Aiyabells 002


Breaky3


Chapter 15


*mall*





[Naom i’s POV]





Saturday morning. Wala akong pasok, thank God. Pero tinawagan naman ako ni Yannie at France na magkita daw kami sa mall at may pag uusapan kami.





May pakiramdam ako na about sa contract yun. Kung tatanungin nila kung may plan na ko about sa step 3, nag aaksaya lang sila ng oras dahil wala! As in capital WALA.



Isa pa malabo akong yayaing makipag date ni Stephen dahil nga: Una, galit ako sa kanya dahil sa pagwasak ng aking lovelife. Parang winasak niya na ang future ko. Pangalawa, nagtatampo siya saakin dahil sinabihan ko siyang wag niya kong matawag tawag na babaes dahil hindi ako baboy! Na hurt daw siya sa sinabi ko dahil ako lang daw ang tinawag niyang babes, lahat ng ababe niya puro darling ang tawag niya, ako lang daw ang babes. Tapos lalaitin ko pa daw! Come on! Sino ba naman gusto magpatawag ng babes sa kanya? ! Ikaw ba gusto mo? ! Sige kung gusto mo kayo na lang magtawagan ng babes, basta ako ayoko! Nakakalait ng figure!



Di naman ako mataba, medyo nagiging chubby lang.



Naligo na ako at nagbihis para hindi ako ma late sa usapan namin nila Yannie. Pagbaba ko ng kwarto agad namang bumungad ang aking apat na kuya na pare-parehong hindi pa naliligo at mga naka boxers lang at magugulo ang buhok. Kala mo mga ramp model ng boxer shorts eh.



Sa sofa nakita ko ang kuya Nico ko na busy sa pag lalaro ng PSP habang nakabulagta sa sofa. Dahil sa depress ako ngayon, kailangan ko ng mapagtitripan kaya naman nilabas ko ang cellphone ko atsaka kinunan ng picture si kuya kaso nahuli.



“huy Mika! ” lumapit si kuya at nag akmang aagawin ang cellphone ko kaso nailayo ko sa kanya agad



“wahahahaha kuya ano kaya ang sasabihin ng mga fans mo pag nakita nila ang pictures mo? For sure panalo to! Mabibigyan ka ng bench ng marami pang photoshoot at maiinlove sayo si Shaina Magdayao pag nakasama ka ulit niya sa photoshoot! ”



“tumigil ka nga! Amin na yan! ”



“ayoko nga! ” binelatan ko siya “ipapkalat ko pa to sa net eh”



“huy Mika! ! ”



*I'm only gonna break break your break break your heart

I'm only gonna break break your break break your heart

I'm only gonna break break your break break your heart

I'm only gonna break break your break break your heart*



Natigilan kami pareho ni kuya sa paghaharutan



“shh may tumatawag” sinagot ko yung cellphone ko “hello? ”





“Naomi! This is Yannie, susunduin ka na lang namin sa house niyo. Dala ni bakla yung kotse niya eh. Malapit

na kami diyan”



“oh, ok, hintayin ko kayo”



I hang up the phone.



“pupunta dito si Yannie, susunduin na lang daw nila ako.”



“S-si Yannie ba? ”



Napatingin ako kay kuya “bakit kuya Nicolai? ”



“w-wala lang” tinalikuran niya ako “sige maliligo muna ako”



Hmm I smell something fishy. And mukhang hindi lang ako ang nakaamoy nun, pati ang tatlo kong kuya.



Nung papasok na ng banyo si Kuya Nico, kinaladkad siya nila Kuya Myco, kuya Jake at Kuya Sean pabalik sa sala.



“o-oh teka bakit ba? ! ”



“hoy Nico, pinopormahan mo ba yung kaibigan ni Mika? ” tanong ni kuya Sean, ang pinaka panganay saamin.



“h-hindi no! nakakatext ko lang yun! Ano ka ba naman kuya Sean! ”



Aba! Nakaka text na? ! ang galing din naman pala dumamoves ni Yannie ah! Parang nung isang araw ko lang ibinigay kay kuya ang number niya!



“eh bakit bigla kang magaayos diyan nung marinig mong papunta dito yung kaibigan ni Mika? ”



“Kuya Myco naman! Masama bang maligo? ! ”



“hindi, pero hindi pa ito oras ng pagpaligo mo. Usually bago tayo mag tanghalian. Meaning may pinopormahan ka! ”



“Kuya Jake! ! ”



At ayan po ang aking mga kuya, pag nagkaka lovelife ang isa, grabe makapag interrogate! Lalo na saamin ni Kuya Nico, kami kasi ang pinaka bata eh. Pero compare kay Kuya Nico ako ang pinaka kawawa pagdating sa ganyan kasi ako ang bunso at nagiisa pang babae. Masarap magkaroon ng apat na kuya pero mahirap din.





At dahil sa mukhang wala sila talagang planong papaliguin si Kuya Nico nakisingit na ko sa kanila“mga kuya kung ako sainyo mag suot kayo ng t-shirt! ”



Mahirap na baka pag nakita sila ni France na naka boxers lang eh pagnasahan pa sila!



“naku di na yan! ” umakbay si kuya Myco kay Kuya Nico “di ba Nico? ”



Biglang may nag doorbell at narinig naming tumahol si Hot dog



“arf! Arf! ”



Nagkatinginan ang tatlo kong kuya ng masasamang tingin sabay kaladkad kay kuya Nico sa harap ng pinto



“h-hoy! Ibaba niyo ko! Ibaba niyo ko! ! ”



“nope! Open the door Nico! ” tinulak tulak siya ni Kuya Sean Dahil sa trapped at napapaligiran ng tatlo ko pang kuya si Kuya Nico wala na siyang nagawa kundi ang buksan ang pinto. Kaso pagbukas niya ng door hindi mukha ni Yannie ang bumulaga sa kanila kundi ang pagmumukha ni France



“oh la la…! ! ”



Nagkanya-kanyang takbo ang mga kuya ko para magtago.



Sabi sa kanila eh mag t-shirt sila! Hindi tuloy nakaligtas sa mapanuksong mata ng pamintang anaconda na si France ang mga katawan nila.



Ako naman ang lumapit sa pinto para salubungin si France “uy nasan si Yannie? ”



“nasa kotse ko, hindi ko pinalabas baka agawan ako kay papa Nico! Grabe bakla ang sarap naman mag bakasyon sa bahay niyo. Ang daming hot bodies! ”



“loka! Wag mo nga pagnasahan mga kuya ko! ” hinaltak ko ang braso ni France “tara na nga” tumingin naman ako sa bahay namin para hanapin ang mga kuya kong nagtatago “uy alis na ko mga kapatid! ! Bye bye! ”



“ingat bunso! ! ” rinig kong sigaw ni Kuya Jake.



Dumiretso na kami ni France sa kotse at nandun nga si Yannie nakakulong.



“lokang bakla to! Ni hindi manlang ako hinayaang makita ang papa Nico ko! ”





“huy babae! Ikaw ha! Pinopormahan mo ba ang kuya ko? ! ”



“hindi no! siya ang pumoporma saakin! hay naku wag na nga muna kami ang topic! Tsaka na yan, dapat pagusapan ay ang tungkol sa inyo ni Stephen. Fransisco Juan paandarin na ang kotse at gora na tayo! ”



“eewww sabi ng France ang name ko! France! ! ” he started the engine.



[mall…]



“gi nawa niya talaga yun? ! Wahahahahahahahahaha ”



“grabe bakla! Nakakalerkey si Papa Stephen! ”



“korek Fransisco! He even called her babes! ”



Kinuwento ko sakanlia ang ginawa saakin ni Stephen at sa record breaking niyang pagwasak sa lovelife ko hanggang sa pagtatampong pururut niya sa pag lait ko sa tawag niyang babes. Pero imbis na makakuha ako ng moral support eh eto tinawanan lang ako ng tinawanan ng dalawang to! Hindi ba nila alam kung gaano kasakit yun? !



“it’s not funny! ” I glared at them “kayo kaya ang mawalan ng pag-asa sa taong mahal niya no! ”



“ano ka ba naman girl, eh hindi ka naman pwedeng magka boyfriend hangga’t pinaiibig mo si Stephen! ”

paalala saakin ni France.



He’s right, hindi nga naman ako pwede magka-bf. Hay, pero pag hindi ako kumilos mawalala nang tuluyan saakin si Drew at hindi pwede yun. Ang tagal kong pinangarap na maging kami. Umaga, gabi,24-hours a day siya ang laman ng pantasya ko. Akala ko nga hanggang pangarap na lang na mapansin niya ako pero eto nagtapat na siya saakin kaso sinira naman ni Stephen ang moment namin!



“but it’s a good sign you know” napatingin naman ako bigla kay Yannie “mukha kasing nagseselos si Stephen sa kilos na pinapakita niya eh”



Nagulat naman ako sa sinabi ni Yannie kaya napahagalpak ako ng tawa “hahahaha ayun? ! Nag seselos? ! Sus!

Eh hindi nga marunong mag mahal ang humal na lalaking yun eh! ! Alam mo kesa paibigin ko siya kung sapakin at basagin ko na lang ang gwapong mukha ng demonyong yun? For sure hindi na siya pagkakaguluhan ”



“hay naku hindi pwede yun, mayaaman sila Stephen at kaya niyang ipaayos ulit ang mukha niya! ”



Hmp!





“oo nga pala Naomi, the reason kung bakit ka namin gustong makausap is because of this”



May ipinakita saaking flyer si Yannie. Binasa ko naman ang nakalagay dun.



“Mr. and Ms. Tourism in Palawan? ! Don’t tell me isasali niyo ko diyan? ! ”



“gaga hindi! Di mo naman kayang kabugin ang mga sasali diyan no! isa pa tourism student ka ba? ! HRM ka di ba? ! ”



Tinignan ko ng masama si France. Lokong bakla to inapi ako! Di hamak naman na mas lamang ang beauty ko kesa sa kanya.



“so ano nga ito? ” tanong ko kay Yannie



“ang sasali sa competition na yan ay ang bestfriend mong si Kryzel at ang love of your life mong si Drew”



Nagulat ako sa sinabi ni Yannie “Si Drew at Kryzel? ! Waaaah bat walang sinasabi saakin si Kryzel? ! ”



“actually kasasabi lang sa kanila kanina. Nagkataon lang na nakasalubong namin siya kaya nasabi niya saamin. Maya-maya itetext ka narin nun” paliwanag saakin ni France



“so Naomi ang gusto naming mangyari is sumama ka sa Palawan. You see, university staffer si Stephen di ba? and ipapadala din siya dun to cover the event. Kaya naman malaking chance yun na makapag bonding kayo ni Stephen. Kaya opportunity mo na to”



“tama si Yannie bakla! Tsaka nandun din si papa Drew mo kaya gora ka na! ”



“hmp sige na nga! Pero hindi ako ang mauunang makipagbati kay Stephen! Never! ! ”



“speaking of the devil..”



Napalingon kami sa direction na tinitignan ni France and ayun nga, ang gwapong demonyo parating.



I saw him beaming nung lumalapit siya saamin. Mukhang masayang masaya ang loko!



Nung nakkarating siya sa table naming agad naman niyang niyakap si Yannie



“Alyana! I miss you! ”



Yannie hugged her back “Hey, how are you? ”





Bumitaw si Stephen sa pagkakayakap niya then he occupied the seat next to Yannie na katabi ko din. Kaya bale pinagigitnaan namin siya ni Yannie.



“ok lang naman ako. It’s nice to see you here” he told yannie habang nakatalikod siya saakin.



Nagkatinginan naman kami ni France. Ok para kaming pader dito ni France na hindi pinapansin ah! !



“so balita ko kasama ka sa Palawan? ”



“yeah, actually pwede daw magsama ng iba pa para mag chi-cheer sa representatives natin eh, how about you Yannie, sama ka dali! ”



“naku ano naman ang kinalaman ko dun? Si Naomi yayain mo”



Tinignan lang ako ni Stephen saglit tapos binalik niya ang tingin niya kay Yannie “bawal daw pumunta dun ang mga taong hindi nagpapatawag ng babes eh. Balita ko hindi nila binebentahan ng ticket papuntang Palawan





“at kelan pa nagkaroon ng ganong batas ha? ! ”



Humarap si Stephen saakin “kanina lang! di ka ba nakikinig sa news! ”



“tingin mo sino maniniwala sayo ha? ! Eh kung gusto kong pumunta sa palawan wala kang magagawa! ! ”



“at bakit? Susundan mo ko dun no? sus naman Nami! patay na patay ka talaga saakin. Kunyari ka pa kasi a ayaw patawag ng babes! ”



Aba namang ang kapal ng mukha ng humal na to! !



Grrr. Patay saakin to! ! ! Dadating ang araw hahabol-habulin din niya ako! !



At ngayon mag rerevenge ako dahil sa nawasak kong pagibig! Patay ka sakin Stephen Cruz! !





[Kryzel’s POV]





“uy Kryzel, ikaw pala lalaban sa Mr. and Ms. Tourism, goodluck ah! We’ll support you”





“thanks”


< br>Kanina pa ako wala sa sarili habang pinapaliwanag ng Dean saamin ni Drew yung about sa contest. Paano ba naman eh hindi ko makalimutan yung sinabi ng daddy ko kagabi ung sugurin ko siya sa room niya.



[flashback…]



“DAD! ! ” I opened the door of his room without even knocking.



“yes princess? Mukhang galit na galit ka ah? ”



“Dad, patalsikin niyo na sa bistro yung bartender na yun please! ! ”



“huh? Sinong bartender? ”



“yung Rence Reboredo! ! ”



“but why my princess? Did he done something wrong? ”



“err kasi…” sasabihin ko ba kay dad na nalasing ako at nagising ako sa kama niya at simula nun naging kami na?



