nami nagpakayat ako ng pagkain dito. Dyan ka lang ah, mag s-shower lang ako'

'ok'

Pumasok siya sa loob ng banyo. Ako naman naupo sa kama niya.

Napansin kong may mga pictures sa side table niya kaya tinignan ko at nagulat ako nung makita ko kung sino ang nasa picture na yun.

Si Stephen kasama si Yannie.

Ayan inaatake ako ng pagka curious na naman!

'oh ano tinitignan mo? '

Napatingin naman ako kay Stephen at kung nagulantang ako sa picture mas nagulantang ako sa kanya.

Naka tapis lang naman siyang lumabas ng banyo, basa ang buhok, at kitang kita ko ang anim na pandesal sa tyan niya.

Hindi sa ngayon lang ako nakakita ng lalaking nakatapis lang ha. Araw araw ako nakakakita nun kasi puro lalaki ang kasama ko sa bahay. Parang every morning nag li-liveshow ang mga kuya ko sa harap ko habang binabalandra ang mga pandesal nila.

Pero ngayon lang ako nakakita ng lalaking nakatapis na hindi ko kapatid At napaka makalaglag eyes.

'oh bat ganyan ka makatingin? Nate-tempt ka sa katawan ko? '

Iniwas ko agad ang tingin ko. 'hindi no! p-pwede bang mag damit ka na! '

'sure, huhubarin ko ba tong twalya sa harap mo? '

'WAG MONG SUBUKAN! ! ! '



'oh bat ka namumula ' nilapitan niya ako then kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa abs niya Inalis ko naman agad ang kamay ko 'lumayas ka sa harap ko! ! ! '

'bakit ba babes? Ano bang problema? '

Lumapit siya ng lumapit saakin hanggang sa mapahiga na ako sa kama niya at siya naman naka dagan na sakin while grinning.

Mas nilapit niya ang mukha niya sakin kaya napapikit na lang ako.

Oh tukso, layuan mo akoooo.

Naramdaman kong binuga ni Stephen ang hininga niya sa mukha ko 'bango ng hininga ko no? bagong mouthwash kasi ang gamit ko ' umalis na siya sa pagkakadagan niya sakin.

Anak ng tokwa!



Ang lakas ng ulan sa labas, pero bakit nainitan ako bigla!





Chapter 12


*savior*





[Na omi's POV]



'MIKA WHERE THE HECK ARE YOU? ! '

'kuya relax! Nandito ako sa bahay ng kaibigan ko. I can't go home, ang lakas ng ulan'



Tumingin ako sa bintana ng condo unit ni Stephen, walang humpay parin ang ulan and it's already 10 in the evening.

Mukhang wala akong choice kundi mag-stay dito sa condo niya

'ha? ! Kaninong bahay? ! Mikael don't tell me lalaki yan ha! ! ! '

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na busying busy kumain ng cup noodles

'h-hindi siya lalaki! Babae ang kaibigan ko '

Napatingin naman saakin si Stephen and he gave me a what-the-heck-are-you-talking-about look.

'siguraduhin mo ha Naomi Mikael! Anong pangalan niya? ! '

Sabihin ko bang si Kryzel? Naku po wag alam ni kuya ang telephone number ni Kryzel, baka bago ko pa ma-warningan ang babaeng yun eh naunahan na ko ni kuya.

'Y-yannie. Her name is Yannie. Yung sumundo dati saakin sa bahay, yung may kasamang bading'

Nakita ko naman na ngumiti si Stephen ng nakakaloko. Tokwa yang mga ngiting yan may pinaplanong masama.

'babes kainin mo na tong cup noodles mo, sige ka lalamig yan! '

'babes? ! Sino kasama mo diyan ha Mika? ! Sigurado kang babae yang kasama mo? ! '

Tinignan ko si Stephen ng masama. Tokwang lalaking to!

Nginitian naman niya ulit ako ng nakakaloko.

'ah, y-yung kuya ni Yannie yun, nandito kasi girlfriend niya'

'give me their telephone number! '

'ok wait lang nag sho-shower yung kaibigan ko! Di ko alam number nila, te-text ko na lang sayo'

'sige, magaantay ako ng limang minuto. Make sure mag text ka agad ha! Kung hindi kakaladkarin kita pauwi dito kahit gaano pang kalakas ang ulan! Naintindihan mo ba Naomi Mikael Perez? ! '

Huwaw! Mas malala pa tong kuya ko sa aking ama eh!

