Aiyabells 002


Breaky5


Chapter 31


*meet the parents + evil plan*





At exactly 6pm, nandun na ako sa Starbucks near Kryzel’s bistro. Todo palusot pa ko kila daddy. Sabi ko may biglaang debut akong pupuntahan at kasama ako sa 18 candles kaya hindi pwedeng mawala ako doon. Good thing at pumayag sila. Balak pa nga akong ihatid ng mga kuya ko eh, buti na lang napigilan ko.





Ang hirap talaga maging bunso at nagiisang babae. Sobra. Kaya doon sa mga bunsong babae na puro lalaki ang kapatid, saludo ako sa inyo! =________=





Pagkadating ko doon sa meeting place, nandun narin si Stephen at napaka HOT niyang tignan doon sa coat niya.

Aba first time kong makita si Stephen na mukhang kagalang galang ang itsura ha! Infairness ang gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo gwapo—ok O.A na.. pero ang gwapo talaga niya. Period.





“babes, if you don’t stop staring at me like that, I might melt you know ” he laughed I rolled my eyes “I am not staring at you” palusot ko





“then kanino ka titig na titig? Ano ka banlag? ” mas lalo pa siyang tumawa ng malakas. GRRRRR, ang hanging niya talaga eh no? pasalamat siya ang hawt hawt niya ngayon.





“hindi pa ba tayo aalis? ! Tara na nga! ”





Tinawanan lang niya ako then he lead me to his car. Ok this is it. Talaga bang meet the parents na? oh may gash ako’y ninenerbyos naman ng husto dito. Tsaka bat ba kailangan pa ko magayos ng bongga? Ano naman kaya ang occasion? San namin sila immeet? Baka naman sa isang fine dining restaurant kaya dapat ganito ang attire? Pero bakit meet the parents na agad? Kami na ba? di ba ligawan mode pa lang?





Pero kung sabagay mabuti narin to para matapos na ang lahat. May evil plan ako tonight. I’ll do anything para maturn-off ng bongga saakin ang parents ni Stephen. At pag nangyari yun pipigilan nila ang pagmamahalan namin dalawa “kuno.” Tapos kunyari mag papagod paguran ako dahil ayaw saakin ng parents ni Stephen and sa huli magsasawa na saakin si Stephen and mawawala ang feelings niya saakin. Tapos sasabihin ko kina Yannie na napaka EPIC FAIL ng pagpili nila saakin kaya no choice sila kundi palitan ako. And I’m free atlast!

Bwahahahahahahahaha.




< br>Ang bad ng idea ko no? =______= Pero desperate na ko, kaya pagbigyan niyo na ko. Tsaka lahi ko naman ang ipapahiya ko sa gagawin ko eh.





“babes we’re here” ipinark ni Stephen yung car niya sa isang malaking bahay.





“nasan tayo? kaninong bahay to? ”





“bahay namin”





Nanlaki ang mata ko “SAINYO TO? ! ” O_____O



Ok calm down, alam kong mayaman sila Stephen but I didn’t expect na ganito kalaki ang bahay nila. I mean, bat pa siya nagtyatyaga na tumira sa condo niya samantalang ang gara gara ng bahay nila? Malapit rin lang naman to sa school at isa pa may kotse naman siya. Kakaibang nilalang talaga to. Alien ba siya? Gusto niya trade houses kami.

O____O





Bumaba si Stephen ng car then pinagbuksan naman niya ko ng pinto and he held my hand. Doon ko lang napansin na ang daming tao sa house nila. Mukhang hindi lang kami ng family niya ah. Akala ko ba meet the parents lang? ! eh bat mukhang meet the relatives to? !





“err, anong occasion? ”





“engagement party ng dad ko and nung magiging second mom ko ”





“oh I see” hmmm ano kaya nangyari sa real mom ni Stephen? Pareho kaya kaming ulila na sa ina? But sana naman maging kasing bait ni mama anne ang magiging stepmom ni Stephen.





Bigla akong natigilan. Wait a minute kapeng mainit. Kung engagement party to ibig sabihin hindi lang basta meet the parents and meet the relatives kundi meet the clan and meet the friends din? O________O





Paano na ang aking oh so brilliant na evil plan? ! Don’t tell me kailangan kong ipahiya ang lahi ko sa harap ng madlang people na ito? !





Err well mas mabuti siguro yun atleast hindi lang parents ni Stephen ang tututol kundi pati mga friendships and relatives niya. Magmimistulang me-and- you-against-the-world ang drama namin nito!





“oh here’s my dad. Let’s go babes, ipapakilala kita” hinila naman ako ni Stephen papalapit sa dad niya





“Nami, this is my dad, Steve Cruz and she is Tita Alice, my future mom. Dad, Tita Alice, this is Nami, my soon-to-be-girlfriend ”





Nagulat naman ako sa sinabi ni Stephen. Talagang soon-to-be girlfriend? !





“h-hi po”





“so you are the one! I should thank you hija. Ng dahil sayo matutuloy na talaga ang kasal namin ni Alice ” her dad told me while smiling





“dad naman eh! ” sabi naman ni Stephen





“himala at tinawag mo akong dad ngayon? Ibang klase talaga ang nagagawa ng pagibig ” mas lalong natawa yung dad ni Stephen samantalang si Stephen ay namumula.