Naku for sure magwawala yan!



“h-he … he is stalking me! ”



Bigla namang tumawa ng malakas si daddy “yun lang ba? Hindi naman enough reason you to fire him! And

besides malaking asset siya sa bistro natin. Marami tayong nagiging regular guests because of him”



“b-but, madami pa naman ibang bartender diyan na mas may experience at mas magagaling. Ano bang alam

niya? He’s just a student”



“and a very talented student. Yun nga ang dahilan kung bakit marami tayong nagiging regular guests.

Humahanga kasi sila sa husay ni Rence kahit sa estudyante pa lang siya.”



“ok, then I want to be a bartender! Papalitan ko siya sa bistro natin! ”



Tumawa ulit ng malakas si daddy “dear you’re a tourism student. Paano ka magiging bartender? ”



“pwede naman akong mag aral ah? And besides I’m also on the field of hospitality industry. I’m very good at entertaining guest! ”





“but you can’t flair and you cannot even mix a cocktail drink”



“edi mag ppractice ako sa bar! ”



“oh don’t you dare young lady! Marami akong mamahaling wines na naka display sa bar natin! Pag yun

natamaan mo ng flairing bottle at nabasag 2 years kang walang allowance”



“b-but..”


“no buts, I won’t fire him. tsaka ano bang ayaw mo sakanya? Mabait na bata naman si Rence at gwapo pa.

Bagay na bagay kayong dalawa! I am planning na ipagkasundo ka sa kanya ”



“what? ! ”



“haha I am just joking my princess. Pero hindi rin malabong mangyari yun pag hindi ka nagkagusto sa

kanya. But anyways I have a confident na kaya ka naman niyang paibigin ”



[end of flash back]



Ano kayang ibig sabihin ni dad dun? He has a confidence na kaya akong paibigin ni Rence? Meaning ba nun eh sinet-up ako ni dad kay Rence? Magkano naman ang binayad ni dad sa bartender na yun at napapayag niya? ! Hay naku naman!



Naglakad na ko papuntang next class ko ng biglang mapadaan ako sa freedom wall kung saan may mga babaeng nagkukumpulan at nag hahagikgikan. Nng makita naman nila akong lumapit agad silang lumayo at tinignan ako ng nakakalokong tingin.



Ano na naman ba meron? !



Tinignan ko yung pinagtatawanan nila sa freedom wall.



Sa taas nun may nakasulat na question: “what do you think is the right age for a person to get married”



Sa baba ng questions nandun yung iba’t ibang views ng mga estudyante. Ano naman ang nakakatawa dito?



Aalis na sana ko but something caught my eye. Sa far left corner ng freedom wall, may naka dikit na papel dun at may nakasulat, in all capital letters at gamit pa ay napaka tingkad na kulay ng pentel pen na Kahit kelan handa akong magpakasal basta ang taong pakakasalan ko ay si KRYZEL AGUILAR. I love you honey! Mwah mwah!





- Rence Reboredo





WHAT THE HECK? !



KELAN BA SIYA TITIGIL HA? !



Kukunin ko sana yung papel para tanggalin kaso biglang may dumating na professor



“hija hindi ka pwedeng mag tanggal diyan! ”



Umalis na yung prof kaya ako naman naiwang nakatayo dun. May mga estudyanteng tumingin sa freedom wall at bigla na namang nag hagikgikan. Malamang nabasa nila ang sagot ni Rence



“Arrrgghhhh! ! ! ”



Napatingin sakin yung mga estudyante. Ako naman nagtuloy tuloy na lang sa paglalakad.



Nakakayamot talaga!





Chapter 16


*black mailer*





[Naomi’s POV]





“oh my gulaay eto na siya! Eto na ” nakatakip ako ng mata habang nag lo-loading sa computer ang site ng grades sa school namin.



Aba’y gulay ako’y kinakabahan ng husto. Mukhang napahamak ko ang basic finance ko na subject eh.



“ayan na best! Imulat ang mata! ” niyugyog naman ako ni Kryzel para makita ang mga grades ko.



For. Lang.2 - 2.00

Basic Finance - 2.50



Nakahinga ako ng maluwag. Hay akala ko bumagsak na ako eh



******************************* ************************************************* ***********************

Author's Note Makikisingit lang si ako. Para po sa mga highschoolers, elementary at kinder (kung meron man) kong mga readers.

At para sa mga walang idea sa grading system ng college. Ganito po yun.



1.00 > pinakamataas na grade na makukuha. Kung baga sa highschool 100 na yan. Perfect 1.25

1.50

1.75

2.00

2 .25

2.50

3.00 > pasang awa. Pwede ka ng magsaya. Ibig sabihin naligtas ka.

3.50 > kawawa ka hindi ka manlang pumasok sa pasang awa. Bagsak ka.

4.00 > mas bagsak sa bagsak

5.00 > pinakabagsak sa lahat ng bagsak. Pasan mo ang mundo.



*************************** ************************************************* *****************************

Tinignan ko yung iba ko pang grades



Soc. Sci 5 – 1.50

HRM 12 – 2.00

HRM 13 – 2.25



HRM 14 – 2.25

HRM 15 - 1.75

Math 13 – 2.25

Tour Plan – 1.75



“ok naman pala ang mga grades mo best eh! Hindi na babawiin ni tito ang pang Palawan mo. Mapapanuod mo na kami ni Drew! ”



“hay salamat best. Akala ko talaga bumagsak na ko sa basic finance na yun. Tokwa di talaga ako pwedeng humawak ng pera! Wala akong future”



“oh my gosssh! I’m doomed! ! ! ” narinig naming ang sigaw ni France kaya naman napatakbo kami papunta sa kanya para tignan sa monitor ang grade niya.



Nat. Sci 2 – 3.50



“anak kanaman ng- ! ! Ano ba naman yan Fransisco Juan! Pharmacy ang course mo simpleng nat. sci di mo kayang ipasa? ! ” binatukan ni Yannie si France



“eh terrorista ang prof namin dun eh! Kamag-anak ata ni bin laden! ”



Cinomfort ko naman si France, “ok lang yan France, may midterms at finals pa naman. Pag bumagsak ka shift ka na lang ng HRM ”



“gaga anong kinalaman ko sa pag gawa ng pagkain? ! Baker king? ! Taga kain lang ako no! tsaka gamot ang ginagawa ko hindi pagkain”



“gamot? Baka gayuma? ”



“hi girls and gay”



Napalingon naman kami sa nagsalita.



“hi papa Stephen! ! ” kinawayan siya ni France.



Tokwa naman oh! Pati ba naman sa computer shop makikita ko siya? !



Isang linggo kong hindi pinapansin si Stephen. Nakakainis parin kasi ang ginawa niya eh. Di ako maka get over.

Isang linggo ko ding hindi nakita si Drew. Nag tetext ako sa kanya at nag e-explain kaso dinededma naman niya mga text ko.





Mukhang galit ata sakin yun.



Naku Stephen Cruz! !



“ano ginagawa niyo dito? ”



“tinitignan lang namin yung grades namin” sagot ni Yannie sa kanya



“uhmm best nakalimutan ko may kailangan pa akong daanan. Una na ako ha? ”



“s-sige bbye best. Ingat”



Lumabas na ng computer shop si Kryzel.



Halatang iniiwasan niya parin si Stephen.



“ako naman! Patingin din ng mga grades ko! ”



Itinulak ako ni Stephen paalis sa harap ng computer at siya ang naupo dun



“hoy FYI ako nag rent niyan”



“sus love mo naman ako eh! ”



Hindi ba siya kinikilabutan sa pinagsasasabi niya? !



“FYI hindi pa kita napapatawd sa ginawa mo! ! ”



“hindi mo naman ako kailangan patawarin dahil alam ko in the first place hindi mo kayang magalit saakin ”



Ay tokwa! ! Nakakayamot talaga siya! !



Hindi na ko pinansin pa ni Stephen at tuloy-tuloy lang siya sa pag bukas ng grades niya. Ni hindi man lang pumikit at nasindak.



Aba? Mukhang confident ang loko ah?



Nung nag load na yung grades niya tinignan ko naman agad. Syempre para pag may bagsak siya aasarin ko!

Bwahahahaha.



Kaso nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.





For. Lang.2 - 1.50

Basic Finance – 2.00

Soc. Sci 5 – 2.00

HRM 12 – 1.75

HRM 13 – 1.75

HRM 14 – 1.50

HRM 15 – 1.25

Math 13 – 2.00

Tour Plan – 1.00



“sus! Chicken! ”





Ay tokwa bat ang tataas ng grade ng isang to samantalang mukhang di naman siya nakikinig sa professor pag nagtuturo? !



Nataasan pa niya ako sa basinc finance at naka uno pa siya sa tour plan? ! Walanjo mo naman! Ano bang sikreto ng lalaking to? !



“hoy ikaw! Kanino sa mga babae mo ikaw nangopya? ! ”



Nagisip naman ako ng mga nilalandi niya sa classroom na matalino. Pero wala naman, lahat ng nilalandi niya puro paglalandi rin ang laman ng utak.



“hoy, excuse me ako ang gumawa ng lahat ng yan no! hindi ako nanlandi ng kaklase natin para makakuha ng mataas na grade”



“wait, baka naman mga prof natin ang nilandi mo? ! Hoy umamin ka! ! ”



“hindi nga ano ba! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! ” bigla naman niyan ako inakbayan “kasi naman kung inaamin mo na lang na matalino talaga ako babes ”



Inalis ko ang pagkakaakbay niya saakin “sabi ng wag mo kong tatawagin niyan eh! ! ”



Nag walk out ako palabas ng computer shop. Narinig ko pa nga ang malaks na tawa ni Stephen.



Grrrr nakakainis talaga siya! !



[dismissal]




Dumaan muna ako sa locker ko bago umuwi para ilagay ang mga gamit ko. Sana naman hindi ko makita ang gwapong demonyo sa paligid. Baka pag tuluyan akong maasar dun eh masipa ko pa bigla ang pagkalalaki niya ng mamilipit siya ng bongga sa sakit!



Matapos kong ilagay yung mga libro ko sa locker, napansin ko sa di kalayuan si Drew na nag-aayos din ng locker niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba nung nakita ko siya.



Naalala ko na naman ang lahat.



“Naomi, nainlove ka na ba? ”



“b-bakit mo naman naitanong yan? ”



“wala lang. Naiinlove kasi talaga ako sa babaeng kaharap ko ngayon eh”



'gusto kitang ligawanan Naomi dati pa. Kaso mukhang late na ako para gawin pa yun ”





Nakaramdam ako bigla ng kilig at the same time pagka dismaya.



Hay si Stephen kasi eh.



Kung hindi ba siya dumating at natuloy ang pagtatapat ko kay Drew kami na kaya ngayon? Siguro hindi dahil kailangan ko pang tapusin ang kontrata.



Pero atleast alam na ni Drew ang totoo kong nararamdaman.



Hay.



Ano ka ba naman Naomi! Tatayo ka na lang ba diyan at walang gagawin? !



Kahit ang bilis ng tibok ng puso ko, I gathered all my strength para lapitan si Drew.



“D-drew”



Tumi ngin siya saakin and halatang gulat na gulat siya na makita ako.



“oh, Naomi”



“ah Drew, uhmm p-pwede ba kitang makausap? ”





Isinara niya yung pintuan ng locker niya “uhmm sorry Naomi, hindi ako pwede ngayon eh. May gagawin ako”



Halatang iniiwasan niya ako



“Drew, about dun sa nangyari sa mall sorry talaga ha. Ts-tsaka yung sinabi mo sakin—“



“ayos lang yun Naomi, hindi naman ako galit. Tsaka yung sinabi ko sayo kalimutan mo na yun”



“ha? P-pero bakit? ”



“hindi naman totoo yun eh. Binibiro lang kita. kaso hindi ko na nabawi kasi biglang dumating si Stephen.

Kaya wag mo na sanang intindihin yun. Sige Naomi una na ako sayo ha? Bye” he waved at me then tinalikuran na niya ako at naglakad palayo.



Hindi totoo yung sinabi niya?



Napasandal ako sa wall.



Akala ko naabot ko na siya, hindi parin pala.





[Saturday Morning]



“hotdog hotdog hot diggydidog! Hay naku hotdog ang sakit talaga huhuhu. Para narin akong harap harapanang na-basted eh. Come to think of it, nag mistulang anghel din pala itong demonyong gwapong si Stephen. Siguro kung hindi siya dumating para na akong tangang nagtatapat sa lalaking gino-goodtime lang pala ako! Hay naku”



Sinabon ko yung mga balahibo ni Hotdog at pagkatapos nun kinuha ko yung hose at itinapat sa kanya para anlawan siya.



“ayan hotdog mabango ka na ulit at gwapo. Baka tuluyan ng mainlove sayo ang aso ng kaptibahay natin! ”



Nung matapos ko ng anlawan si Hotdog, bigla naman niyang pinagpag ang balahibo niya kaya nagtalsikan sakin yung tubig



“ay bat mo naman ako binasa Hotdog! ”



“arf! Arf! ”



Narinig kong bumukas yung gate namin at nakita kong papasok na ang aking apat na kuyang kakagaling lang sa paglalaro ng basketball.



Buti naman! Wala kasi si daddy dahil nag out of town. Ibinilin ako sa mga kuya ko pero ako lang gumagawa ng gawaing bahay! Kamusta naman yun!



“kuya! Magluto ka na ng tanghalian natin! ” sigaw ko sa kanila habang pinupunasan ko ng twalya si Hotdog.