'opo naiintindihan ko NICOLAI PEREZ! '

Binabaan ko siya ng cellphone. Tokwang kuya ko eh no grabe magalit!



'huy babes kelan pa ko naging babae? At kelan pa ko naging kuya ng friend mo na kasama ang girlfriend niya? '

'hoy ikaw! Pag kausap ko ang kuya ko wag mo kong matawagtawag na babes ha! '

'oh relax. Ikaw naman highblood. Bat ba kasi hindi mo na lang sinabi sa kuya mo ang totoo? '

'kasi pag nalaman niya na lalaki ang kasama ko we're both dead meat! '

'aysus! Gaano ba kalaki ang katawan ng kuya mo ha? Baka naman hindi ako kaya nun! '

Teka naghahamon ba ang lalaking to ng suntukan sa kuya ko?

'magkasing katawan kayo'

'o yun naman pala eh! '

'pero ang problema apat ang mga kuya ko. Goodluck sayo'

Tinalikuran ko si Stephen at nagpunta sa kitchen niya para doon tumawag kay Yannie. Mahirap na baka gumawa na naman yun ng kalokohan habang may kausap ako sa phone!

'Hello Yannie? '

'oh Naomi bakit ka napatawag? May plano ka bang naiisip para kay Stephen? '

'hindi, kasi may problema ako eh and ikaw lang ang makakatulong'

'ano yun? '

'please give me your phone number, tapos tatawag ang kuya ko diyan, tell him nandiyan ako matutulog dahil hindi ako makauwi sa lakas ng ulan, ha? Please'

'sure but nasaan ka ba talaga ngayon? '

'sa condo ni Stephen'

'WHAT? ! OMG! Umaariba ka na sis! '

'coincidence lang ang lahat! Anyways, please pagtakpan mo ko kay kuya ha? Patay ako pag nalaman niyang nasa condo ako ng lalaki! And oh, if he ask kung may brother ka at kasama niya ang girlfriend niyang kumakain ng cup noodles um-oo ka na lang. ha? Please'

'eh? Sure. Teka, teka yung kuya mo ba na tatawag saakin is yung model? '



'yep'

'shocks! Sige! Kahit cellphone number ko ibigay mo narin sakanya! '

'sige na sige na tutal tutulungan mo naman ako '

'sige, bye. Ay goodluck pala sa gabi niyong dalawa. Enjoy. Lalo na ngayon umuulan, malamig, kailangan ng body heat! ' narinig ko ang malakas na tawa ni Yannie then binaba na niya.

Tokwang babae! Body heat? !

Pagkatext na pagkatext saakin ni Yannie ng phone number nila agad ko namang finorward kay kuya kasama ang cp number ni Yannie.

Teka speaking of Yannie, may itatanong nga pala ako kay Stephen!

Pinuntahan ko ulit si Stephen then kinuha ko yung picture nila ni Yannie sa side table

'Stephen, sino tong girl na kasama mo? '

'oh that's Alyana' Alyana? Ayun ba ang whole name ni Yannie?

'kaano-ano mo siya? '

'she's my ex-girlfriend'

'ex? ! Kelan ka pa natutong maglagay ng picture ng ex mo sa kwarto mo? ! '

'why? Selos ka? Gusto mo bang ilagay ko din ang picture mo dito? '

'tumigil ka nga! Pero bakit nga? '

'kasi hindi ko lang basta ex si Alyana'

'eh ano? Don't tell me minahal mo siya? ! '

'hahaha. My dear Nami ilang beses ko bang uulitin sayo na hindi ako marunong magmahal ha? '

'then, baka naman sya ang unang babaeng nagalaw mo? ! ' nanlaki ako ng mata at napatakip sa bibig.

Siguro nga! Kaya galit na galit si Yannie kay Stephen eh dahil siya ang kumuha ng virginity nito? ! Naku po! Bad talaga ang lalaking to!



'hindi no! ! ! wala pa kaya akong babaeng nagagalaw'

Napalapit naman ako sa kanya 'weh? '

'anong weh? ! Oo nga! Ano ka ba sa dinami-dami ng nagiging girlfriend ko kung gagalawin ko silang lahat malamang eh may AIDS na ko ngayon! '

Tinaasan ko siya ng kilay. Maniniwala ba ko sa sinasabi ng lalaking to?