Napatingin naman saakin yung dad ni Stephen and medyo kinabahan ako kasi napalitan ng seryosong expression ang mukha niya habang tinititigan niya ako sa mata.





Like he was reading my mind.





“oy dad, baka matunaw tong soon to be girlfriend ko! Wag mong titigan ng ganyan you dirty old man! ” sigaw ni Stephen sa kanya.





Bigla naman natawa yung dad niya “bumabalik ka na naman sa ugali mo anak! Hahaha” he looked at me “actually ngayon ko lang napansin na may kamukha si Nami. Someone I know for a long time.

Kamukhang kamukha mo talaga siya”





“sus, exotic ang beauty ng babes ko! Impossible na may kamukha siya bukod sa pamilya niya”





Pasimple kong hinampas si Stephen sa braso.





Walanjo mo to! Ang sama ng ugali! Exotic daw ang beauty ko =_______=





Tumawa ulit yung dad ni Stephen “naku baka naman kamag-anak mo talaga siya? Do you want to know kung sino ang kamukha mo? ”





I nod “s-sino po ba? ”





“that person is a very special friend of mine..” tinitigan niya ulit ako sa mata “…who became my worst enemy”





Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba.





Ewan, kamukha ko lang naman pero bat feeling ko natatakot ako sa kanya?





Tokwa, kinakabahan ako.





He again laughed “I’m just kidding! So see you around. Son ipakilala mo siya sa mga relatives natin ha! ”





“sure crazy old man! ”





Nakahinga din ako ng maluwag.





Err, dagdag turn off ba yun? Yung kamukha ko yung friend niya na naging worst enemy niya? =_______=





“hey sorry about that dirty old man. Does he scare you? ”





“ha? Ah hindi naman”





“don’t worry kahit ganoon yun mabait naman yung matandang yun”





Napataas ang kilay ko. Parang kanina pa niya tinatawag ng kung anu-anong names ang tatay niya ah? Grabe siguro kung ako ang tatawag ng ganun kay daddy gulpi ang aabutin ko sa mga kapatid ko at isa pa babagabagin ako ng konsensya.





Kung sabagay wala naman konsensya ang taong to. Ni-hindi nga tinamaan ng konsensya sa pambablack mail saakin eh. Di ba niya alam na wala akong kikitain sa bistro nila kryzel ngayong gabi ng dahil sa kanya! >____< Pinakilala naman ako ni Stephen doon sa mga tito at tita niya, mga pinsan, family friend, family doctor at family pet.

Lahat naman sila puro compliment ang natanggap ko.





“ang ganda ganda naman niya”





“naku Stephen galingan mo sa panliligaw sa kanya ha? I want her for you”





“Ang ganda mo naman Naomi, naku wag mo ng pahirapan si Stephen! Sagutin mo na siya agad! ”





“as I’ve heared, you are really pretty! Tell me do you have a brother? Pakilala mo naman sakin! ”





Puro thank you naman ang nasabi ko sa kanila. Kulang na lang lumaki na ang ulo ko sa sobrang compliment.

Napaghahalataan talaga na pamilya sila ng mga bolero at bolero. Pero uyyyyyy ang ganda ko daw oh!

Wahahahahahahhahaha.




< br>WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH MALI TO! ! ! ! Tofu mukhang buong clan nila gustong gusto ako para kay Stephen.

Mukhang wala pang nararating ang oh so brilliant na evil plan ko =______=





“oh the old man is calling me. may ipapakilala na naman na business partner niya. Babes wait for me here ha? ”





“si-sige” naupo na lang ako sa isang bench doon.





Grabe gutom na aketch. Kelan ba nila balak simulan ang party at ng magkainan na? yung tyan ko nag vi-vibrate na kasi!





Napansin kong may papalapit saaking isang lalaki then naupo siya sa tabi ko.





“hi! ” he told me while smiling





Waw, ang gwapo naman nito. Siguro pinsan ni Stephen. Bat ba ang gu-gwapo at ang g-ganda ng mga kamag-anak ng pen-pen na to?





“h-hi” sabi ko doon sa lalaki





“so you’re Stephen’s girl? ” tanong niya saakin while still smiling





“no. I’m not YET his girl”





Totoo naman eh! Di pa kami.





He laughed “hay grabe kala ko forever nang magpapaka Casanova itong si Stephen. Good thing at sumusunod din siya sa yapak ko. You see Casanova din ako dati pero nagmahal kaya eto, matino na gwapo pa! by the way I’m Lance Victorino, The Casanova Prince—well not anymore! ” he chuckled, “and you are? ”





“Naomi. Naomi Mikael Perez ”





We shook each other’s hand “nice meeting you Naomi”





“thanks”





Hmmm ang gwapo ng pinsan ni Stephen. Di ko alam sino mas gwapo sa kanila O___O





For sure madami din napaiyak na babae ang isang to!





“BABES! ” napalingon naman kami ni Lance kay Stephen. Agad agad na lumapit si Stephen samin at naupo sa gitna namin ni Lance “get your hands off my girl” he told Lance Tumawa lang ng malakas si Lance “Inlababo ka na talaga bro! ” he told Stephen while patting his back “don’t worry hindi ko siya balak sulutin sayo. I already have a girlfriend ”





Owww may gf na siya! Sayang! Bwahahaha





Naku Naomi Mikael Perez tigil-tigilan mo na nga yang kalandian mo. Halos mabaliw ka na nga dahil may Stephen ka na may Drew ka pa. Baka ikamatay ko na pag may duamgdag pang isang papable sa listahan ko. Pag nangyari yun ay, magmamakaawa ako sa author na gawin niyang isang HOT PAPA si France at ng siya ang maging ka labteam ko! Seryoso ako =___=





Maya-maya lang bigla ng inannounce na mag start na yung party. Inintroduce yung newly engaged couples with matching petals ng roses pa as a confetti. Sosyal!