“hindi na kapatid, mag palit ka na ng damit, sa labas na tayo mag lunch. Nagyaya kasi itong si Stephen eh”



“ah ok”



Bigla naman akong napatigil sa pagpunas kay Hotdog



Si Stephen daw ba kamo? !



Tumingin ako sa likod and ayun nga, kasama ng apat kong kuya ang gwapong demonyo!



Anak ng- ! ! Paanong naging kakilala niya ang mga kuya ko? ! At bat mukhang close sila? !



“grabe Stephen ulitin natin to ha! Basketball ulit tayo”



“sure, next week? Game ako diyan! ”



“ay oo nga pala eto pala si Naomi, ang bunso at nagiisang babae naming kapatid” pakilala ni Kuya Nico saakin.



“oh Nami! ” ngumiti naman ng nakakaloko si Stephen



“magkakilala kayong dalawa? ”



“yep, blockmate ko siya! ”



“then good, sabay sabay na tayo sa Mcdo”



Tokwa mukhang may hindi magandang mangyayari saakin ah.



[Mcdo]



Isa-isa kaming umorder sa Mcdo. Good thing, nauna kaming dalawa ni Stephen na maka-order at makaupo sa table kaya naman kinausap ko agad siya.



“hoy paano mo naging kaibigan ang mga kuya ko ha? ”





“wala lang nakakalaro ko lang sila sa park minsan ng basketball. Ni-hindi ko nga alam na kuya mo sila eh ”



Bakas sa mukha niya na nag sisinungaling siya. Kayamot! !



“teka alam ba nila na nililigawan mo ko? ”



Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ay tokwa! Talaga naman! !



“hoy lalaki FYI hindi kita nililigawan. Isa pa please wag ka namang magkwento ng tungkol satin! ”



“bakit naman? Ayaw mo bang ipaalam sa kanila kung sino ang nilalaman ng puso mo? ” inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko “at kung sino ang unang lalaking nakahalik sayo? ”



Naku pag nalaman ni kuya malamang eh patay ako eto pa namang lalaking to ang hilig manlaglag!



“h-hoy! Tumigil ka! Wag kang magsasalita! ”



“sige hindi ako magsasalita, pero sa isang kondisyon”



“ano? ”



“bati na tayo at papayag ka ng babes ang tawag ko sayo ”



“mukha mo! ! ”



“ok madali ako kausap. Siguro ma th-thrill sila pag nalaman nila kung nasaan ka talaga nung gabing bumabagyo ng malakas at kung sino ang kasama mo” he winked at me



“you- ! ! ”



Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi nagsidatingan na ang mga kuya ko.



Nag start na kaming kumain. Ako naman halos hindi mailunok yung food sa sobrang kaba. Baka any minute eh magsalita itong si Stephen.



“oo nga pala, magkaklase pala kayo ni Naomi no? wala naman sigurong umaaligid na lalaki sa kapatid namin? ”



Naku po eto na.





“umaaligid na lalaki? Wala naman” tinignan niya ako ng nakakaloko “pero baka siya may inaaligirang lalaki ”



“ha? Naomi may nagugustuhan ka ba? ”



“ah eh.. ano ha.. k-kasi”



“mukha ngang may nililigawang lalaki si Naomi eh” sabat ni Stephen habang naka-ngiti parin ng nakakaloko.



Tokwa ka Stephen patay ka talaga saakin!



“Naomi totoo ba un? ! Ikaw ang nanliligaw? ! ”



“h-hindi no! wag nga kayo maniniwala diyan ”



Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext si Stephen



************************** ************************************************* *************

Hoy! Tumigil ka na. sige na pumapayag na ako sa gusto mo. Bati na tayo babes. ************************************************* ***************************************


Nakita kong napangiti si Stephen nung mabasa niya ang text ko.



Binawi agad ni Stephen yung sinabi niya, “hehe joke lang yun. Natatawa lang talaga ako kay Naomi pag naasar





“ah ganun ba, akala namin totoo na eh! ”



Nagtawanan sila dun ng nagtawanan.



Nakakayamot ka Stephen.





Blackmailer!





Chapter 17


*Hello Palawan! '





[Naomi's POV]



'Mika sure kang wala ka ng naiwan na gamit ha? '

'yes Kuya Myco! Wala na! '

'nagdala ka ba diyan ng sapat na underwear? Baka mamaya side A side B gawin mo '

'kuya nakakadiri ka alam mo yun! '

'to naman nagpapaalala lang! yung boarding pass mo dala mo? '

'yes boss'

'buti naman! Ingat ka bunso, uwian mo ko ng kasuy ah? Tsaka ng pawikan! '

'sige kuya, basta ba makakauwi ako ng hindi nakukulong pag nag puslit ako ng pawikan dito'

Ginulo ni kuya Myco ang buhok ko, tapos pareho kaming bumaba sa kotse atsaka niya ibinaba ang maleta ko.

Sa wakas papunta narin kami sa Palawan at eto ang kuya Myco ko, hinatid ako sa airport. Aba'y excited ako! First time kong makakapunta dun eh. Ang dami kasi nagsasabi na ang ganda ganda daw talaga sa Palawan, lalo na yung underground river nila.

'hay naku 2 weeks mawawala ang bunso namin. Walang magluluto ng masarap.'

'pagtyagaan niyo muna ang yakisoba at century tuna kuya.2 weeks lang naman. Tsaka alagaan niyo si Hotdog ah! '

'oo naman! Nasa safe hands si Hotdog saamin! '



Nagpaalam na ako kay kuya and agad pumasok sa loob ng airport. I checked-in my baggage then kinuha ko na yung ticket pati nagbayad ng terminal fee. After nun dumiretso na ako sa waiting area kung saan kami maghihintay ng flight namin.

Tumingin-tingin ako sa paligid para hanapin yung mga kasama ko kaso mukhang ako pa lang ata ang nandito. Yun mga yun talaga, always late. Naupo ako then inilagay ko yung headset ko and nakinig sa music sa aking ipod habang naglalaro ng Crash Bandicoot sa PSP. Dahil naka-shuffle yung songs sa ipod ko, kung anu-ano na ang music na napapakinggan ko.

I don't know what it is that you've done to me

But it's caused me to act in such a crazy way

Natigilan ako and ayun tuluyan na akong naunahan ng mga kalaban ko sa race.

Whatever it is that you do when you do what you're doing

It's a feeling that I want to stay

Yung kanta kasi eh. Nakakayamot naalala ko na naman yung araw na nag mall kami ni Drew. Ayan yung kinanta ko nun

'Cuz my heart starts beating triple time

With thoughts of lovin' you on my mind

I can't figure out just what to do

When the cause and cure is you, you

Pero kesa ilipat ko sa ibang songs, I found my self na sumasabay narin sa pagkanta.

I get so weak in the knees

I can hardly speak, I lose all control

Then somethin' takes over me

In a daze, your love's so amazing

It's not a phase

I want you to stay with me, by my side



I swallow my pride

Your love is so sweet, it knocks me right off of my feet

Can't explain why your lovin' makes me weak

'ang sarap talaga pakinggan ng boses mo pag kumakanta'

Napatigil naman ako bigla sa pagbirit dahil sa nagsalita. Napatingin ako sa likod ko and ayun nakaupo si Drew.

Magkatalikuran kasi yung mga bench bali nakaupo si Drew sa katalikuran ng bench na inuupuan ko.

'i-ikaw pala'

Napaayos ako ng upo at pinatay ang ipod ko.

'buti nakasama ka'

'oo nga. Gusto ko kasi mapanuod si Kryzel'..at ikaw

'ah'

Anak naman ng tokwa ano bang nangyari saamin. Hindi naman kami dati ganito mag-usap eh. After ko siyang kausapin sa tapat ng locker niya, hindi ko na ulit siya nakita.

Ok inaamin ko na medyo umiiwas ako sa kanya. Hindi na ako nanunuod ng practice nila Kryzel ng pep squad after dismissal kasi natatakot akong makita siya. Iniiwasan ko naring makasalubong siya sa school. Pero wala naman kahirap-hirap ang ginagawa ko kasi mukhang pati siya iwas saakin.

Ang dahilan ko kaya ako umiiwas kasi nasaktan ako dun sa pagbawi niya. Naniwala ako na totoo lahat ng yun. Pero eto, assuming na naman pala ako. Pero atleast ako may dahilan, pero siya hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit niya ako iniiwasan. Gusto ko siya i-confront at tanungin. Baka mamaya may gusto talaga siya saakin kaso nagpakaduwag lang at binaw ang sinabi. Pero ayokong kausapin siya, mamaya assuming na naman pala ulit ako.

'best! ! '

Medyo gumaan ang pakiramdam ko nung makita kong padating si Kryzel kasama sina Yannie, France at ang gwapong demonyong si Stephen.

'hi babes '



Ok sinisimulan na naman niya. Kada tatawagin niya ako ng ganyan kumukulo ang dugo ko, at halata namang nakikita niya yun kaya lang hindi parin niya ko tinatantanan ng kakatawag ng babes dahil alam niyang wala akong magagawa dahil nga blackmailer siya. Anak ng tokwa! Nag eenjoy talaga siya sa ginagawa niya!

Hindi ko na lang siya pinansin kesa masira pa ang araw ko.

Maya-maya lang din kumpleto na kami. After 15 minutes na pag aantay, sa wakas natawag narin ang flight number namin at pinasakay na kami sa airplane. Hinanap ko naman agad ang seat ko 12B

Nung nakita ko na yung 12B medyo yamot naman ako dahil yung seat ko ay hindi katabi ng window. Napapagitnaan pa ng dalawang upuan. Hay.

Inilagay ko sa taas yung hand-carry na bag ko

'excuse me'

Tumabi naman ako at napatingin sa likod ko and nakita kong umupo si Drew sa 12A, katabi ng bintana. Katabi ko.

Ano ba ito, pinaglalaruan ako ng tadhana?

Dahil sa no choice ako, umupo narin ako sa tabi niya. Hindi naman pwedeng nakatayo na lang ako dito forever.

Napatingin ako sa side niya and nakita kong nakatingin lang siya sa may bintana habang naka headset.

Kung ok lang sana kami ngayon edi masaya ako at kinikilig pa dahil katabi ko siya. Ang kaso hindi kami nagpapansinan.

Hay

Sa totoo lang gustong gusto ko na ulit siyang pansinin.

Naramdaman kong may nag-occupy narin ng sit sa right side ko kaya tinignan ko kung sino.

'hi babes'

Anak naman ng lahat ng masasamang bagay sa mundo! Bakit sa lahat pa ng tao eto? ! Pati ba naman dito hindi parin ako hinihiwalayan ng isang to? !

'oh bat ganyan ka makatingin? Kinikilig ka naman dahil katabi mo ko? ' kinindatan niya ako ng may halong pangasar.

TOKWA!



'oo grabe kinikilig ako, sobra' I told him in a sarcastic tone Hay naku Naomi, hindi matutupad ang plano mo kung lagi mong sinusungitan si Stephen.

Waaaaaaah kahit na wala akong paki ngayon! Nakakayamot!

'tingin mo babes, ano kaya ang pameryenda nila satin'

'kape at biscuit ano pa ba? ! '

'eto naman ang highblood, halikan kita diyan eh! ' inilapit niya ang mukha niya saakin atsaka ngumuso ng pagkahaba-haba. Itinabing ko naman ang mukha niya

'sipain kita diyan eh! '

Maya-maya lang pinapatay na saamin yung lahat ng gadgets namin dahil ready for take off na daw yung airplane.

Naramdaman ko namang unti-unting umandar ang airplane hanggang sa nasa himpapawid na kami. Gustong gusto ko nga sumilip sa window. Nung last time na sakay ko sa airplane nung papunta kami sa Cebu sa may window ako nakaupo. Ganito ding time yun, hapon and papalubog na ang araw. Ang ganda tignan ng sunset pag nasa airplane ka. Parang upclose mong pinapanuod ang paglubog ng araw. Napaka breathtaking, wala akong masabi sa ganda.

The beauty of God's creation. Pero ngayon naman gusto ko ulit mapanuod kaso ayun eh hindi ako makatingin kasi nahihiya ako kay Drew. Tsaka baka isipin niya tinititigan ko siya. Aba mahirap na, baka assuming din ang isang to!

Kinalabit ako bigla ni Stephen 'hoy, bat ka naninigas diyan? Natatakot ka no? first timer ka sa pagsakay ng airplane no? '

'excuse me pangatlong beses ko na nakasakay no'

'yabang! ' tumawa naman siya dun na parang sira ulo.

Sa buong byahe dada ng dada si Stephen. Kung ano-ano ang sinasabi. Ang sarap nga pasakan ng tinapay sa bunganga para matahimik eh. Para siyang si donkey sa shrek! Ang daldal! !

At nung sobrang sumasakit na ang tenga ko sa daldal niya, di ko na napigilan ang sarili ko 'would you please stop talking for just five minutes? ! '

That shut him up. Pero after five minutes ang ingay niya ulit at salita na naman ng salita.

Oh God!

Sa kaliwa, katabi ko ang lalaking gustong gusto kong pansinin pero ayaw naman akong pansinin. Sa kanan, katabi ko ang lalaking papansin ng papansin kahit ayaw kong pansinin.



How ironic! Imaginin niyo na lang kung gaano ka-peaceful ang byahe ko!



[Kryzel's POV]

Puerto Princesa Airport...

'best! ! ! We're here! We're here! ! ' lumapit saakin si Naomi at nagtatalon sa harap ko. Halatang halata na excited ang isang to. Kagabi pa text ng text saakin to na sobrang excited siya.

'oo nga best, sana makagala agad'

'oo naman no! bago ka pa maging busy gagala na tayo! Tsaka hindi pwedeng hindi dahil binigyan na ko ng mga kuya ko ng mahabang listahan para sa mga pasalubong nila'

Nag picture picture muna kami sa harap ng airplane tapos pumasok na kami sa loob to get our baggages. Nung makuha na namin yung baggage, agad naman na may sumalubong saamin to welcomed us at sinabitan kami ng flowers na kwintas.