'w-why are you looking at me like that? ! Totoo nga sinasabi ko! ! '

Natawa naman ako bigla sa expression ng mukha niya. Galit na galit eh!

'p-plano ko lang gawin yun sa taong seseryosohin ko ng panghabang buhay'

Natigilan naman ako sa pagtawa.

He looked sincere nung sinabi niya yun.

Kahit pala play boy ang isang to naniniwala rin pala siya na dadating ang araw may babae siyang seseryosohin eh.

'di bale alam ko naman ako ang babaeng pang habang buhay mong mamahalin eh! '

'ganun ah? ' nagulat ako dahil bigla niya akong binuhat at hiniga sa kama

'o-oh.. a-nong gagawin mo ha? ! ! '

'matutulog na natural '

Tumabi naman siya saakin. ako naman nagharang ng dalawang unan sa gitna

'don't you dare na tanggalin ang mga harang na yan ha! '

'sure' hinubad niya yung shirt niya tsaka inilapag sa side table. Though naka pajama naman siya, naka topless parin siya.

Ang lamig lamig bat nagta-topless ang isang to? Hindi ba niya alam ang use ng t-shirt? ! Talagang kailangang mag liveshow ulit sa harap ko? !

Pero hindi na ko nag react pa sa kanya, tinalikuran ko na lang siya at ipinikit ang mata. Mahirap nab aka tuksuhin este pagtripan na naman ako ng isang to.

'goodnight babes'



Pinatay na ni Stephen yung ilaw. Ako naman halos balutin ko na ang buong katawan ko ng kumot dahil sa sobrang lamig. Paano ba namang hindi? Bumabagyo na sa labas nakabukas parin ang aircon? ! Sino ba naman hindi giginawin! Mukha na nga akong lumpiang shanghai na balot na balot dito eh.

Humarap ako kay Stephen, nakatalikod siya saakin and hindi na gumagalaw. Baka naman tulog na to?

'Stephen? '

Naghintay ako ng sagot niya pero wala. Mukhang tinulugan na nga ako ng isang to.

Tinalikuran ko ulit siya, then humarap ulit ako, at tumalikod ulit, at humarap, at tumalikod. Kahit anong pwesto ko di ako kompurtable. Ang lamig eh!

Nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Stephen papalapit sa kanya. Wala na ang mga unan na nakaharang sa gitna namin.

'o-oy! Ano gagawin mo ha? ! '

Niyakap niya ako habang magkaharapan kami. Yung ulo ko nakasandal sa chest niya.

'S-stephen! '

Tintulak ko siya pero mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya saakin.

'ang gulo mo namang matulog eh! Dito ka na lang at wag kang gagalaw, para hindi ako magising dahil sayo'

Eto ba ang sinasabi ni Yannie na body heat? ! Infairness medyo nawala ang lamig ha at ang komportable ng pwesto ko. Ang bango pa ng lalaking to!

Maya-maya lang nakatulog narin ako.



[Kryzel's POV]



Sunny day!

Hay nako, kagabi pa ako nagdadasal na sana wag tumila ang ulan para suspended ang klase para hindi ko makita yang Rence na yun. Pero hindi eh. Sinalubong ako ng napaka taas ng araw pagkagising ko. Parang nangaasar lang!

Naalala ko na naman yung sinabi ni Rence na susunduin niya ako mamaya. Kinilabutan ako bigla.



Ayan ang dahilan kung bakit ayaw kong pumasok ngayon.

Pero dahil saw ala nga akong choice pumasok narin ako. Bago ako dumiretso ng classroom namin, kinuha ko muna yung mga libro ko sa locker ko. Mabait na bata kasi ako, hindi naguuwi ng libro, lahat nasa locker.

Dahil tatlong sunod-sunod na subject ko ngayong umaga, tatlong libro ang kinuha ko. Take note lahat sila hardbound at ang kakapal.

Sinara ko na yung locker ko pagkakuha ko ng libro at nag start maglakad ng bigla naman akong may nabangga.

Nahulog lahat ng libro na dala ko at nagmadali akong pulutin. Tinulungan ako nung nakabangga saakin na pulutin yung mga libro

'here'

Nung narinig ko ang boses na yun agad akong napatingin sa kanya.