Onting speech speech lang then kainan na! at last! Bigla namang may umilaw na ligh bulb sa tuktok ng aking ulo at nakaisip ako ng magandang idea para may marating ang aking evil plan. Bwahahahaha.





Isa-isa na kaming lumapit sa buffet table. Agad ko namang nakita yung paella at nag ningning ang aking mga mata.

HUWAW PAELLA MY LABS! MY PEYBORIT! Namiss ko tuloy si mama Anne. Pareho naming favorite to eh. Actually siya nga ang nag introduce ng Paella sakin.





Pinuno ko ang plate ko ng paella and isa isang kinuhanan lahat ng handa doon. Nung nakabalik na ko sa table namin, dalawang plate na ng punong puno ng foods ang dala ko. Oy di ako PG ha? For the sake of my evil plan kaya ko to ginagawa no!





“oh babes ang dami naman niyan! Mauubos mo ba yan? ! ” gulat na gulat na tanong saakin ni Stephen





“naku Stephen hayaan mo lang siya, malay mo she has a big apetite” her dad told him





“oo nga naman! walang pakielamanan! ! ! Tsaka favorite ko tong paella eh! Pareho kami ng mama ko! ”





Bigla naman nanahimik sa table. Ok? may nasabi ba ko? Hindi ko pa inuumpisahan ang evil plan ko natameme na sila agad? What meron?





Nag smile yung dad ni Stephen “really? Her mom loves paella too. I mean her real mom”





“oh I see! ! By the way, err if you don’t mind ano po bang nangyari sa kanya? ” I asked them. Sige lang magpaka chismosa ka Naomi, baka turn-off din sa kanila yun! Bwahaha





“oh her mom? She’s- -“





“she’s already dead” Stephen told me with a very cold voice “let’s just eat! ”





“o-ok”




Oh, I think I hit below the belt. Mali ata talaga na inopen ko yun.





We started eating in silent. Naku naman ang dami masyadong food na kinuha ko at alam kong hindi ko mauubos yun. Mukhang hindi pa sila turn off saakin, kailangan kong magisip ng bagong plan.





Lightbulb!





Bwahahaha alam ko na!





“so Naomi, kelan mo balak sagutin itong si Stephen namin? ” Tita Alice asked me I smiled “naku po, secret muna ”





“sus babes pa secret secret ka pa diyan alam ko naman na head over heels ka rin saakin”





Sumubo ako ng isang big serving ng food ko hanggang sa mapuno ng bongga ang bunganga ko then bigla akong humarap kay Stephen with matching talsik talsik pa ng food sa harap niya.





“HAHAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga pen-pen babes ko! Wahahaha” *talsik ng paella, lumpiang shanghai, shrimp, chicken.. kung anu-ano pang laman ng bibig na hindi na maidentify*“wahahahahha kaya labs na labs kita babes eh! Grabe ang sense of humor mo! Wahahaha” *talsik talsik talsik*





Nakita ko naman ang gulat na expression sa mukha nila kahit yung kay Stephen. Ako naman patuloy lang sa pagtawa hanggang sa- -





*GULP* O______O





Bigla akong nasamid kaya napapalo ako sa may dibdib ko.





“babes are you alright! ! ”





Ubo ko ng ubo at kinuha ko yung kung ano mang inumin na nakalagay sa glass na nasa harap ko at ininom ko siya, straight.





Lahat sila nakatingin na saakin





“a-are you alright babes? ”





Nagtataka naman ako sa mga reaction nila ng bigla kong malasahan yung ininom ko.





Tofu, champainge yun… at ininom ko na para lang ako umiinom ng tubig.





Hindi pa naman ako sanay uminom =____________=





Bigla akong nakaramdam ng panghihilab ng tyan and mukhang- - alam niyo na kung ano- -tawag ng kalikasan.





“err, san ang C.R? ”





Tinuro saakin ni Stephen kung saan yug comfort room and agad akong tumakbo papunta doon.





Naupo agad ako sa bowl at inilabas lahat ng sama ng loob ko.





Tofu naman oh. Ngayon ko lang nalaman. May talent pala akong ipahiya ang sarili ko ng walang kahirap hirap. Lahat yan natural =_______=





Nakakahiya! ! ! ! O///O





Huhuhuhu.





After ng paglalabas ng sama ng loob, nag hugas na ako ng mga dapat hugasan ang I make sure na walang bakas ng amoy yung c.r bago ako lumabas. Pagkalabas ko naman nakita kong nakasandal sa wall opposite ng door ng c.r si Stephen. Hindi ako makatingin sa kanya gawa ng overflowing na kahihiyang nararamdaman ko.





I heared him chuckled





“DON’T YOU EVEN DARE LAUGH AT ME OR ELSE I’LL KILL YOU” sigaw ko sa kanya Pero walanjo mo hindi pinansin ang warning ko at tinawana pa ko lalo!