Lumabas na ulit kami then hinanap yung car na susundo saamin.

'guys, ayun ata yung susundo satin' tinuro ni Drew yung van na color gray kaya lumapit naman kami.

'hay ang tagal niyo naman dumating, kanina pa ako dito'

Halos malaglag ko yung mga gamit na hawak ko sa sobrang pagkagulat.

What is he doing here? !

'Rence! '

'hi Naomi! Nakasama ka rin pala '

'yep kami ang palakpak brigade nila Kryzel '

'eh ikaw what are you doing here? ! ' I glared at him

'masama na ba panuorin ang girlfriend ko? '

'yiee ang sweet' pang-aasar saakin ni Naomi.



Ginatungan pa nila Yannie at France. Naman oh! Akala ko magiging Rence-free ang buhay ko ng dalawang linggo!

Hanggang Palawan ba naman nasundan niya ko? ! Grabe lang! !

Sumakay na kami dun sa van tapos inihatid kami nito sa rest house na tutuluyan namin.

Dalawa kasi yung rest house na yun. Medyo maliit lang siya at may dalawa lang room, isang CR, isang dining area, sala at kitchen.

Sa isang rest house pito ang pwede mag occupy. Kaya nagsama-sama na kami. Ako, si Naomi, si Stephen, si Drew, Yannie, France, at... siya sino pa ba? Yung buntot at anino kong si Rence!

Dun sa kabila naman, in-occupy nung professor na kasama ko, yung dalawa pang staffers na kasama ni Stephen at apat pang member ng mag chi-cheer saamin na kung tawagin ni Naomi ay palakpak brigade.

Inayos na namin yung mga gamit namin at nilagay dun sa room. Magkakasama kami nila Naomi at Yannie sa isang room. Sa kabila naman sina Drew, Rence, Stephen at France.

'hay naku enjoy na enjoy si bakla dun sa kabilang room! Palibhasa puro papables ang makakasama niya sa kwarto'

sabi ni Yannie habang naglalagay ng gamit sa cabinet.

Maya-maya lang nakarinig kami ng malakas na sigaw galing sa room ng mga boys

'RAAAAAAAAAAPEEEEEEEEEE! ! ! ! ! '

'ano ba papa Stephen wala naman akong gagawing masama sayo! ! '

Biglang bumukas ang pinto ng room namin at nakita namin ang pagmukuha ni Stephen. Tumakbo agad siya sa likod ni Naomi.

Sumunod naman na pumasok ay si France.

'he's molesting me! ! ' tinuro-turo ni Stephen si France habang nakatago pa sa likod ni Naomi.

'papa Stephen wala naman akong gagawing masama sayo no! I'm just helping you to change your clothes '

'hoy ang landi mong bakla ka! ' hinampas ni Yannie ang braso ni France.

Niyakap nama ni Stephen si Naomi 'babes I'm so scared! ! ' tinulak tulak siya ni Naomi

'ano ba Stephen! Lubayan mo nga ako! ! '

'anong tawag mo sakin? Stephen? ' tinignan ni Stephen si Naomi ng nakakaloko



'b-babes. Sabi ko nga babes ang tawag ko sayo '

'good ' biglang hinalikan ni Stephen ang pisngi ni Naomi

'ay ang sweet! Naiinggit ako! '

'tumigil ka nga Yannie! Eh kinakalantarya mo nga ang kuya ni Naomi eh! '

Nagtawanan sila.

'oh may swimming pool! ' tumuro ako sa labas and lahat sila nagtinginan sa bintana 'wait punta lang ako dun ha'

Lumabas ako sa room and pumunta sa may side ng pool.

Hay, what a scene.

Alam kong hindi naman talaga mahal ni Naomi si Stephen pero kada makikita ko sila hindi ko maiwasang hindi masaktan. Tinanong ko dati si Naomi kung sa tingin niya mahal na siya ni Stephen, sabi niya saakin mukhang hindi dahil hindi naman daw marunong magmahal yung lalaking yun.

Pero tingin ko nahuhulog na sa kanya si Stephen.

Kung alam lang ni Naomi kung paano makitungo si Stephen sa mga nagiging girlfriend niya. Palaging less talk, more kiss. Alam ko yun, dahil naranasan ko. Kung ang babae alam ni Stephen na hindi niya mahahalikan, hindi na niya ito lalapitan pa. Pero pagdating kay Naomi hindi. Nakikita ko ang makulit na side ni Stephen pag kasama niya si Naomi.

And mukhang kay Naomi niya lang nailalabas ang ganung side niya.

'HOY! ! '

'ay daga! ! ' napalingon ako sa bwisit na lalaking nangulat sakin, and ayun nakita ko si Rence na tawa ng tawa 'alam mo nakakainis ka eh no! lakas ng tama mo! ! '

'ikaw naman honey! Ang lungkot kasi ng mukha mo eh, gusto lang kita patawanin! '

'oo grabe tawang tawa ako sa ginawa mo! ' I told he sarcastically Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko the he filled the spaces between it 'ang ganda sa Palawan no? isipin mo na lang nag ddate tayo dito'

Inalis ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya 'date your face! Hindi naman tayo! ! '

Tinalikuran ko siya kaya lang napaharap ulit ako dahil nakita kong papadating si Naomi at Stephen.



'tara babes mag night swimming tayo, isuot mo yung bikini mo ha! '

'tigil-tigilan mo nga ako sa ka-manyakan mo Stephen! '

'ano kamo? '

'Fine! Babes! '

Iiwas na sana ako sa kanila at sa kabilang side dadaan kaya lang mukhang nakita na nila kami.

'oh Rence, Kryzel'

Lilingunin ko na sana sila to give a smile, kahit sa totoo lang gusto kong umiyak. Kaya lang bago ko pa sila malingon nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Rence papalapit sa kanya at bigla akong hinalikan.

Nanlaki ang mata ko habang hinahalikan niya ako. Grabe yung halik niya, hinihigop ang labi ko to the point na kulang na lang kainin niya na to ng buong buo. His kiss was aggressive. Very aggressive.

'babes let's go baka naiistorbo natin sila ' I heared Stephen.

Nung makaalis sila itinigil na ni Rence ang paghalik saakin habang ako natulala at nawala sa sarili dahil sa ginawa niya.

He held my hand then hinila niya ako 'tara na sa loob honey. Kain na tayo ng dinner'

Pero kesa gumalaw sa kinatatayuan ko, hinila ko pabalik ang kamay ko kaya lang sobrang higpit ng pagkakahawak niya kaya hindi ko ito mabawi.

'ano ba bitiwan mo ko! ! ' hinihla ko ang kamay ko kaya lang ayaw parin niya bitawan. Nakatalikod siya saakin pero hawak-hawak parin niya ang kamay ko 'ano ba! Sabi ng bitawan mo ko eh! ! ' nag-loosen ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya agad kong inalis ito sa pagkakahawak niya. Hindi parin siya humaharap saakin 'alam mo tigilan mo na ko please! Kung makaasta ka feeling mo boyfriend kita eh! Nakakainis na! tell me, bat mo ba ginagawa ang mga bagay na to ha? ! '

'masisisi mo ba ko? ' I was taken aback when I heard him speak. Hindi ito yung usual na masayahin niyang boses.

Yung tono nya ngayon ay napaka seryoso.

Mas nagulat ako nung humarap siya saakin. Yung expression ng mukha niya parang nasasaktan and was about to cry.



'masisisi mo ba ko Kryzel? Nakikita ko ang babaeng gusto ko na nasasaktan dahil sa walang ka-kwenta kwentang lalaki at wala akong magawa para alisin sa kanya ang sakit na nararamdaman niya. Masisisi mo ba ako kung bakit ako nagkakaganito? '

Tinalikuran niya ako at naglakad na papasok ng rest house.





Chapter 18


*Mahal kasi kita*





[Kryzel’s POV]





“oh game! Game! ” sumenyas si Drew and lumapit si Stephen at Rence sa kanya.



Pinagpatong-patong nilang tatlo ang mga kamay nila “maalis taya! ” they all said in chorused.



“oh yes I’m safe! ! ” sabi ni Rence habang nagtatatalon



“me too! ” nag high-five si Rence at si Drew.



“cheaters! ! Ulitin natin to! Hindi maaari! ! ” pagrereklamo ni Stephen habang nakasimangot Inakbayan ni Rence si Stephen “sorry bro, hindi na pwedeng ulitin eh! ”



Lumapit naman si France atsaka ipinulupot ang kamay niya sa braso ni Stephen “baby loves, alam ko naman na gustong gusto mo akong makatabi eh! ”



“tigilan mo ko! ! ”



Nag maalis taya ang mga boys kung sino ang makakatabi ni France for two weeks, at kung suswertehin nga naman si France, si Stephen ang natalo.



Tinignan ko sila habang nagtatawanan.



Mukhang masaya naman si Rence eh. Nakakapagdalawang isip tuloy kung totoo yung sinabi niya saakin kanina.





“masisisi mo ba ko Kryzel? Nakikita ko ang babaeng gusto ko na nasasaktan dahil sa walang ka-kwenta kwentang lalaki at wala akong magawa para alisin sa kanya ang sakit na nararamdaman niya. Masisisi mo ba ako kung bakit ako nagkakaganito? ”



Waaaaaaaaaaaah nababaliw talaga ako! Ano ba talaga ako sa kanya? Gusto niya ba talaga ako?



Pero paano?



I mean, hindi naman kami talaga magkakilalang dalawa eh. Saglit pa lang kami nagkakasama. Ni hindi nga kami close eh. At isang beses ko pa lang siya nakakakwentuhan, at lasing pa ko nung mga panahon na yun na nahantong pa sa.. you-know-what.



Kung meron man talagang nangyari.



Paano niya ako magugustuhan? Ano yung love at first sight?



No, I don’t believe at love at first sight. Dahil kung ganoon nga nangyari, hindi naman pagmamahal ang tawag dun, dahil mukha ko lang ang nagustuhan niya hindi yung tunay na ako.



But still…



*sigh*



May biglang nag doorbell, binuksan naman ni Naomi yung pinto.



“oh ma’am Icalla”



Si Ma’am Icalla yung professor na kasama naming pumunta dito.



“kamusta kayo dito? ”



“ok lang po ma’am”



“nag dinner na ba kayo? ”



“yes ma’am! ” we all said in chorus



“by the way, Drew and Kryzel, wala pa kayong naka schedule na activities tomorrow so free kayo mamasyal.

Ikaw din Rence”



Si Rence? Wait kasali din ba siya?





“yes ma’am! ”



“ayun ayos makakapasyal din tayo! ”



“teka, kasali ka din sa Mr. and Ms. Palawan Rence? ” tanong ni Naomi sa kanya



“ah hindi, mag bibigay lang ako ng intermission number”



Akala ko pa naman nandito talaga siya para panuorin ako.



Teka Kryzel, bat parang disappointed ka? !



Maya-maya nung matapos sila magharutan, nag pasukan narin sila sa kani-kanilang room. Dahil tatlo lang kami at dalawang queen-sized ang kama sa room namin, napag-desisyunan naming mag rotation kung sino ang mag sosolo. Ngayong gabi si Naomi ang magso-solo sa kama tapos tabi naman kami ni Yannie sa kabila pa.



Bago ako pumasok ng room, pumunta muna ako sa kitchen para magtimpla ng milk. Pagka kasi sa ibang lugar ako natutulog, hirap ako makatulog kaya lagi akong umiinom ng gatas.



Pagkapasok ko ng kitchen nakita ko naman si Rence doon na may ginagawa. Hindi naman ako makatingin ng diretso sa kanya.



Naman bat ba ko naiilang sa kanya?



“uhmm Rence, y-yung sinabi mo kanina, totoo ba yun? ” bago ko pa mapigilan ang sarili ko eh naitanong ko na agad sa kanya ang bagay na yan.



Hindi niya ako pinansin and busyng busy siya sa pagtitimpla ng kung ano sa mug niya. siguro hindi niya narinig ang sinabi ko.



Sana..



Kaso bigla naman siyang nagsalita



“tingin ko nasa saiyo na kung maniniwala ka or hindi” inabot niya yung mug na hawak-hawak niya saakin “hot milk yan pinagtimpla kita para makatulog ka agad” lumapit siya saakin then he kissed my forehead “goodnight ”



Lumabas na siya ng kitchen then iniwan niya akong nakatayo.



I sipped the milk and it tastes good.





Nasa akin ba talaga ang desisyon kung maniniwala ako o hindi? Pero ang hirap naman.



Wala akong makitang rason para paniwalaan ang ginagawa niya



But still, wala rin akong makitang dahilan para hindi siya paniwalaan.





[Naomi’s POV]





“ok matulog na kayo at bukas maaga pa tayong pupunta sa underground river! ” pinatay na ni Yannie yung ilaw sa room namin. Ako naman nagtalukbong na nang kumot. Mukhang hindi ako makakatulog nito ah, excited na excited ako! Aba matagal ko ng gustong makita ang underground river na yan! Hanggang sa mga pictures ko palang nakikita yun eh ngayon pupuntahan na talaga namin!



Ilang beses pa akong nagpagulong gulong sa kama, at last nakatulog narin ako.



In the middle of the night bigla naman akong naalimpungatan. Kinuha ko yung cellphone ko na nakalagay sa sidetable sa gitna ng kama ko at kama nila yannie at Kryzel. I checked the time.



1: 46 am



Hay hating gabi pa pala. I closed my eyes then nagtalukbong ako ng kumot at humarap dun sa kabilang side tapos niyapos ko yung unan ko.