It's Stephen, kasama ng tatlong babae.

'ohhh if I'm not mistaken she's Kryzel right? '

'oo yung tourism student! Yung madaming lalaking naghahabol sa kanya! '

'correction dear, hindi na ngayon simula nung i-break siya ni Stephen sa harap ng madaming tao '

I looked away. Sa dinami-dami ng ma-eencounter ko bakit si Stephen pa na may kasamang mga babae? !

'girls stop tormenting the poor girl'

'halika honey! ' inilapit nung girl ang mukha ni Stephen sa kanya then she kissed him. tinignan naman ako nung babae ng nangiingit na ngiti.

Sa totoo lang gusto kong ipagbabato sa kanila tong mga librong hawak ko. Pero bat ganun hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko? ! Nanginginig ako sa sobrang inis!

Nagulat na lang ako ng biglang may umakbay saakin.

'hey I've been looking for you. Tara ihahatid na kita sa classroom mo'

'R-rence'

'wait you're Rence Reboredo right? Yung nag champion sa flairtending competition? '

He smiled at them 'yes ako nga. And Kryzel is my girlfriend'



'what? ! Girlfriend mo siya? !

'really? Good to know '

'halika na Kryzel' inilayo ako ni Rence sa kanila tapos dinala niya ako sa may quadrangle at doon kami naupo.

'napaaga naman ang sundo mo sakin. Akala ko mamaya pa '

Inilapit niya saakin ang balikat niya 'iyak na'

'h-ha? '

'alam kong gusto mong umiyak. You can cry on my shoulders'

'sino naman nagsabi sayo na naiiyak ako? ! Hindi naman ako naiiyak ah! Napaka pakielamero mo talaga! '

'halika nga dito' bigla naman niya akong inakbayan then he placed my head on his chest 'hindi rin naman ako tanga para hindi mahalatang nasasaktan ka ngayon. Di ba boyfriend mo ko? Then it's my duty na i-comfort ang nasasaktan kong girlfriend' he tapped my head.





Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang ako naiyak habang yakap-yakap niya ako.





Chapter 13


*EPAL*





[Naom i's POV]





'Best ikaw talaga! Bat hindi mo naman saakin sinabi na boyfriend mo na si Rence Reboredo ha? ! '

Nandito kami ngayon ni Kryzel sa cafeteria at kumakain ng lunch. Ako naman todo tanong ako sa kanya about sa new boyfriend niya!

Aba si Rence Reboredo yun! Ang pantasya ng mga kababaihan sa school na to!

'pati ba naman ikaw Naomi? ! Ang dami niyo na nagtatanong sakin niyan ngayon, honestly ano bang meron? Eh-'

'ano ka ba naman! ! Natural madami nagtatanong sayo! Si Rence Reboredo yun! Ano ka ba! '

'oh eh ano naman kung siya? Hamak na bartender lang naman yun ng bistro namin'

'ano ka ba? Siya kaya yung nag champion sa flairtending dito sa school natin! Tapos inilaban siya sa iba pang mga school at nag champion din siya! Ang swerte nga niya dahil after graduation ang poproblemahin na lang niya kung saan niya gustong magtarabaho. Di na niya kailangan maghanap pa dahil sandamakmak na ang nag o-offer sa kanya! Ang daming nag sasabi he'll be the next Ram Ong! '

'so? '

Ay tokwa tong best friend ko! Slow talaga!

'so para ka nang nakahanap ng Prince Charming parang si Papa Drew ko! '

'speaking of Prince Charming, tignan mo kung sino ang parating '

Napatingin ako sa likod ko at nakita kong naglalakad papalapit saamin ang isang napaka gwapong nilalang. Ang aking Prince Charming.

'Drew'

'hi girls! '

'kamusta ang practice? '

'eto ayos lang! ay oo nga pala gusto niyo sumama saakin sa mall ngayon? '

'si Naomi na lang, may klase pa ko. Speaking of class, malapit na ang next class ko, kaya maiwan ko na kayo ha?

Enjoy '

Kinindatan ako ni Kryzel. Alam kong 1 hour pa before ang next class ni Kryzel. Nagpapaka anghel na naman ang aking best friend na mukha talagang anghel. Kaya labs na labs ko to eh!