“babes don’t worry, ang cute mo parin talaga kahit anong mangyari. Mas cute ka lang nga nung puno ng pagkain ang bibig mo! Wahahahahahahahhahahaha ”





“ggrrrrrr”




Bigla naman niya akong niyakap.





“don’t worry kahit ilang eksena mo pa na ganun ka ang makita ko hindi parin magbabago ang nararamdaman ko. Ikaw parin ang nagiisang babes sa puso ko ”





Bigla naman nawala ng kahihiyan na nararamdaman ko at napalitan ng i-don’t-know-what-kind-of-feeling. Ewan ko kung bakit pero, waaaah bat pakiramdam ko gusto kong kiligin?





Ginawa ko lahat dito para maturnoff sila saakin but in the end pinarealize saakin ni Stephen kung gaano niya ako katanggap.





I hate it.





Chapter 32


*The jealous Cassanova*





[Naomi’s POV]





“…the subscriber cannot be reach, please try again later…”





Pindot.. pindot.. pindot… tawag





“…the subscriber cannot be reach, please try again later…”





Call again





“…the subscriber cannot be reach, please try again later…”





Waaaaaaaaaaaaaaah Yannie please answer the phone! ! ! T________T





Pinagtataguan ba talaga ko ni Yannie? ! Ilang araw ko na siya kinokontak pero wala parin talaga! Naiinis na ko sa kanya! Bat niya ko iniwan sa ere? ! Naman onting onting onti na lang matatapos ko na ang contract.3 more steps to go. Ayoko na, nakakabaliw. T_____________T





Teka, baka alam ni kuya Nico? Oo nga si Kuya! Imposibleng hindi niya alam kung nasaan si Yannie dahil labidoo niya yon! !





Tumakbo ako palabas ng room ko at agad agad na sumugod sa room ni kuya Nico.





“KUYAAAAAAAAAAAAAAAA AAAAAAAAAA”





Napabangon bigla si kuya sa kama niya.





“what the heck- ? ! Mika? ! Ano ba! ! Wag mo nga akong istorbohin sa pagtulog, I need to get some sleep!

Maaga pa ko aalis bukas for my photoshoot! ”





“eh magtatanong lang naman taray taray nito! ”





“ANO ITATANONG MO? ! ” galit na sigaw niya sakin





“alam mo ba kung nasan si Yannie? Na co-contact mo ba siya? ”





“oo! Kakakausap ko lang sa kanya kagabi. Ok na? ! alis na matutulog na ko” humiga na ulit siya sa kama.





“WAAAAAAAAAAH! ” sigaw ko kaya napabangon ulit si kuya





“Mika naman eh! ! ! ! ! ”





“bat ikaw sinasagot niya tawag mo ako hindi? ! ? ! ? Ha! Nakakainis! Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot! Mababaliw na ko! ! ! Kailangan ko siyang makausap! ! ”





“She’s in Hongkong right now kaya hindi mo talaga siya makakausap! And FYI ikaw ba ang boyfriend niya? !

Di ba ako? ! ”





Nagulat naman ako sa sinabi ni kuya. Ahhh nasa Hongkong pala siya- -pero ANO? ! BOYFRIEND? ! O__________O





“kuya, kayo na? ! ”





“ha? Ah eeehh” bigla naman nagkamot ng batok si Kuya. At pulang pula siya!





“uuuuuuuuuuuuuuyyyy kayo na no? ! wahahahaha sinagot ka na niya no? ! weeeeeeeeeeeeeee.

Ayieeeeeeeeeeeeeeeeeeeee eee MAY GIRLFRIEN—“





Bigla naman tinakpan ni kuya ang bunganga ko “wag ka nga sumigaw bunso! ! Making ka, wag mo muna sasabihin sa kanila ha? Hintayin ko muna makabalik dito si Yannie then tsaka ko siya ipapakilala kay daddy, kasabay narin ng paguwi ni mama anne”





“oo nga pala malapit na umuwi si mama anne no? naeexcite naman ako! ! ”





“yeah, kaya quiet ka muna ha? ”





I smile “sure kuya”





Lumabas na ko sa room niya.





*sigh*




Buti pa si kuya ang tino ng lovelife. Sana ako din.





[Kryzel’s POV]





“grabe nakakakilig ang love story ni Naomi at Stephen no? ”





“oo nga eh. Akala ko forever ng cassanova si Stephen! ”





“who would have thought na si Naomi pa ang makakapagpaibig kay Stephen? ”





Sigh. Talagang hindi na siya nagpakita saakin after that incident. Tinotoo niya talaga yung pagiwas saakin.

Naguguilty naman ako bigla.





“kaso di ba Kryzel mahal mo dati si Stephen ano ang masasabi mo na inlove siya ngayon sa bestfriend mo? ”





Kung mag sorry kaya ako kay Rence? Oo tama! Mag so-sorry na lang ako sa kanya. Nakakahiya man magpakita sa kanya dahil sa lahat ng accusation ko pero talagang willing ako malinis ang konsensya ko. Aba ilang linggo narin ako binabagabag ni conscience to the point na hindi ako makatulog pagkagabi!





“sus syempre hindi na affected yang si Kryzel! Magkaroon ba naman siya ng gwapong admirer na si Rence eh”





Rence? Rence? Napalingon ako doon sa kasamahan ko sa pepsquad





“Rence? Bakit anong meron kay Rence? ”





Nagulat naman ako ng bigla silang nagtawanan.