Teka bat ganto yung unan, para atang medyo tumaba at, err humaba? ? Bat parang mas mahaba pa saakin yung unan and may nararamdaman akong hininga sa may mukha ko?



Dumilat ako and halos mapasigaw ako sa nakita ko.





ASDFGHJLPOUYEWR! ! ! TOKWA!



Bumulaga lang naman ang nakangiting pagmumukha ni Stephen sa harap ko! !



Tinakpan ni Stephen ang bibig ko para hindi ako mapasigaw



“shh wag ka maingay babes, baka magising mo sila ”





Inalis ko yung kamay niya sa bibig ko at pabulong kong sinabi na “anong ginagawa mo dito sa kama ko? ! ”



“ayoko dun sa room namin. itinabi nila ako kay France eh. Minomolestya kaya niya ko! Sinasamantala niya ang pagkalalaki ko! ”



“I don’t care. Bumalik ka na sa room niyo! ”



“ayaw! Gusto ko katabi kita! ” bigla naman niya itinaklob ang kumot saaming dalawa at idinagan saakin ang mga braso at hita niya “kanina nga hinuhug mo pa ko eh! ”



“tse! Akala ko unan ka! ”



Inilapit niya ako sa kanya at biglang niyakap. Magkadikit ang mga noo naming dalawa and ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa mukha ko “o-oy t-teka ano ginagawa mo”



“eto ang gusto kong pwesto eh, ang comfortable. Matulog ka na nga lang babes and wag ka na maingay baka magising mo pa sila”



Tinulak tulak ko naman si Stephen pero wala, para siyang mighty bond na nakadikit saakin. In the end no choice ako kundi matulog sa ganung pwesto namin. Nakayakap siya saakin at magkadikit ang mga noo namin na parang onting maling kilos lang eh mahahalikan ko siya.



Pero infairness, comfortable nga.



Maya-maya lang din nakatulog na ako.



The next morning maaga naman ako nagising dahil kailangan kami umalis ng maaga para sa pagpunta sa underground river. Pagkagising ko naman wala na si Stephen sa tabi ko and mukhang wala namang idea sina Yannie at Kryzel na naktulog sa room namin ang gwapong demonyong yun.



Kasama yung prof namin at yung iba pa naming kasama sa kabilang resthouse, sabay-sabay kaming sumakay ng van. After two hours ng byahe, sa bangka naman kami sumakay. Ako naman napaghahalataang ipinanganak lang nung isang araw, manghang mangha naman ako sa dagat. Aba ang ganda naman kasi talaga ng dagat dito sa Palawan. Ang sarap iuwi at ilagay sa bakuran namin!



After a couple of minutes, nakarating narin kami sa pampang kung saan nandoon yung underground river. Bago makarating sa underground river, kailangan muna kaming dumaan sa monkey trail kung saan nagkalat nga ang mga unggoy.



“ang cute! ! Stephen kamukha mo oh! ” sabi ko habang turo-turo yung isang maliit na unggoy





“ano ka ba naman babes di hamak na mas gwapo ako diyan no! ”



Nung makarating kami sa dulo, agad naman kaming inabutan ng mga crews ng helmet and life vest. Sinuot ko naman agad yung akin at dali-daling sumakay sa bangka.



Sige na ako na ang excited!



Dahil sa ako ang pinaka naunang sumakay, namili naman ako ng pwedeng upuan. By twos kasi yung mga seats eh.

Ako naman sa may bandang harap naupo.



Sumunod na sumakay ng boat si Drew. Nung una akala ko tatabi siya saakin, pero umupo siya doon sa kabilang dulo.



Sige lang! pamukha niyang iniiwasan niya ako! Grr ganda ganda ng mood ko nasisira!



Nagispuntahan narin yung iba pa naming mga kasama sa bangka. Syempre sino pa ba ang tumabi saakin kundi si Stephen! Kailangan pa bang imemorize yan?



Nung nakumpleto na kami nag start na sa pagpapaandar yung bangkero namin. Binalaan pa nga kami na wag masyadong mag sasalita dahil hindi lahat ng bumabagsak galing sa itaas ay tubig, yung iba daw wiwi ng paniki.

Yuck.



Nung nakapasok na ang bangka namin sa cave, doon ko napagtanto na masyadong madilim sa loob. Buti na lang at may flashlight. Kanya-kanya naman kaming labas ng camera para picturan ang iba’t ibang rock formation sa loob.

Bigla ko tuloy naalala yung sa harry potter and the half-blood prince. Yung pumasok si Dumbledore at Harry sa isang cave para kunin ang horcrux ni Voldemort. Ganito din ata yung itsura nung cave.



Manghang-mangha naman ako sa ganda nung cave, talagang kakaiba yung mga stalagmites and stalactites na makikita. May mga rock formation na korteng mais, may korteng The Nativity (Joseph, Mary and Jesus) , meron pang mukha ni Jesus at madami pang iba. Meron ding batong parang nag gi-glitters. Hindi yan man made, natural yan.



The beauty of God’s creation.



Dumaan kami sa part kung saan sa itaas namin ay may milyong-milyong nakasabit na paniki. Napatalukbong naman ako nun dahil takot talaga ako sa paniki.



“hala babes ayun yung isa oh nakatitig sayo patay ka! ! ”



Dahil natakot ako sa pangasar ni Stephen, gumilid naman ako kaya gumewang gewang yung bangkang sinasakyan namin at pati silang lahat ninerbyos dahil saakin. buti na lang hindi tumaob ang bangka.





“best wag ka matakot, tulog naman ang mga paniki na yan. Sa gabi sila active”



Hinampas ko si Stephen sa braso dahil sa pangaasar niya saakin. Bwisit talaga na lalaking yun!



Nung marating na naming yung certain point ng cave kung saan hanggang doon na lang kami, ibinalik na agad nung bangkero yung bangka namin sa may pang-pang. Nung pababa naman ako muntikan na akong madapa sa tubig buti na lang at nakakapit ako agad dun sa may sanga. Ang ganda nga eh, malapit lang saakin nung mga panahon na yun si Drew pero hindi siya nagatubiling tulungan ako.



Ano ba talaga ang nagawa ko dun at mukhang ang laki ng galit saakin? !



After ng underground river, kumain muna kami ng lunch at naglibot-libot. Mga bandang hapon nung maka balik kami sa rest house.



Naligo muna ang lahat at nagpahinga at natulog dahil lahat kami pagod. Mga 6pm, sinundo kami ng van at dinala sa Ka’Lui restaurant at doon kami kumain ng dinner. Ang ganda nga ng ambiance ng lugar at ang sarap pa ng mga food.



Pinaalalahanan naman ni Ma’am Icalla sila Drew at Kryzel na may practice sila tomorrow para sa talent portion.

Sasayaw kasi sila ng hawaiian dance with a tune of Waka waka ni Shakira. Mapapalaban ang bestfriend ko nito sa sayawan!



After mag dinner, bumalik na ulit kami sa rest house. Dahil lahat kami ay natulog ng hapon at mga matatas pa ang energy, nagkulitan muna kami ng nagkulitan.



Ayos sana ang araw na to kung hindi lang talaga ako iniiwasan ni Drew eh. Ano ba kasi talaga nagawa ko sa kanya? !

Wala akong idea talaga!



Teka, baka naman ang pangit ng tingin niya saakin dahil kay Stephen? Baka inisip niya katulad na ako ng mga babae ni Stephen? Jinujudge na ba niya ako na malandi? ! Bakit porket ba umibig ang isang tao kay Stephen eh malandi na? ! hindi naman sa gusto ko si Stephen or what, pero hindi naman lahat ng babae ni Stephen ay pare-pareho! Bakit iba naman si kryzel sa kanila, iba si Yannie, sige isama na natin si France. Iba si France. IBANG IBA.

At mas lalo naman ako! !



Tapos ngayon iniisip ni Drew na ang landi ko? !



WAAAAAAAAAAAAH! HINDI KO NA KAYA ITO! !



Tumayo ako at kinuha ko yung remote ten itinapat ko sa bibig ko na parang mic “ladies and gentleman!

Kakantahan ko kayo ngayon! ! ”





Lahat sila napatigil sa paghaharutan at napatingin saakin. Isang way ko kasi ng pagaalis ng bad vibes sa katawan ay ang pagkanta. At pag ako kumanta asahan niyo ng may patatamaan talaga ako!



“sige nga babes! Kantahan mo kami! ”



Nagpalakpakan silang lahat, well except Drew.



Sinimulan ko na ang pagkanta ko



“If I'm a bad person, you don't like me

Well, I guess I'll make my own way

It's a circle, a mean cycle

I can't excite you anymore



Where's your gavel? Your jury?

What's my offense this time?

You're not a judge but if you're gonna judge me

Well, sentence me to another life”



Nagkunyari naman ako na may iniistrum na gitara sa harap at ginaya gaya ko si Hayley ng Paramore.



“Don't wanna hear your sad songs

I don't wanna feel your pain

When you swear it's all my fault

'Cause you know we're not the same

No, we're not the same, oh, we're not the same



We're the friends who stuck together

We wrote our names in blood

But I guess you can't accept that the change is good

It's good, it's good”



Siguro mukha na akong timang dito sa harap na feel na feel ang pagkanta ng rock song. Kulang na lang pati headbang ni Hayley gayahin ko eh. Kaso di na keribells ng powers ko.



“Well, you treat me just like another stranger

Well, it's nice to meet you, sir

I guess I'll go, I best be on my way out



You treat me just like another stranger

Well, it's nice to meet you, sir



I guess I'll go, I best be on my way out



Ignorance is your new best friend

Ignorance is your new best friend”



Nag bow ako sa harap nila, nagpalakpakan naman sila.



“grabe bakla hardcore yun ah! Kulang na lang basagin mo lahat ng salamin sa bahay na ito! ” sabi ni France na natatawa tawa



“naku hindi ka lang marunong maka-appreciate ng music! Ay grabe hiningal ako dun ah, labas muna ako saglit.”



Agad agad akong lumabas ng rest house at pumunta sa may gilid ng pool.



Ok masyado ata akong na-carried away sa pinagiisip ko at napakanta tuloy ako ng bongga! Grabe nakakahiya talaga! Nakakahiya! !



Tinanggal ko ang tsinelas ko at naupo sa gilid ng pool habang nakalubog ang mga paa ko sa tubig. Naalala ko na naman ang mga pinag-gagagawa ko.



Hay pwede na akong matanggalan ng lisensya sa pagkanta! Nakakahiya ang ginawa ko talaga. Mukha akong timang sa harap na nagwawala!



Nagulat naman ako ng biglang may nagpatong ng jacket sa likod ko.



“malamig”



Napat ingin ako at nagulat ako ng makita ko si Drew.



Umupo siya sa tabi ko at ginaya ako sa paglubong ng paa sa tubig.



Ako naman hindi ko siya matignan. Paano nasaksihan pa niya ang pagwawala ko sa harap. Nakakahiya. Wa poise!



“uhmm sorry”



Nagulat naman ako bigla sa sinabi niya. Ano daw? Sorry?



“sorry Naomi hindi kita pinapansin. Tinamaan ako sa kanta mo” sinabi niya na medyo natatawa tawa “pero natuwa naman ako kasi affected ka pala na hindi tayo nag papansinan”





“eh kasi mahal kita kaya ganun”



Natigilan ako sa sinabi ko. Napatingin ako sa kanya and kitang kita ko na nanlalaki ang mata niya at halatang gulat na gulat sa sinabi ko.



“m-mahal mo ko? ”



Tokwa. Nadulas ako.



Siomai.



Paano ko babawiin ang sinabi ko?





Chapter 19


*unknown pain*





[Naomi's POV]



'm-mahal mo ko? '

Nakatingin parin ako hanggang ngayon kay Drew at parehong nanlalaki ang mga mata namin.

Shoot ano bang dapat kong sabihin ngayon? Ayokong bawiin at the same time ayokong ituloy ang mga sasabihin ko.

Naman Stephen, sa ganitong pagkakataon di ba madals kang umepal? Bakit ngayon hindi ka dumadating? Wrong timing ka namang lalaki ka eh! >_<

Tsk hindi ko alam na dadating pala ang oras na hihilingin ko na sana biglang umepal si Stephen sa pag mo-moment ko kay Drew.



'uhmm, a-ano k-kasi eh..' ganito ba ang pakiramdam ng nagtatapat? Grabe nakaka nerbyos. Partida wala pa kong practice! Biglaan ito!

Nagulat naman ako ng biglang ipatong ni Drew ang kamay niya sa kamay ko then he gently squeezed it.

Ako naman eto kinikilig na kinakabahan. Feeling ko nga matatae ako na ewan dahil sa nararamdaman ko.

Tumingin si Drew sa mga mata ko 'Naomi, may gusto ka ba saakin? '

Yumuko ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya 'o-oo'

Siomai! ! Ramdam na ramdam ko nagiinit ang mukha ko! ! Ako'y ninenerbyos.

'mahal mo ba ako Naomi? '

'o-oo' still hindi parin ako makatingin sa kanya

'Naomi look at me'

'a-ayoko! '

'please? '

Humarap ako sa kanya pero sa may pool nakatingin ang mga mata ko

'Naomi, look into my eyes and tell me you love me'

'a-ayoko! '

Oh gulay bakit ba niya ako tinotorture ng ganito? Hindi ba niya alam na once na tumingin ako sa mga mata niya ay mabilis pa sa kidlat na matutunaw ako?

'please, Naomi? '

Pinilit naman niyang i-angat ang ulo ko pero ayoko parin. Pumikit na nga ako kasi pinipilit niya parin ako.