'bye Kryzel. By the way congrats pala'

'ha? Saan? '

'Sa inyo ni Rence'

'eh? ! Even you? ! Ano ba talagang meron? ! '

'If you're curious you better go to the quadrangle ' he winked at her then umalis na kami ni Drew.

Mukhang wala pa ngang idea si bestplen sa nangyayari. Gusto ko pa naman makita ang reaction niya pag nakita niya kung anong meron sa quadrangle. Sweet. Tinalbugan ang pagkanta ko kay Stephen!

Sumakay kami sa jeep ni Drew papuntang mall. Dahil punuan, dikit na dikit si Drew saakin sa upuan to the point na amoy na amoy ko ang pabanggo niya.

Humarap saakin si Drew 'naiinitan ka ba? ' nagulat naman ako nun kasi sobrang lapit ng mukha niya saakin dahil nga siksikan.

Betcha by golly wow! What a lips! Na te-temp akong halikan!

'h-ha? H-hindi naman' nag smile lang siya then ibinaling niya ulit sa kabila ang mukha niya.

Eto na ba to God? Binibigyan mo ng second chance ang naudlot naming moment dalawa? Waaaah magpapakabait na talaga ako! Kaya sana God wag munang sumulpot si Stephen habang nag momoment ako. Please? Let this be a Stephen-free day!

Inalalayan ako ni Drew pababa ng jeep nung makarating na kami sa mall. Hanggang sa pag pasok namin nakahawak siya sa braso ko.

'Drew bat ka pala nagyaya bigla mag mall? '

'wala lang. Gusto kita makasama eh'

Nagulat ako sa sinabi niya. G-gusto daw niya ako makasama? Tama ba dinig ko? Hindi ba ako nabibingi? Tama ba?

Tama di ba?

SHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE EEEEEETTTT

Kinikilig ako! Kinikilig ako! !

Bigla kong naramdaman yung kamay ni Drew na nakahawak sa braso ko na unti-unting bumababa hanggang sa ang hawak na niya ay ang kamay ko.



Halos hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko. Ang tanging alam ko lang, hawak niya ang kamay ko. Tinignan ko siya kung anong reaction niya. Hindi siya nakatingin saakin but he's smiling.

Gravy! Eto pala ang pakiramdam nafirst time kang i-holding hands ng taong gusto mo? Heaven! Parang gusto mo ng lagyan ng permanent glue ang kamay niyong dalawa para forever ng nakadikit sa isa't isa.

'gusto mong maglaro sa arcade? '

's-sige kahit saan'

'tara '

Dinala niya ako papuntang arcade habang hawak hawak niya parin ang kamay ko. Halos mapakanta na nga ako ng

'This is the Moment' sa sobrang tuwa eh.

This is the moment, the sweetest moment of them aaaaaaaallllll.

Syempre una naming pinuntahan sa arcade is yung basketball. Nag padamihan lang kami ng ma sho-shoot na bola.

Syempre ako ang nanalo! Kala niyo si Drew no? Ako kaya ang nanalo! Mind you lahat ng bola na shoot ko sa ring!

'oh ice cream yan ah! Nanalo ako! Papalitan na kita sa pagiging varsity! '

'eh ang daya mo naman eh! Dun ka sa pangbata nag laro! '

'sus! Pareho narin yun '

Nag try pa kami ng ibang games. Merong race, barilan at air hockey. Nag enjoy naman ako ng husto, paanong hindi eh nakakalibreng chansing ako kay Drew! Aba pag nananalo ako sa games di ko maiwasang magtatalon at mapayakap sa kanya.

'gusto mong kumanta? '

'ha? Kanta? '

Itinuro niya yung maliit ng stage sa loob ng arcade. May videoke dun sa harap.

'h-ha? Wag nakakahiya. Ang daming nanonood eh'

'sus ano ka ba! Wag ka mahiya. Tsaka lagi ka naman na kumakanta sa harap ng maraming tao di ba? '

'eh kasi...'

'please, for me? Dedicate a song for me, please? ' nag puppy eyes naman siya.



Tell me, paano ko siya matatanggihan?

's-sige na nga'

'yun oh! '

Pumili ako ng song na kakantahin then nung nakapili ako tsaka ako umakyat ng stage. Grabe ngayon ko lang gagawin to ha? Magkaibang magkaiba ang kumakanta ka sa harap ng maraming tao para kumita sa kumanta sa harap ng maraming tao para sa isang tao.