“alam mo Kryzel, kanina pa naming pinaguusapan si Stephen dito. Pero nung nabanggit namin ang pangalan ni Rence bigla bigla ka na lang nagkaganyan! Sagutin mo na kasi! Halata namang mahal mo din eh! ”





“h-hindi no”





Totoo naman, hindi ko talaga mahal si Rence. Kaya ko lang siya iniisip kasi nakokonsensya ako sa lahat ng sinabi at nagawa ko sa kanya dati. And it’s killing me. tsaka isa pa… o sige na inaamin ko na! nakakamiss ang presence niya kasi nasanay ako ng laging may nangungulit sakin. Pero yun lang. Yun lang talaga! !





After ng practice namin sa pepsquad, dumiretso ako sa locker ko para kunin yung mga gamit ko. Pauwi na sana ko ng mapadaan ako sa activity center and nakita ko si Rence doon habang nag pa-practice ng flair.





Ngayon ko lang napansin, ang cool nga niya talaga tignan habang nag fflair siya. No wonder kaya ang daming babaeng nainlove sa kanya. Ang daming beses ko na siyang nakitang nag flair kaso laging hindi sa kanya ang focus ko. Kung hindi ako busy mag-emo dahil kay Stephen, busy naman akong mainis sa kanya. Ngayon ko lang talaga siya napanuod mag flair na sakanya naka focus ang attention ko. Hindi sa kung ano pa man.





Kung lumapit na kaya ako sa kanya ngayon at mag sorry? Mamaya niyan mahirapan na naman akong hagilapin siya.





Palapit na sana ako ng biglang may isang babaeng lumapit sa kanya then she threw her arms around Rence’s neck and started kissing him.





Si Rence naman hindi pumapalag doon sa babae at mukhang enjoy na enjoy din siya makipaghalikan doon.





AY TOFU! ! ! O_______O





Gabi-gabi akong nakokonsensya dahil sa kanya tapos ganito makikita ko? ! Tofu talaga! ! ! Mahal daw niya ko eh ano to? ! Wow! ! ! ! ! ANG DALING MAPALITAN NG PAGMAMAHAL NIYA SAKIN!





Ayoko na silang makita pang maglaplapan dalawa kaya tumalikod na ko at naupo sa isa sa mga belachers sa labas ng activity center.





Bigla na lang tumulo ang luha ko sa sobrang frustration na nararamdaman ko.





Pare-pareho silang mga lalaki! Sasabihin mahal ka pero pagnakatalikod ka makikipaghalikan naman sa ibang babae.

Kung hindi ka gagawing flavor of the week, gagawin ka naman niyang panakip butas. Minsan pera lang o katawan mo ang habol sayo. Yung iba naman, wala lang, trip lang nila maglaro.





CURSE ALL THE BOYS! ! ! MAMATAY NA SILANG LAHAT!





Mga Son of at @#@$@!





Bat ba ang malas malas ko pagdating sa buhay pagibig? !





Gusto kong pumatay ng tao ngayon sa totoo lang! Gusto kong pag gutaygutayin ang katawan niya hanggang sa tuluyan na siyang mapunta sa hell! Mapapatay ko talaga ang unang lalaking makikita ko ngayon! SWEAR! ! !





Bigla akong may narinig na mga yapak na papalapit saakin then may bigla akong narinig na boses ng lalaki





“you” alam ko ako tinutukoy niya dahil kahit nakayuko ako, aware akong nasa tapat ko siya.





And my victim is here. Kawawa naman ang nilalang na to, mawawalan na siya ng buhay.





Inangat ko ang ulo ko para makita ko yung lalaking mumurderin ko ng magulat ako na si Rence ang nasa tapat ko habang nakatingin sakin ng seryoso.





“R-rence..? ”





Without a word bigla na lang niya ako hinila papunta sa parking lot.





[Naomi’s POV]





“baaaabeeessss! ! ” lumapit si Stephen saakin at naupo sa tabi ko “good morning! ! ! Na miss kita huhuhuhuhu! ” bigla siyang yumakap sakin





“Stephen! Ma PDA tayo! ayokong magka sanction you know! ! ”





“to naman! eh namiss ko lang nama ang babes ko masama bang yakapin kita? ”





“bat mo naman ako na miss samantalang isang araw lang tayo hindi nagkita? ”





“eh kasi mahal kita” he told me while smiling widely.





Speechless na naman ako.





“oy babes, alam mo ba gustong gusto ka nung matanda kong tatay tsaka ni Tita Alice? Sabi niya ipapakasal na din daw nila tayo! gusto mo sumabay na tayo sa kasal nila para double wedding? ”





Tinaasan ko naman siya ng kilay “bakit? Sinagot na ba kita? hindi pa naman tayo ah? ”





“sus, alam ko malapit ka ng bumigay! Kung tutuusin nga ikaw pa ang unang umamin saakin na head over heels ka saakin eh! Oo nga pala naalala ko yung sinabi mo sakin dati! Sabi mo pwede kitang halikan pag natutunan na kitang mahalin? Ibig sabihin ba nito- ? ” nag evil grin siya. Napalunok naman ako bigla





“ha? Eh? Hehehe sinabi ko b-ba yun? ”





“yes babes, sinabi mo yun. Baka pag hinalikan kita maalala mo” nilapit niya ang mukha niya saakin while still grining evily.