'bakit ano ba kung mahal kita? ! ' sabi ko habang nakapikit parin 'eh wala ka naman paki saakin eh. Dahil isang malaking joke lang yung sinabi mong mahal mo ko '

Binitawan niya ang pagkakahawak niya sa mukha ko

'paano kung sabihin kong totoo na mahal kita? '



Bigla akong napatingin sa kanya at nakita kong seryosong seryoso ang mukha niya.

Iniwas ko ulit ang tingin ko.

'alam kong hindi naman totoo yun. Imposible na magustuhan mo ang tulad ko '

'imposible? ' he gently lifted my chin then bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

Nanlaki na naman ang mga mata ko ng dahan dahan siyang pumikit at dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.

Palapit ng palapit hanggang sa maramdaman kong nagdampi ang aming mga labi.

1..2..3 seconds.

Tatlong segundong magkadampi ang labi namin, pero parang may sumabog na fireworks sa puso ko. Alam niyo yung fireworks sa dibdib ni katy perry sa music video niya? Parang nagkaroon ako bigla ng ganun sa dibdib ko.

Kulang na lang tumalon ako sa pool sa sobrang pagpipigil sa nararamdaman ko.



WAaaaaaaaaaaaaaaaahhh hinalikan niya ko! Tokwa tokwa tokwa! I'm suffocating! Kinikilig ako! ! !





Pero syempre hindi ko pinahalata. Dahil nasa in state of shock din ako kung bakit ako biglang hinalikan ni Drew.

Humiwalay siya saakin pero nakatingin parin siya sa mga mata ko 'Naomi, mahal din kita'

'k-kung biro yan bawiin mo na agad'

'hindi ko na siya babawiin ngayon. Sorry kung nagpaka duwag ako'

Nagulat ako sa sinabi niya, ibig sabihin totoo talaga na mahal niya ko?

'p-pero bakit mo binawi dati? '

'akala ko kasi ang mahal mo ay si Stephen. Ayokong magulo ang pagiisip mo at the same time ayoko rin masira ang friendship natin. Baka kasi mailang ka saakin' napakamot naman siya sa likod ng ulo niya at mukhang nahihiya 'pero mahal talaga kita.'



Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti. I saw him grinning too.

Alam mo yung pakiramdam na kinikilig ka at alam mo yung kasama mo ay kinikilig din ng dahil sayo kaya dobleng kilig ang nararamdaman mo? Ganyan ganyan ang nararamdaman ko ngayon. Somebody stop me, malapit na akong tumalon sa swimming pool sa sobrang kilig! !

'Kaya lang hindi ko maintindihan, anong meron sa inyo ni Stephen? '

'oh that' napayuko naman ako. Alam kong kailangan kong aminin kay Drew ang lahat. Selfish na kung selfish pero mahal ko talaga si Drew at ayokong mawala pa ulit itong chance na to saakin.

Huminga ako ng malalim 'I-I signed a contract. Kailangan kong paibigin si Stephen then I'll break his heart. Katulad ng ginawa niya sa maraming babae. At first ayoko naman talagang gawin p-pero kasi nakita ko kung paano nasaktan si Kryzel ng dahil sa kanya...' and he also stole my first kiss..gusto ko sanang idagdag kaso hindi ko magawang sabihin sa kanya.

Narinig ko ang malakas na pag sigh ni Drew kaya napalingon ako sa kanya. Nakita kong nakasmile siya 'I'm glad, akala ko too late na ako.'

'd-drew, mahal mo ba talaga ako? '

Tinignan ako ni Drew sa mata 'oo Naomi, mahal kita, matagal na. '

Pwede na kong mamatay ngayon swear! !

'ikaw Naomi, mahal mo ba ako? '

Tinignan ko rin siya direct in his eyes 'mahal din kita, matagal na. k-kaso ok lang ba sayo na tago ang relationship natin? '

Nginitian naman niya ako 'I'll wait for you. Gusto kitang ligawan, kaya hihintayin ko ang tamang oras para maligawan kita. Sana maintindihan mo'

Kinilig na naman ako ulit sa sinabi niya. Ang romantic niya sobra. Parang hindi ako makapaniwala sa nangyayari 'oo naman, naiintindihan ko, salamat Drew'

He kissed my forehead.

Maya-maya lang din pumasok na kaming dalawa sa loob ng rest house. Syempre hindi namin pinahalata na may something na saamin. Pero kung malakas ang radar mo, mararamdaman mong bigla kaming naging blooming dalawa.



'babes! ' lumapit saakin si Stephen 'solo mo ba ulit ang bed mo? '

Napaiwas ako ng tingin kay Stephen. Hindi ko alam pero bigla akong nailang sa kanya.

'h-hindi eh. Si Kryzel naman ang mag o-occupy nun ngayon'

'ay sayang! Kawawa naman ako mukhang mare-rape ako ngayong gabi! '

's-sige pasok muna ko sa kwarto namin' sabi ko kay Stephen ng hindi parin nakatingin Bigla naman siyang humarang sa dinaraanan ko at pilit sinisilip yung mukha ko 'oy babes, ano bang nangyari sayo?

Bat hindi ka makatingin saakin? '

Nakayuko parin ako at pilit na dumadaan.

Bakit nga ba hindi ako makatingin sa kanya? Hindi ko rin alam ang dahilan. Parang feeling ko pinagtataksilan ko siya eh.

Waaaaaaaaaah

Teka hindi naman kami ah!

'tabi nga! ! ! ' tinabing ko siya at agad pumunta sa room naming at nagpagulong sa kama

'shet shet shet sheeeeeeeeeeettttt'

'huy best anong problema mo? '

Napaupo naman ako bigla nung makita ko si Kryzel

'best, may kailangan akong sabihin sayo! '

Umupo si Kryzel sa tabi ko 'ano yun? '

'umamin na saakin si Drew. Mahal daw niya ko '

Nakita kong halos mapatalon si Kryzel sa kinauupuan niya dahil sa sinabi ko

'kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa ano sinabi mo? ! '

'sabi ko mahal ko din siya' I said while grinning

'oh my gosh best! Kinikilig ako! Kinikilig ako! ! '



Nagtitili naman kaming dalawa ni Kryzel dun, pero yung mahina lang. Yung tiling parang nagpipigil para hindi kami marinig sa labas.

'pero wait, ano dinahilan mo yung about sa inyo ni Stephen? '

'sinabi ko sa kanya yung totoo. And sabi niya ready naman daw siyang maghintay ng tamang oras'

Napayuko naman si Kryzel 'best, sorry ha. Ng dahil saakin hindi mo tuloy makasama si Drew '

'ano ka ba naman best, wala ka namang kasalanan eh! Tsaka isa pa kung hindi dahil dito hindi rin kami magkakaaminan ni Drew.'

Kryzel smile 'actually nung una natatakot ako kasi baka naiinlove ka na din kay Stephen. Baka masaktan ka din.

Pero natutuwa naman ako sa binalita mo saakin ngayon '

'naku imposibleng mainlove ako dun! Pero best sana satin munang dalawa yung about saamin ni Drew ah? Tsaka ko na lang sasabihin sa kanila pag dumating na yung tamang oras'

'sure. Your secret is safe with me'

Maya-maya lang din pumasok na ng room si Yannie at nagsitulugan na kaming tatlo.

Ako naman hindi talaga makatulog dahil naalala ko na naman ang conversation namig ni Drew. Napapakanta na tuloy ako sa isipan ko.

Di na makatulog, di pa makakain. Tigyawat sa ilong, pati na sa pisngiii.

Nung hindi ko na kinaya, tumayo ako at lumabas para mag timpla ng milk. Nagulat naman ako nung makita ko si Stephen na natutulog sa sofa at walang kumot.

Naku kawawa naman ang isang to, mukhang minomolestya talaga ng bongga ni France. Yung baklang yun talaga, ang harot harot!

Pumasok ulit ako sa room namin at kinuha yung spare na kumot sa cabinet atsaka ko ito ikinumot kay Stephen.

Napatitig naman ako sa mukha ni Stephen habang natutulog. Infairness hindi siya mukhang demonyo ngayon.

Mukha siyang anghel. Ang amo ng mukha niya habang natutulog.

Kinuha ko yung cellphone ko at pinicturan ang natutulog na mukha ni Stephen. After ng isang shot napatigil naman ako bigla.

Bat ganito? Parang may kakaiba akong nararamdaman sa puso ko ngayon. Parang nasasaktan?



Habang tinititigan ko yung natutulog na mukha ni Stephen, pasakit ng pasakit ang nararamdaman ko sa puso ko.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya atsaka ako pumunta sa kitchen at uminom ng tubig.

Ano bang meron?



Tinatamaan na ba ako ng konsensya?





Chapter 20


*carpenters*





[Naomi's POV]





Next morning.

Maaga kaming umalis para sa photo shoot nila Drew at Kryzel. Ako naman, halos hindi maka bangon sa kama sa sobrang pagkabangag. Hindi kasi ako makatulog talaga kagabi eh.

'hay naku, inlababo kasi kaya nagka insomnia ang babae ' pangaasar saakin ni Kryzel.

Tumawa na lang ako sa sinabi niya. Pero sa totoo lang hindi naman dahil kay Drew kung bakit ako hindi makatulog eh. Dahil dito sa lintik na nagpupukpok sa puso ko. Ewan ko ba kung anong meron! Under construction ba ang puso ko kaya kailangan ng mga karpintero?

Tokwa talaga.



Nagsilabasan na sina Kryzel at Yannie ng room at naiwan naman ako doon na nagaayos pa ng gamit hanggang ngayon dahil nga sabog ako at mala-pagong kung kumilos.

Nagulat naman ako ng may biglang may yumakap saakin from my back.

'good morning' napangiti ako agad ng marinig ko ang boses ni Drew.

Humarap naman ako sa kanya, 'good morning too '

He kissed my forehead 'sabi ni Kryzel di ka daw nakatulog. Ako din, kasi miss agad kita'

Natawa naman ako 'sana pala tinawag mo ako para nakapagusap tayo'

'akala ko kasi tulog ka na.'

'love birds' nagulat naman kami pareho sa boses ni Kryzel 'hay naku mamaya na kayo maglambingan at kailangan na natin umalis'

Sinenyasan ko naman si Kryzel 'ano ka ba best may makarinig sayo! '

Natawa na lang siya.

Lumabas na kami then sumakay sa loob ng van. Syempre hindi kami pwedeng magtabi ni Drew sa kadahilanang si Stephen dapat ang katabi ko.

Pagpasok ko naman ng van nandun na si Stephen sa loob. Nakaupo siya sa tabi ng bintana habang nakasandal doon ang ulo niya at natutulog. Mukhang puyat din ang isang to samantalang nadatnan ko naman siyang tulog na tulog sa sofa kagabi.

'hoy bakla! ' hinampas ni Yannie ang braso ni France 'ikaw talaga masyado mo nang hinaharass si Stephen eh! Kay Naomi na si Stephen naintindihan mo? '

'oo na sister! Hmpf! '

Nagtawanan naman kami sa loob. Pasaway kasi tong si France eh, kawawa tuloy si Stephen.

Tinignan ko yung natutulog na mukha ni Stephen, and again yung mga bwisit na karpintero sa puso ko nag pupupukpok na naman ng martilyo.

Nilabas ko na lang ang cellphone ko at nag start magbasa para ma-distract ako sa nararamdaman ko.

(after a couple of minutes)



'oh my gosh, oh my gosh kinikiliggg ako ' sabi ko habang humahagikgik.

'uy best sino ba yang katext mo ha? Kanina ka pa tawa ng tawa diyan na parang kinikiliti'

'new boylet ba yan bakla? Paano na si' ngumuso naman si France sa way ni Stephen.

'ano ba wala akong ka text! Nagbabasa lang ako ng stories'

'stories? Anong stories? '

'stories in HaveYouSeenThisGirl. Try niyo ang ganda! Diary ng panget, Stop in the name of love, I met a jerk named seven, and oh,11 ways to forget your ex boyfriend'

'11 ways to forget your ex boyfriend? ' Yannie, Kryzel and France said in chorus.

'yes' alam ko mga iniisip ng mga to. May mga gusto atang kalimuta sa 'past' bwahahaha. Kaso si France hindi ko lang sigurado. XD

'saan mo binabasa? ! ' inagaw naman saakin nila France yung cellphone ko.

'w-wait- ! ! '

Tinignan nila yung cellphone ko at nagpipindot pindot. Tapos maya maya naglabasan narin sila ng mga cellphone nila at nag start mag basa.

After a couple of minutes, apat na kaming humahagikgik at kinikilig dito sa loob ng van.





[Author's Note: pinopromote ko po ang stories ng aking sis idol! (HaveYouSeenThisGirl) love na love ko mga stories niyan pati siya love na love ko! Ang gaganda talaga promise, pati ang author maganda.. kaya hindi kayo magsisisi.

Basa na sa mga hindi pa nakakapagbasa ng stories niya! ]



Maya-maya lang tumigil na yung sasakyan namin at nakita naming nasa Honda Bay na kami. From Honda Bay kasi, sasakay kami sa isang boat papunta doon sa snake island kung saan mag p-photoshoot sila Kryzel at Drew. Ginising naman namin si Stephen and kawawa talaga dahil mukhang puyat na puyat siya.

'nandito na pala tayo? bat hindi ko naramdaman na bumyahe tayo? '



'tulog na tulog ka po kasi. Bat ba hindi ka nakatulog kagabi? '

'iniisip kasi kita ' kinindatan niya ako.

Ok! kamusta naman yun no? ! bangag na nga ganyan parin? !

Sumakay na kami sa bangka at binigyan nila kami ng life vest pati snorkels. Doon kasi sa island pwede kaming mag snorkeling doon. Yun nga lang hindi makakasali sina Kryzel at Drew saamin dahil hindi sila pwedeng mangitim hangga't hindi natatapos yung contest.