[Weak by Jojo]

I don't know what it is that you've done to me

But it's caused me to act in such a crazy way

Whatever it is that you do when you do what you're doing

It's a feeling that I want to stay

'Cuz my heart starts beating triple time

With thoughts of lovin' you on my mind

I can't figure out just what to do

When the cause and cure is you, you

I get so weak in the knees

I can hardly speak, I lose all control

Then somethin' takes over me

In a daze, your love's so amazing

It's not a phase

I want you to stay with me, by my side

I swallow my pride



Your love is so sweet, it knocks me right off of my feet

Can't explain why your lovin' makes me weak

The whole time na kumakanta ako, nakatingin lang ako kay Drew na nakatingin din saakin. Bakit ba ganito? Ako ang kumakanta pero bat parang ako ata ang kinikilig?

Hay, I love this day! !

Nungnatapaos akong kumanta nagpalakpakan naman ang mga tao sa pangunguna ni Drew.

'thank you '

Nagyaya naman si Drew na mag DQ kami. Dahil nga natalo ko siya sa basketball kanina sa arcade nilibre niya ako.

'Here's your order! '

Nilapag niya yung order kong blizzard na kitkat. Yung sa kanya naman chocolate chip.

'yehey! Thanks sa libre'

'next time arcade ulit tayo. Pero pag nag laro tayo ng basketball ako na dun sa pambata ha? '

'naku edi hindi na kita matatalo nun for sure! '

Ginulo niya yung buhok ko 'thanks for accompanying me Naomi '

'no problem '

Kinain na namin yung ice cream namin. Tignan mo nga naman ang luck ko ngayong araw na to. Nakasama ko na si Drew, nakaholding hands ko pa, nayakap ko pa, nakantahan ko pa, nalibre pa ko ng DQ. Mukhang malakas ata ako sa taas ngayon.

'Naomi, nainlove ka na ba? '

Napatingin ako bigla sa tanong ni Drew 'h-ha? '

'sabi kokung nainlove ka na ba? '

Oo sayo.

Gustong gusto kong sabihin yan ngayon sa tanong niya pero paano? Kinakabahan ako! ! Waaaaahhh jusmiyooooo.



'b-bakit mo naman naitanong yan? '

'wala lang. Naiinlove kasi talaga ako sa babaeng kaharap ko ngayon eh'

1



2



3



4



5



'h -ha? '

'sabi ko naiinlove ako sayo'

Ok. ano dapat kong i-react? Biglaan to! I mean, pinagpapantasyahan ko lang dati yang mga katagang yan na sabihin saakin ni Drew, ngayon talagang sinasabi niya na!

Shocks, malapit na ko mag freak out dito. Gusto kong magtititili sa kilig!

Hindi ko maibuka ang bibig ko kasi sobrang speechless talaga ako ngayon. hindi ko to expected!

'gusto kitang ligawanan Naomi dati pa. Kaso mukhang late na ako para gawin pa yun '

Late? ! hindi ka late Drew! !

Teka iniisip niya ba yung kay Stephen?

Hindi pwede! Hindi pwedeng masira ang love life ko dahil kay Stephen! Kailangan kong umamin kay Drew



'Drew, the truth is-'





'Babes! ! '

Bumagsak ang ulo ko sa lamesa.

Please, nagkakamali lang sana ako ng dinig ng boses na yun.

'huy babes! ' naramdaman kong may pumindot sa braso ko kaya inangat ko ang ulo ko. At sino pa nga ba? !

'anong ginagawa mo dito? ! '

'ikaw naman babes! Nag promise ka kaya saakin na pupunta tayo sa condo ko ngayon '

'ha? ! ' teka wala naman akong natatandaan na pupunta ako dun ah? !

Napatingin ako kay Drew, and he was looking at me. hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya. Pero isa alam ang alam ko, hindi ito maganda.

'let's go babes! ' hinatak niya ang braso ko 'mauna na kami'

'w-wait! Ano ba kas gagawin natin dun? ! '

'ano pa bang ginagawa ng couples sa isang condo lalo na pag silang dalawa lang? ' he winked.

Napatingin ako kay Drew and swear hindi nga maganda ang expression ng mukha niya.