“s-stephen naman ehhh…” >____<





Tumawa naman siya “don’t worry hindi kita hahalikan dito but I swear the moment na makahanap ako ng pagkakataon na masolo kita, patay ang lips mo sakin. ”





Napalunok ulit ako. Minsan talaga napaka dangerous na tao nitong si Stephen. Sobra =______=





“Naomi, may nagahahanap sayo! ” sabi nung isa kong classmate sakin Napatingin naman ako sa may pinto ng room namin and nakita ko doon ang aking Prince Charming na si Drew! ! !

^_________^





Lumapit ako sa kanya “D-drew hi”





“hi Naomi” lumapit siya sakin then binulungan niya ko “I miss you”





Napangiti naman ako then bumulong din ako sa kanya “I miss you too”





“Naomi, may bibigay ako sa iyo” may inilabas siya sa bulsa niya “ticket to para sa World Tour punta ka sa booth namin ha? England yung gagawin namin doon! ”





“s-sure! ”





Ginulo niya yung buhok ko “aasahan ko yan! See you! ”





I waved my hand “bye”





Tinignan ko yung ticket sa kamay ko. Yung World Tour ay isang activity event ng mga tourism students na talagang inaabangan ng mga students dito sa school na to. Parang gagawa sila ng iba’t ibang booth representing different country from all over the world. And honestly saying, maaganda talaga yung event nila.





Bumalik na ko sa upuan ko then nakita ko naman si Stephen na naka pout.





“oh anong problema mo? ” tanong ko sa kanya





“you’re so mean to me. I hate you” sabi naman niya sakin habang naka pout parin





“ha? Ano ginawa ko sayo? ”





“che wag mo kong kausapin! Galit ako sayo! ” tumayo siya then lumipat ng upuan.





Okay? What was that?





Ano naman ang ginawa ko doon sa mokong na yun?





Sa buong class period, hindi ako pinansin ni Stephen and talagang hindi rin siya tumabi saakin.





Ang weirdo ng isang yun, bigla bigla na lang magagalit ng hindi ko alam ang dahilan! Bipolar ba siya? !





Nung lunch break, agad naman lumabas si Stephen and talagang hindi ako pinansin. Hinabol ko naman siya.





“oy Stephen, ano bang problema? ”





“hmpf! ”





Pilit ko siyang sinabayan sa paglalakad “galit ka ba sakin? ”





“-______-“




“may nagawa ba ko sayo? ”





“=_________=”





“ano ba talaga kasalanan ko sayo? ”





“>_______<”


< br>

“huy babes magsalita ka naman! ”





Napatigil siya sa paglalakad niya then humarap siya sakin ng may seryosong mukha “sobrang laki ng kasalanan mo sakin. Sinaktan mo ko ng husto! Hindi mo ba alam na parang sinaksak ng isang milyong patalim ang puso ko ng dahil sayo? ”





Napataas ulit ang kilay ko. Ano ba talaga ang nagawa ko sa lalaking to.





“o-ok hindi ko alam kung anong nagawa ko pero sorry na! ”





“hmpf” tinalikuran niya ulit ako at nag start maglakad.





“oy Stephen naman sorry na nga kung ano man yun! ! ” hindi niya ko pinansin and tuloy-tuloy lang sa paglalakad “o sige sabihin mo kung ano ba ang dapat kong gawin mapatawad mo lang ako sa kung ano mang kasalanan ko! ” =____=





Humarap siya bigla saakin habang nakangiti ng nakakaloko.





“talaga? Sabi mo yan ha! ” he told me while grinning evily.





Ang mga ngiting parang gagawa ng bagay na hindi ko magugustuhan.





Napalunok ako bigla.





I think I’m in danger.





Chapter 33


*One Month*





[Kryzel’s POV]





“ah r-rence? San tayo pupunta? ”





He didn’t answer me but instead, tuloy parin siya sa pag kaladkad saakin. Ang tahimik niya, masyadong seryoso.

Ewan ko pero kinakabahan ako sa kanya.





Weird. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito dahil sa isang lalaki.





Napansin ko na lang na nasa parking lot na pala kami nung bigla niyang binitawan ang kamay ko then lumapit siya sa isang black Porsche car at binuksan niya ito.





Pumasok siya sa loob then inopen niya yung door sa side ng passenger’s seat “hop in”





W-wait, sakanya to? Di nga? Seryoso? Kanya tong kotseng to? Bat parang ang yaman ng bartender ng restaurant namin? gaano ba kalaki pinapasweldo sakanya ni dad? Kung mag shift na kaya ako ng HRM at magtrabaho kay dad para makabili din ako ng magandang kotse?





Teka baka naman hiniram niya lang tong kotseng to?





Titig na titig ako doon sa kotse and hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.





Sino ba mas gwapo? Si Rence o si black porsche?





“I said hop-in! ” I was back to my senses nung sumigaw siya.





Agad agad naman akong pumasok sa loob ng kotse.





Tokwa hindi niya ko sinisigawan ng ganyan dati! Natatakot tuloy ako =____=





Pagkapasok ko sa loob ng kotse bigla naman siyang lumapit saakin. He leaned on me then tinignan niya ko ng seryoso. Yung mukha niya parang mukha ng mga gwapong suplado. Nakakakaba. Halos di ako makahinga habang nakatitig siya sa mata ko. Wala akong idea sa gagawin niya. Kinakabahan talaga ako. (-__-) Bigla naman akong narinig na may nag snap then before I knew it, nakakabit na yung seatbelt ko.