'oy basta promise niyo ah babalik tayo dito after ng contest! Kailangan naming ma-experience ni Kryzel ang pag snorkeling! '

'oo naman! ' I said while smiling to Drew. He smiled back Syempre, smile pa lang nagkakaintindihan na kami. Ganyan daw ata ang nagmamahalan., may certain connection sa isa't isa? Bwahahaha.

Lumapit naman si Rence kay Kryzel 'di bale love, hindi rin muna ko mag snorkeling ngayon para sayo. Samahan kita sa photoshoot and willing akong maging P.A mo today ' he winked at her

'ayiieeee ang sweet ' pangaasar ko sa kanila

'hindi na wag na no! '

'ano ka ba naman Kryzel pumayag ka na! ' inakbayan ni Yannie si Rence 'alam ko namang kinikilig ka dahil dito sa papable mong si Rence. Di na uso pakipot ngayon girl '

Nagtawanan naman kami. Si Kryzel naman namumula. Wahahaha.

Nagpunta na sina Kryzel sa set nila, and kami naman nagpalit na ng mga pampaligo namin.

Hindi ako naka bikini. Simpleng bathing suit lang at shorts. Ayokong bigyan ng kaligayahan ang mga mata ni Stephen.

Nung makapag palit, agad naman silang sumugod sa tubig, si Yannie, France at Stephen. Si Rence sineryoso naman ang pagiging P.A niya kay Kryzel. Ako naupo lang sa seashore. May phobia kasi ako sa pag su-swimming.

Last year kasi, may swimming class kami and muntikan na akong malunod nun. As in nawalan na talaga ako ng malay. Buti na lang na-save ako agad ng gwapo naming professor. Instant chansing ako sakanya nun. Bwahahaha.

Pero simula talaga nun takot na takot na akong mag swimming sa malalim. And alam kong malalim ang part ng beach na ito dahil nga pwede kaming mag snorkeling di ba?



'Nami babes! Halika na! '

Nilapitan naman ako ni Stephen at hinila

'a-ayoko! Takot ako! '

'ano ka ba wala namang pating diyan eh tsaka may life vest ka naman. Tara na babes! '

'a-ayoko! Tsaka di ba snake island to? Baka madaming ahas diyan eh! '

'tungak! Di ka talaga nakikinig doon sa tour guide. Kaya tinawag na snake island kasi korteng snake yung isla hindi dahil madaming snake'

'eh ayoko padin! Nakita mo naman kung paano ako malunod sa swimming class nun second year tayo di ba? ' yes classmate ko siya nung mga panahon nay un at malamang nasaksihan niya rin yun.

'hindi ko nakita, may kahalikan ako nun! Tara na kasi babes! ! Di ka malulunod. Kaya nga may life vest di ba! '

Ilang masinsinang pangungumbinsi pa ang ginawa niya. In the end napapayag din niya ako. Pero syempre hindi pa rin mawawala na takot talaga ako.

Nung lumusong ako sa dagat hanggang dibdib ko na agad yung tubig. Take note: hindi pa ako masyadong nakakalayo sa seashore nun ha!

Bumitiw ako kay Stephen 'dito na lang ako mag snorkeling' nilubog ko ang ulo ko at puro dilis lang ang nakita ko.

'nye ano ka ba naman! wag mong sabihing mamanghain mo na lang ang sarili mo sa sight ng mga dilis? Dali na babes! Ang daming magagandang isda doon oh! Tara na! '

'eh hayaan mo na lang ako! Pumunta ka na kasi doon! '

Biglang dumating ang alon and medyo natangay ako kaya napausog ako ng onti sa kinatatayuan ko. Yun nga lang pagka usog ko nagulat ako ng biglang lalim ng tubig at wala na akong naapakan.

'oh my gosh! Malulunod ako! Malulunod ako! ! ! Stephen help me! ! ' nagpupumiglas ako doon sa tubig. Si Stephen naman nakatingin lang sakin.

Tokwang lalaki ayaw ako i-save! !

'Stephen! Help me! Stephen! ! '

Naramdaman kong tumulo na ang luha ko sa sobrang nerbyos ko. Hindi ko magawang lumangoy papunta sa mababw dahil sa sobrang taranta ko.



Nilapitan ako ni Stephen at hinawakan sa magkabilang braso 'Nami relax! Hindi ka lulubog, may life vest ka! '

Napatigil naman ako sa pag galaw nun. Tama si Stephen, hindi nga ako lumulubog. Mukhang nakalimutan ko ang function ng life vest ah. Bobitang babae.

'Humawak ka sakin' inabot niy Stephen ang kamay niya saakin atsaka hinila papalapit sa kanya 'pupunta tayo sa malalim ha? '

'p-pero'

'Nami hindi naman ako papayag na hindi mo makita ang ganda ng ilalim ng dagat. Just trust me' tumingin siya sa mata ko 'hindi kita bibitawan'

Bigla akong kumalma noon at niyakap si Stephen habang lumalangoy kami papunta sa malalim.

Hindi kita bibitawan

Bakit ganoon? Bakit gusto kong sabihin niya ulit saakin yun, pero sa ibang pagkakataon naman.

Yung mga karpintero sa puso ko, nag start na naman ulit magpukpok. Naasar naman ako! Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko! !

'babes' humiwalay siya sa pagkakayakap niya saakin pero hindi niya parin binibitawan ang kamay ko 'sisilip tayo sa ilalim ha? One, two, three'

Sabay naming nilubog ang ulo namin and tama nga si Stephen, ang ganda ganda ng ilalim ng dagat. Ang daming iba't ibang isda pati corals. Nagpalipat-lipat naman kami ng pwesto ni Stephen. Hindi ko namamalayan, nawawala na yung takot na nararamdaman ko kanina. Ineenjoy ko na lang yung nakikita ko sa ilalim ng dagat.

Siguro mga halos dalawang oras din kami na ang swimming nung naisipan naming umahon na. By that time hindi na pantay ang kulay ng mga balat namin. Well except si Stephen. Hindi naman nangitim! Namula lang! nakaka insecure eh!

Nagpunta muna kami sa site kung saan pinipicturan sina Kryzel at Drew. Nakita ko naman na naka two-piece si Kryzel and ang sexy niya talaga at ang kinis pa!

Sa isang tabi naman, nakita kong nakaupo si Rence habang pinanunuod si Kryzel. Nilapitan ko siya at tumabi ako sa kanya.

'ganda ng best friend ko no? ang sexy pa! '

'oo nga eh. Pero kahit hindi siya maganda at sexy ok lang para saakin. love ko parin siya '



Napa smile naman ako sa sinabi ni Rence.

Hay naku, sana lang mapansin din siya ni Kryzel. Hindi ba niya alam na ang daming nagkakandarapa dito kay Rence? Tsaka seryoso talaga siyang magmahal. Alam ko nakaka dalawang girlfriend pa lang siya pero parehong tumagal yun. Alam kong pag naging sila sasaya si Kryzel sa kanya.

Nung matapos ang photoshoot ng mga girls. Yung mga boys naman ang kukuhanan ng picture. Isa isa narin silang naglabasan.

Halos lumuwa naman ang mata ko nung makita ko si Drew na naka swimming trunks.

Gravy! Makalaglag eyes pati narin panty! Ang hot niya! Ang ganda ng katawan. Siguro dala narin ng pagiging varsity niya.

Talaga bang mahal ako ng mala-Adonis na lalaking nasa harapan ko? Di ako makapaniwala.

'ano ba yan puro bilbil! ' napatingin ako sa gilid ko at nakita kong si Stephen na ang katabi ko na busy sa pagkain ng saging 'tsaka tignan mo yung nipples oh ang liit liit! Yuck! ! ! ' sabi niya habang tinuturo si Drew.

Naku tong isang to, napaghahalataang insecure! !

Nung matapos ang photoshoot kumain muna kami ng lunch sa Pandan Island then dumiretso kami sa souvenir shop.

Syempre tuwang tuwa naman ako kasi oras na para waldasin ang perang pinadala saakin ng mga kuya ko at bilhan sila ng mga pasalubong.

Madami-dami naman akong nabili. Kasuy, cashew tart, cashew cookies, cashew pulvoron at kasuy pa ulit. Mag sawa sila sa kasuy! Bumili din ako ng mga t-shirts at keychain pati mga anklets. Syempre binilhan ko rin ng accessories ang sarili ko kahit wala naman akong hilig doon. Remember? Tibong nerd nga ako at walang hilig sa ganyan.

Nung nakapila na kami para magbayad, may nakita naman akong isang turtle na stufftoy doon. Ang cute sobra at ang lambot. Ang sarap i-hug.

'magkano po ito? ' tanong ko doon sa ale

'ah,150 lang yan. At dahil maganda ka, ibibigay ko sayo ng 120'

Wow ang mura! ! Kung sa manila umaabot ng 300+ ang stufftoy na ganyan ka cute eh!

Kinuha ko yung stufftoy at pinakita kay Drew 'tignan mo Drew oh ang cuuuttteeee! ! '

Tinignan niya yung stufftoy 'oo nga no! kaso wag mo ng bilhin, wala ka naman pag gagamitan eh. Ipambili mo na lang ng tshirt mo pa at souviner yung money mo '



'ganun? ' ibinalik ko yung stufftoy at nagbayad na ng mga pinamili ko.

Nung matapos naman kaming mamili, bumalik na kami nina Stephen sa resthouse samantalang si Drew naman at Kryzel, may kailangan pang puntahan para sa practice nila ng sayaw.

Agad naman akong nahiga sa kama pagkadating sa resthouse. Maya-maya nakatulog na din ako. Siguro gawa ng pagod.

Mga bandang 4pm ako nagising at nakita ko na naman si Stephen sa tabi ko pero hindi siya natutulog. Hawak niya lang yung camera niya at mukhang may tinitignan.

'hay naku nag trespass ka na naman sa room namin! ' sabi ko habang kinukusot-kusot ang kagigising kong mga mata

'ay gising ka na pala babes! May gusto kasi ako ibigay sayo eh'

'ha? Ano? '

Nagulat naman ako ng may bigla siyang nilabas na stufftoy na turtle. Yung katulad ng stufftoy na nakita ko kanina

'here'

'a-akin to? ' sabi ko habang nagniningning ang mga mata ko

'yep. Sinong nagsabing hindi mo magagamit ang stufftoy na yan? Ang sarap kaya yakapin pagka gabi. Bumili nga rin ako ng para saakin eh, para pareho tayo! ' ginulo niya ang buhok 'tara na sa labas babes! Kumakain na si Yannie at bakla ng meryenda doon'

Lumabas na ng room si Stephen and again naramdaman ko na namang may pumupukpok sa heart ko. Pero this time hindi na ata martilyo gamit nila. Mas malaking bagay na.

*sigh*

Nakakainis ka naman Stephen eh. Sana magpaka babaero ka na ulit para magalit ako sayo. Natatakot kasi ako.



Baka mamaya hindi ko na masunod yung contract na pinirmahan ko.





Chapter 21


*bad memories*





[Kryzel’ POV]





“best galingan mo ha! Ichi-cheer ka namin! ang iyong official palakpak brigade! ” sabi ni Naomi habang nakayakap saakin.



“thank you best! ”



Nakita ko naman na sumenyas si Stephen “oh picture muna! Tabi kayo ni Drew! ”



Nagtabi kami ni Drew then kinuhanan kami ng picture ni Stephen. Kailangan ata para sa documentary nila.



“o siya labas na kami ha! Galingan mo Kryzel”



sige, thanks Yannie! ”



“kabugin mo sila sister! ” sabi ni France habang winawagayway yung pompoms na ginawa niya. Natawa naman ako sa kanya.



“good luck love ” Rence winked at me.



Inirapan ko naman siya. Narinig ko nalang na natawa siya.



Nagsilabasan na sila sa backstage.



Hay naku thank god at hindi nagpaiwan dito si Rence. Araw-araw na lang nakabuntot saakin. Naiirita na talaga ako!

Ano ba talagang gusto niyang mangyari? Ang mainlove ako sa kanya? Oh tapos ano na?



Halata naman na nag deal sila ng dad ko eh. Si dad kasi excited na atang magkaasawa ako kaya kung kani-kanino ako nirereto!





“well, well, well, look who’s here”



Napatingin kami ni Drew doon sa dumating. Si Tricia at si Ryan, mga contestants din sila dito pero hindi namin makuhang makasundo. From Impakta University ata nanggaling ang dalawang to.



Tricia looked at me from head to toe “grabe ang lakas ng loob mag suot ng ganyan! Ang panget naman ng katawan! ” nagtawanan sila ni Ryan.



Naka pang Hawaiian kasi ako para doon sa talent portion.



“don’t mind her” narinig kong ibinulong ni Drew saakin.



“oh don’t worry Drew, hindi ko naman siya papatulan! Lalo na kung yung costume niya eh balot na balot.

Parang may gustong itago” I told Drew pero medyo nilakasan ko ang boses ko para marinig ni Tricia.



She threw me an angry look “magiingat ka Aguilar. Baka ngayong gabi masira ang image mo ” she strode passed me.



Nung makaalis na siya, pinagsabihan naman ako agad ni Drew “hay naku Kryzel, wag mo na siyang patulan.

Kaya lang naman nagkakaganyan yan kasi feeling niya napakalaking threat mo sa kanya”



Sinunod ko naman yung advice ni Drew though medyo nakakairita lang dahil parinig ng parinig saakin yung Tricia from Impakta University na yun!



Maya maya lang, nag start na yung talent portion. Nung tinawag na kami ni Drew, agad kaming umakyat sa stage then nakarinig kami ng malakas na palakpakan.