Hindi na ako nakapag paalam pa sa kanya dahil hinila na ako ni Stephen.

GRRR nakakainis! ! Bakit ba kailangan niyang dumating sa panahong nagtatapat na ako kay Drew? ! Nakakainis talaga! Para atang pinanganak sa mundong ito si Stephen na may ginintuang katungkulan na sirain lahat ng moment ko sa buhay eh! !

Inalis ko yung braso ko sa pagkakahawak ni Stephen

'ikaw! Bat mo naman ginawa yun? ! Nakita mo namang may kasama ako di ba? ! '



'di ba nanliligaw ka sakin? Sino ba naman gustong makita ang manliligaw nila na may kasamang iba? '

Aba talagang piangatawanan niyang ako ang nanliligaw sa kanya ha? !

'alam mo ang epal mo talaga! Epal ka! '

'thank you '

'ha? '

'EPAL. Everlasting Peace and Love. Gusto mo gawin mo pang EPALOG. Everlasting peace and love of God '

Ok, barado ako dun ah!

Kesa maki pag sagutan pa sa kanya, tinalikuran ko na lang siya at nag walk out.

'huy babes wag ka na magalit'

'WAG MO KONG TATAWAGING BABES! HINDI AKO BABOY! '





Bat ba nakakainis siya? !





Chapter 14


*flair*





[Kry zel’s POV]





“If you’re curious you better go to the quadrangle” Drew winked at me then umalis na sila ni Naomi.





Ako naman naiwang nakatayo dito at nagiisip kung ano nga ba talagang meron.



“Kryzel! ! ”



Nakita kong palapit saakin yung isang ka-member ko sa pep squad



“Hi Paula ”



“Kryzel, ikaw ha! Boyfriend mo pala si Rence ”



“eh? ! ”



“congratz! Ayun napadaan lang para sabihin yun sayo. Babye ” umalis na siya and ako naman nagkaroon ulit ng isang malaking question mark sa ulo.



Ok? ano yun? Ano ba talaga meron?



Mula pa kaninang pagpasok ko wala ng ibang sinabi ang mga tao kundi puro congrats. Ano ba talagang kalokohan ang ginagawa ng Rence na yan at mukhang buong mundo alam na boyfriend ko siya? !



At dahil sa hindi ko na talaga makayanan ang pagka intriga ko sa nangyayari, dumiretso ako sa quadrangle.



Pagkadating ko dun, madami ng nagkakagulong mga tao dun. Nagulantang naman ako ng makita kong may malaking banner na nakalagay dun sa stage at may nakasulat na:

“Kryzel Aguilar is the one who is holding my heart right now. All of you, especially the girls of Stephen Cruz, don’t you dare lay even a finger on her or else you’ll have to face me.”



Sa taas ng stage nandun si Rence nag f-flairing habang nag chi-cheer ang mga babae sa kanya.



Ako naman, I was rooted to the ground and hindi makapaniwala sa nakikita ko.



Bloody Mary! Ano bang pinaggagagawa ng lalaking to? ! ? ! Ano ba talaga tumatakbo sa isip niya! !



“Uy Kryzel! ! ” nakita ko yung ka blockmate ko na palapit saakin “grabe ang swerte mo sa boyfriend mo ngayon ha! Mukhang mahal na mahal ka talaga niya. Sabi niya pa mag hapon daw siyang mag f-flairing ngayon para ipakita ang pagmamahal niya sayo”



“HA? ! ”





Nagulat naman ako. Mag hapon? ! Meaning kanina pa siya diyan umaga? !



Tanghali na ngayon and medyo mataas ang araw kaya mainit sa quadrangle. Gusto ba niya mag collapse? !

Seriously, bat ba niya ginagawa ang mga bagay na to? !



Umakyat ako sa stage at nilapitan siya. Nakita ko naman na napatigil siya sa pag f-flair.



“Kryzel! Nakita mo ba ang ginawa ko? ”



Binulungan ko siya “ok itigil mo na yan ngayon, I’m warning you. Kung ayaw mong mawalan ng trabaho itigil mo na yan.”



Instead na matakot siya sa sinabi ko, nginitian lang niya ako at biglang inakbayan at itinago ang mukha ko sa may ilalim ng kilikili niya.