Lumayo na siya saakin at biglang pinaharurot yung kotse niya.





The whole ride tahimik lang kami. Hindi naman siya nagsasalita at hindi ko rin siya makausap o matanong kung saan kami pupunta. Busy din kasi akong alalahanin ang buhay ko kasi grabe ang bilis niya magpatakbo ng kotse. Byaheng langit kami nito! Kulang na lang humiwalay ang puso ko sa katawan ko eh!





Si Rence na nakilala kong napaka kalmadong tao, kaskaserang driver pala!





God magpapakabait na ko, wag niyo lang akong patayin ngayon. Please? -____-





Huminto siya sa tapat ng isang malaking bahay. Sobrang laki na tipong mas malaki pa sa bahay namin.





He parked the car then bumaba na kami.





He motioned me to follow him then ginawa ko naman. Pagkapasok namin sa loob agad kaming sinalubong ng mga maids at butlers.





“master Rence welcome home” they all said in unison.





Nilagpasan lang lahat sila ni Rence at nag dirediretso papasok sa isang room. Ako naman manghang mangha sa bahay. Di ako makapaniwala, kila Rence ba talaga tong bahay na to? Ang bartender na nagtatrabaho saamin mas malaki pa ang bahay kesa saamin! O___O





Sinundan ko siya doon sa room na pinasukan niya and nakita ko na isang built in na bar pala yun.





“have a seat” tinuro niya yung mga stools doon sa may bar counter.





Umupo naman ako at siya naman pumasok sa loob ng bar then nag start mag mix ng kung ano.





“uhmm R-rence? Bat mo ko dinala dito? ”





Hindi niya ko pinansin and busy parin siya sa pag mix ng kung anong drink.





I cleared my throat “a-ano Rence kasi, ano eh.. uhmm” oh damn it! Bat ba ang hirap sabihin ng salitang sorry? !

Nag rehears ako ng madaming beses sa harap ng salamin kung paano ako magsosorry sa kanya. Kabisado ko na nga lines ko pero bat ngayon natatameme ako? !





Huminga ulit ako ng malalim “R-rence k-kasi y-yun ano uhmm k-kasi—“





Nagulat naman ako ng biglang may inilagay siyang baso sa harapan ko “strawberry margarita. Drink. It tastes good”





“h-ha? ” kinuha ko yung baso “s-salamat”





I sipped the drink and yeah, he’s right, it tastes good.





Nakita ko siyang nag mix ulit doon. May pinag halo halo lang siya na drink. Vodka, sprite, blue curacao, then nilagyan niya ng lemon soda and lemon juice and ice cubes.





Naupo siya sa stool na katabi ko then ininom din niya yung drink na ginawa niya.





Err ano na nga ba ulit yung sinasabi ko kanina? Ah, oo yun





“R-rence ano yung tawag sa iniinom mo? ” I asked him habang todo ngit. Tokwa hindi naman to ang sasabihin ko eh. >___<





“blue lagoon” sabi niya sakin ng hindi nakatingin





“ah, kaya pala color blue ang kulay niya. Ha.ha.ha” I laughed awkwardly. Mukha akong sira.





Ano ba naman to! Dinala lang ba niya ko dito para makipaginuman?





“uhmm, b-bat mo pala ko dinala dito? ”





Hindi niya ko sinagot, patuloy parin siya sa paginom ng blue lagoon. At dahil pahiya na naman ako ininom ko narin yung ginawa niyang strawberry margarita. Ang sarap talaga, hindi ko masyadong malasahan yung alcohol na naka mix dito. Magaling talaga tong si Rence. Kaso hindi ko maenjoy yung iniinom ko because I feel so awkward.





“Kryzel”

< br>


Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng bigla siyang magsalita





“b-bakit? ”





“sabi ko lalayo na ko but it doesn’t mean na mawawala ako. Pag umiiyak ka asahan mo makikita mo ko” tumayo siya sa kinauupuan niya then inilgpit yung baso niya.





Kaya ba niya ko dinala dito dahil nakita niya kong umiiyak kanina?





Kung alam lang sana niya ang dahilan





“by the way, your dad told me he will be out of the country with your mom for a month”





Nagulat ako sa sinabi niya “WHAT? ! Wait bat walang sinasabi si dad sakin? ! ”





Tumingin siya sa orasan “I think malapit na ang flight nila ngayon. Pinagbilin ka na saakin ng dad and mom mo. You will stay here in my house for a month. Your room is over there” may tinuro siya saakin na isang room na may white door. “yung katabi niyan is yung room ko. If you need something pwede mo kong puntahan doon. Nandyan na lahat ng damit mo. Pagkatapos mo diyan pwede kang mag shower na then I’ll let the maid call you pagkakain na ng dinner. Sige maiwan muna kita”





He left me with my mouth hanging.





One month.





One month?





ONE MONTH? ! ? ! ? !





MOM, DAD! HOW COULD YOU DO THIS TO ME? !