Mukha atang kinarir masyado nila Naomi ang pagiging palakpak brigade ah?



“DREW FERNANDEZ ALABYUUUUU! ANG GWAPO MO! WILL YOU BE MINE? ! ”



Halos matawa naman ako, pero pinigilan ko. Aware ako na sa boses ni France nanggagaling yung mga tili at sigaw na yun! Hindi naman ako maka tingin sa audience pero pinilit kong imagining ang itsura ni France habang winawagayway ang kanyang pompoms.



“KRYZEL AGUILAR, YOU’RE A GODDESS! ”



Namula naman ako bigla sa narinig ko. Yeah, boses nga ni Rence yun! Bwisit talaga na lalaki.





Pinatugtog na yung song.



Waka Waka!

Waka Waka!



You're a good soldier

Choosing your battles

Pick yourself up

And dust yourself off

Get back in the saddle



You're on the front line

Everyone's watching

You know it's serious

We are getting closer

This isn't over



Todo sayaw naman kaming dalawa ni Drew kahit parehong alam namin na wala talaga kaming ka-amor amor sa pagsasayaw. Pero syempre performance level ang ginawa namin.



The pressure is on

You feel it

But you got it all

Believe it



When you fall get up, oh oh

If you fall get up, eh eh

Tsamina mina zangalewa

Cuz this is Africa

Tsamina mina, eh eh

Waka waka, eh eh

Tsamina mina zangalewa

This time for Africa



Nung matapos na yung sayaw namin, nakarinig naman kami ng malakas na palakpak, syempre sa pangunguna ng aming magiting na palakpak brigade.



Bumaba na kami sa stage and papunta sa dressing room para makapag palit ng damit. May bigla namang sumalubong saamin na dalawang lalaki.



“Ms Kryzel, pwede ba kaming magpapicture sayo? Ang ganda mo kasi eh” tanong nung isa saakin.





“Oh, sure! ”



Tumabi ako doon sa lalaking nag tanong saakin. yung isa naman kinuha yung camera para makunan kami.



“ok smile,1,2…”



Nagitla ako ng biglang hawakan nung lalaki yung butt ko kaya ang tendency napatingin ako sa kanya at bigla ko siyang nasampal. Sabay ng pagsampal ko ang pag flash ng camera.



“BASTOS! ! ” sigaw ko doon sa lalaki. Nagulat naman yung iba kaya napatingin saamin.



“h-ha? ! W-wala akong ginagawa sayo! ” pag d-deny niya.



“ganyan ka pala Ms. Kryzel! Bigla bigla ka na lang nananampal ng taong wala namang ginagawa sayo! Buti nakuhanan ko ng litrato ang ginawa mo! Ibibigay ko to sa mga judges! Hindi ka dapat manalo! Ang sama ng ugali mo! ! ” sabi saakin nung isang lalaking may hawak ng camera.



“b-but- -! ”



Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si Rence at sinuntok yung lalaki



“BAWIIN MO ANG SINABI MO KAY KRYZEL! ! ” hinawakan ni Rence ang kwelyo nung lalaki.



Pareho namang lumapit si Stephen at Drew para pigilan si Rence.



Nung mabitawan ni Rence yung kwelyo ng lalaki, nagtakbuhan naman sila paalis.



“hindi namin palalagpasin to! ! ” sigaw nung isa sa kanila.



“best ok ka lang? ”



Tumango lang ako kay Naomi pero talagang nanginginig ako.



What was that? !



Ako na nahipuan ako pa masama? ! Ngayon ipapadala na nila sa mga judges ang picture.



Patay ako nito.



Dinala nila ako sa dressing room para pakalmahin. Pagkaupong-pagka upo ko bigla agad akong naiyak.





“best” hinimas himas ni Naomi ang likod ko.



“p-paano na kami ni Drew mananalo pag nakita nila yun? ”



Pinatungan ni Rence ng jacket ang mga balikat ko then tumingin siya saakin



“ayos lang yun Kryzel, wag mo nang masyadong isipin. Alam naman namin na wala kang ginawang masama eh ”



Lalong uminit ang ulo ko sa sinabi niya.



“wala ka naman naiintindihan eh! ! ” sigaw ko kay Rence “tsaka isa pa bat ka ba nangielam kanina ha? ! Hindi mo ba alam na sa ginawa mo mas lalo mo lang pinakumplikado ang sitwasyon? ! Palibhasa hindi naman ikaw ang lumalaban eh! ! ”



“best..”



“bakla ginawa lang naman niya yun para sayo” pagtatanggol ni France kay Rence



“eh hindi ko naman siya boyfriend eh! ! ” tinignan ko si Rence “alam ko naman ang dahilan kung bakit mo ginagawa to eh! Dahil may kasunduan kayo ng daddy ko tama ba? ! Sumagot ka! ! ”



But instead na sumagot, iniwas niya lang ang tingin niya saakin.



See? Hindi siya makasagot. Tama ako ng hinala!



Lumapit ako sa kanya then humarap ako “ngayon sinasabi ko pa lang sayo itigil mo na yan kasi kahit kelan hindi kita kayang mahalin”



“best! ! ”



“totoo naman eh! Tigil-tigilan mo na ko Rence. Pwede bang mawala ka na lang sa buhay ko? ! ” [/i]



Napatingin bigla saakin si Rence and halatang gulat na gulat siya sa narinig niya. Kahit ako nabigla sa sinabi ko pero hindi ko na baabwiin to. Mas mabuti na to para tumigil na siya.



Mahirap na, baka mamaya tuluyan na akong mahulog yun pala siya ginagawa lang to dahil sa pera namin.



Hindi na siya sumagot saakin. tinalikuran na lang niya ako at lumabas ng room.





Naupo ulit ako then I put both of my hands on my face “please iwan niyo muna ako”



Naramdaman ko namang nagsilabasan sila. Pero pagkalabas nila may bigla namang pumasok sa dressing room.

Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ito.



It’s Tricia.



“sabi sayo Aguilar eh magingat ka ngayong gabi baka masira ang image mo”



She gave me a smirk then lumabas na siya ng room.





[Stephen’s POV] >> (Author’s Note: nakakapanibagong itype to STEPHEN’s POV. Matagal tagal bago ko ulit siya nabigyan ng POV. Mwahahaha)





***

“Hoy Stephen kain ka ng kain diyan! Nagkagulo na nga’t lahat eh wala ka parin inatupag kundi ang pagkain mo! Akin na nga yan! ” inagaw ni Nami sa kamay ko ang hawak kong chichirya.



“ano ka ba naman babes! Tingin mo makakatulong ang pag sesenti natin sa mga nangyayari? Malungkot na nga bestfriend mo magpapakalungkot ka rin? Ano ka baliw? ” tumawa ako ng malakas. Si Nami naman tinaasan lang ako ng kilay.



Here we go, come with me

There's a world out there that we should see

Take my hand, close your eyes

With you right here, I'm a racketeer



Narinig ko naman na tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko to sa bulsa ko and tinignan kung sino ang tumatawag.



Calling…

Steve Cruz.



Tsk bat tumatawag na naman ang isang to?



Tinignan ko si Nami “oy babes wag mo uubusin chichirya ko ha? ”





Lumabas ako ng rest house then sinagot ko yung tawag



“dad, what is it this time? ”



I heard him sigh on the other line “ikaw bata ka! Parang hindi kita tinuruan sumagot ng maayos ha”



“fine, fine. So what do you want? ”



“kelan ang balik mo dito? ”



“bat mo tinatanong? ”



“next Saturday may engagement party kami ng Tita Alice mo and you have to be there”



Nagulat naman ako sa sinabi niya “WHAT? ! ENGAGEMENT? ! Talagang buo na ang desisyon mo diyan sa kasal na yan? !



“oo anak. Please naman tanggapin mo na si Alice”



“HINDI KO MAGAGAWA YAN! ”



“Stephen I’m warning you. Pupunta ka sa engagement whether you like it or not! At tatanggapin mo si

Alice! ! ”



“bakit mo ko dinidiktahan- @$@#%$#! ! ”



Bigla na lang inend ni dad yung call kaya napamura ako. Sa sobrang inis ko sinipa ko yung bato sa harapan ko



“Argghhh! ”



“Stephen? ” napatingin naman ako bigla sa likod ko at nakita kong parating si Nami “may kaaway ka ba diyan? Bat ka sumisigaw? ”



Tinignan ko lang siya then I strode pass her. Narinig ko namang humahabol siya saakin



“huy saan ka pupunta? ! ”



Lumingon ulit ako sa kanya “hayaan mo muna ko mag isa” I told her coldly.



Mukhang nagulat siya sa tono ng boses ko pero hindi na niya ako sinundan.





Naglakad lakad ako hanggang sa may nakita akong park at naupo sa isa sa mga swings doon.



Ipinatong ko ang mukha ko sa kamay ko at bigla na naman nag flashback lahat ng nangyari.





“mama! ! Wag mo kaming iwan! ! ”



Hinahabol ko nun ang mama ko pababa ng hagdan habang dala-dala na niya ang maleta niya. Iyak ako ng iyak.



“anak patawarin mo ko ”



“hindi mo nab a ko love mama? ” tanong ko sa kanya habang humahagulgol parin ng iyak



Lumuhod siya sa harap ko para maging ka-level niya ako then pinunasan niya ang mga luha sa mata ko “hindi totoo

yan Stephen, mahal na mahal kita! ” niyakap niya ako.



“bat mo kami iiwan? ” tanong ko sa kanya habang umiiyak parin.



Bigla naman dumating si Dad nun at hinila ako palayo kay mama.



“wag ka maniwala diyan Stephen! Hindi tayo minahal ng mama mo kasi kung mahal niya tayo hindi niya

gagawin to! ! ”



“Steve alam mo naman kung bakit ko ginawa to di ba? Umpisa pa lang pinagpilitan mo na ang gusto mo!

Hindi mo manlang inisip kung ano ang mga mararamdaman namin.”



Tinakpan ni Dad ang tenga ko “umalis ka na lang dito sa pamamahay namin! Lumayas ka na! ! ”



Kinuha ni mama yung maleta niya at tuluyang umalis.





Pitong taon pa lang ako nung mga panahon na yun. Hindi ko lubusang maisip kung paano ko nakaya ang mga nangyayari saamin nung mga panahon na yun. Ang pitong taong pagiisip ko na hindi pa kaya tumanggap ng impormasyon sa mga nangyayari. Ang alam ko lang iyak ako ng iyak. Gabi-gabi akong hindi makatulog at grabe akong nasaktan.



Isang gabi nagising ako ng may marinig akong tawanan ng mga babae sa kwarto ni dad. Sa pagaakalang si mama yun, lumabas ako ng kwarto ko para tignan. Pero iba ang nakita ko.



Tatlong mga babaeng walang saplot sa katawan ang nakapalibot sa dad ko.



Halos gabi-gabi, ganoon ang nakikita ko. Isang araw tinanong ko si dad bat niya ginagawa yun.



“kasi hindi dapat sineseryoso ang mga babae dahil mga mangagamit sila. Dapat sila din pinaglalaruan.”



Ayan ang sagot niya saakin. Pero ngayon ano ginagawa niya? Magpapakasal ulit siya? Tapos ano? Babalik sa pagiging miserable ang buhay namin?



Nahihibang na ba talaga siya? !



Dahil masyadong sumasakit na ang ulo ko kakaisip, tinignan ko na lang yung camera na naka sabit sa leeg ko.



Pagka-on ko, mukha agad ni Nami ang nakita ko sa screen.



Napa hinga ako ng malalim.



Nung mga panahong kasama ko si Nami nakakalimutan ko ang sakit na idinulot saakin ng mama ko.



Pero may nakalimutan akong isang bagay.



Babae din si Nami at malaki ang chance na masaktan niya ako.



Ayokong matulad sa dad ko kaya ayokong magmahal.



Kung hindi ko ititigil ang pakikipaglaro ko kay Nami baka sa huli magsisi lang ako at masaktan.





I think oras na para lumayo ako sa kanya.

Submitted: Monday, April 28, 2014
Edited: Tuesday, April 29, 2014

Do you like this poem?
0 person liked.
0 person did not like.

Related Poems


Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Comments about this poem (Breaky3 by Aiyabells 002 )

Enter the verification code :

There is no comment submitted by members..

Top Poems

  1. Phenomenal Woman
    Maya Angelou
  2. The Road Not Taken
    Robert Frost
  3. If You Forget Me
    Pablo Neruda
  4. Still I Rise
    Maya Angelou
  5. Dreams
    Langston Hughes
  6. Annabel Lee
    Edgar Allan Poe
  7. If
    Rudyard Kipling
  8. I Know Why The Caged Bird Sings
    Maya Angelou
  9. Stopping by Woods on a Snowy Evening
    Robert Frost
  10. Invictus
    William Ernest Henley

PoemHunter.com Updates

New Poems

  1. To whom I am going, gajanan mishra
  2. In The Process Of Existence, Naveed Akram
  3. Thy presence, binod bastola
  4. My Maiden's Love Is Like A Cloud In June, Chibueze Oscar Osuji
  5. दिल को हरदम dil ko hardam, hasmukh amathalal
  6. Ode To Envy, Chibueze Oscar Osuji
  7. Time be quite, Filippo Stella
  8. Domestic goddess, Mark Heathcote
  9. Blank Depression, Chibueze Oscar Osuji
  10. The tears of human race, Great Emeritus

Poem of the Day

poet Emily Dickinson

239

"Heaven"—is what I cannot reach!
The Apple on the Tree—
Provided it do hopeless—hang—
That—"Heaven" is—to Me!

...... Read complete »

 

Modern Poem

poet John Burroughs

 

Member Poem

[Hata Bildir]