“w-wait—“



“Gu ys, mukhang na touch talaga ang girlfriend ko sa ginawa ko. Maiyak iyak siya eh ”



Narinig kong naghiyawan yung mga estudyanteng nanunuod. May iba pang sumisigaw ng “kiss! ! ”



Ako naman nagpupumiglas sakanya kaso hindi ako makakawala.



Anak ng pagong na lalaking to oh! ! !



Hinarap naman niya ako at biglang pinunasan ang pisngi ko na para bang may pinupunasang luha pero sa totoo lang walang luha. Tapos bigla niyang pinisil ang pisngi ko “ang cute talaga ng girlfriend ko! ” hinalikan niya ang noo ko atsaka itinulak pababa ng stage.



“sige na love, pumasok ka na sa klase mo before ka pang ma late ” he winked at me “I love you! ”



Arggghh! ! ! Nakakainis siya talaga! ! Ano ba tong pinag gagagawa niya ha? !



Dahil wala na kong magawa, naglakad na ko palayo. Narinig ko pa ang pahabol niyang sigaw na“Kryzel I love you very very much. Mwah mwah” kasabay ang tawanan at hiyawan ng mga tao.



Napatingin ako sa kanya at nag start na ulit siyang mag flair.



Tokwa naman talaga oh! Ano ba talaga ang nasa isip ng lalaking yan at ganyan ang mga pinag gagagawa niya? ! I just met him last week, nakainom ako, at nagising sa kama niya without any idea kung may nangyari ba saamin o wala.



Tapos eto ngayon, pinangangatawanan niyang boyfriend ko siya? ! Imposibleng wala siyang hidden agenda sa mga ginagawa niya!



B-baka naman nabuntis niya ako at habol niya is ang baby namin?



Teka, pwede ba yun? siya ang maunang makaalam na buntis ako kesa ako?



Pumasok na ako sa next class ko pero hindi rin ako ganoong nakapag focus kakaisip kay Rence. Pati sa mga sumunod kong subjects, lutang ang utak ko. Nung dismissal time, dumiretso na ako sa gym para sa practice namin ng pep squad.



Siguro naman hindi na nag f-flair yung taong yun no?



But I was wrong nung pauwi na ako nakita ko paring nasa quadrangle si Rence at nag f-flair. Mukha na siyang pagod but still hindi parin siya tumitigil



Medyo tinamaan na ako nun at napa isip.



Siguro kung walang Stephen Cruz sa puso ko ngayon, malamang na-fall na ako sa mga pinag gagagawa ni Rence.

Submitted: Monday, April 28, 2014
Edited: Tuesday, April 29, 2014

Do you like this poem?
0 person liked.
0 person did not like.

Related Poems


Topic(s): romance

Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Comments about this poem (Breaky2 by Aiyabells 002 )

Enter the verification code :

There is no comment submitted by members..

Top Poems

  1. Phenomenal Woman
    Maya Angelou
  2. The Road Not Taken
    Robert Frost
  3. If You Forget Me
    Pablo Neruda
  4. Still I Rise
    Maya Angelou
  5. Dreams
    Langston Hughes
  6. Annabel Lee
    Edgar Allan Poe
  7. If
    Rudyard Kipling
  8. Stopping by Woods on a Snowy Evening
    Robert Frost
  9. I Know Why The Caged Bird Sings
    Maya Angelou
  10. Invictus
    William Ernest Henley

PoemHunter.com Updates

New Poems

  1. The Real Robber, Monojit Chatterjee
  2. Untitle II, Seira LNlee94
  3. Robbin Williams - RIP, krishnakumar chandrasekar nair
  4. Body and Spirit, Mwenyeji Spikes
  5. Abiding In Forgiveness, Mwenyeji Spikes
  6. A SPECIAL LANGUAGE, MOHAMMAD SKATI
  7. The Other Side of the Gun, Vince Rogers
  8. Cruelty, Gangadharan nair Pulingat..
  9. My day in winter, Tiku akp
  10. The Inner Vault, Mwenyeji Spikes

Poem of the Day

poet Robert Frost

Some say the world will end in fire,
Some say in ice.
From what I've tasted of desire
I hold with those who favor fire.
But if it had to perish twice,
...... Read complete »

 

Modern Poem

poet Ernest G Moll

 

Member Poem

[Hata Bildir]