Chapter 34


*Step 8*





[Rence’s POV]





“hello, Rence is she already there? ”





“Yes sir. Nandito na po siya kanina pa. She’s already in the guest room, sleeping”





“oh good. Thank you Rence ha? Please do take good care of my daughter”





“no problem sir. Aalagaan ko po talaga siya hanggang sa makabalik na kayo”





Bigla akong nakarinig ng malakas na tili sa kabilang line “oh my gosh! Nasa bahay na ni Rence ang Kryzel natin?

Oy Rence, alagaan mo ang princess namin ha? And galingan mo! ” sabi sakin ng mama ni Kryzel





“errr galingan po saan? ” takang takang tanong ko naman





“sa alam mo na yun! Ikaw talagang bata ka! Basta dapat mabigyan mo kami ng magandang apo! ” she laughed Halos mamula naman ako sa sinabi ng mama niya “n-naku po! H-hindi kop o magagawa kay Kryzel yun! ”





“hoy Rence talagang pag ginawa mo yung sa baby naming ipapapatay kita! ! ” galit naman na sabi ng dad niya saakin





“ano ka ba hunny malalaki na sila! Pwede na yan! Tapos ipapakasal na natin sila! ” tumawa ulit ang mama ni Kryzel





“hindi pwede! Ayoko! Bata pa ang Kryzel natin at gusto ko kasal muna bago yun! ”





“uhmm hello po? ” singit ko sa kanila





“oy Rence Reboredo binabantaan kita wag kang gagawa ng masama or else alam mo na mangyayari sayo! ! ”





“ha o-opo. Wala naman akong planong ganun” =_____=





“naku Rence wag ka na kasi mahiya! ” – mommy ni Kryzel





“hon wag mo silang i B-I! ” – daddy ni Kryzel





“naku hon hindi naman pam bi-b-I yun! Di ba Rence? ”





“ha? Ah eh..”





“halika na nga hon! Pumasok ka na sa kotse ng makaalis na tayo! excited na ko mag Hawaii! Parang nag ho-



honeymoon ulit tayo ngayon! ” – daddy ni kryzel





“kaya nga! Tara na hon! ”





TOOT TOOT TOOT





Binabaan na nila ko ng phone.





God, I want to thank you kasi hindi niyo hinayaan si Kryzel na maging katulad ng mga magulang niya. Thank you talaga =_____=





Paakyat na ko sa room ko para matulog ng mapansin kong medyo naka open yung door ng room ni Kryzel and nakapatay ang ilaw.





Hindi pa siya pumapasok sa room niya?





I tried to knock on the door but no response kaya pumasok na ko sa loob. Nakita ko naman siya na tulog na tulog na.





Hmmm so hindi pala niya binubuksan yung lamp niya pag natutulog siya? May nalaman na naman ako na tungkol sa kanya.





Nilapitan ko si Kryzel then naupo ako sa side ng bed niya. Ang ganda niya talaga. Ang amo amo ng mukha niya, like a face of an angel.





' kryzel, masaya ka ba ngayon? pasensya ka na kung nasusungitan na kita ha? Pero pangako ko, kahit na gusto mo na kong mawala ng tuluyan sa buhay mo lagi parin ako andito pag umiiyak ka. Lagi kitang babantayan. Pangako.'





I held her hand and placed it on my heart.





“you are so close to me. Pero bakit feeling ko napakalayo mo parin saakin? ”





I touched her face





“Kryzel, kelan ba kita maabot? ”





[Naomi’s POV]





“hop-in babes! Tara na at mag mall! ”





“yes babes =____=” sagot ko sa kanya





Pumasok na ko sa loob ng kotse ni Stephen na naka simangot.





Nakakayamot talaga siya. Sobra =____=





Alam niyo ba ang gusto niyang ipagawa saakin para mapatawad niya ko sa kasalanang hindi ko alam?





Gusto niyang mamasyal kami sa Mall ngayon na parang isang bagong kasal na couples at kailangan na tatawagin ko siyang ‘babes’ ngayong araw.





Ang dali lang ng hinihiling niya no?





Pero sino nga ba pinaguusapan natin? Si Stephen di ba? At pag si Stephen humiling, hindi lang basta, basta. Lalo na kung may manyak siyang isipan.





Sabi niya doon ako matutulog sa condo niya, at hanggang doon, magpapanggap parin kami na bagong kasal.

Tinawagan niya nga sina Kuya at may kung anong sinabi. Hindi ko talaga alam ang dinahilan ni Stephen pero napapayag niya sila.





Tokwa natatakot ako sa pinaplano niya. Bat ba pakiramdam ko may masamang mangyayari saakin ngayong araw na to? Grabe talaga.





God wag niyong hayaan na saniban ng espirito ng kamanyakan si Stephen mamayang gabi. Please maawa kayo sakin. Bata pa ko. Hindi pa ko ready. Ayoko pa magkaanak =____-Nung makarating kami ni Stephen sa mall, nag stroll lang kami habang magkahawak ng kamay.





“Tara babes punta tayo sa department store”





Nagpunta kami sa ladies section then nagtingin tingin naman ako ng mga shirts doon.

Na-miss ko na ang pagsusuot ng shirts. Simula kasi na nag sign ako sa contracts pinagbawalan na ko nina Yannie.



Kailangan daw maging fashionable. Miss ko narin ang eyeglass ko at ang rubber shoes pati narin ang mahabang skirt ng uniform ko.





I miss my boyish look. T__T





Tinigilan ko na ang pagtingin tingin ng mga shirts at hinanap si Stephen at nakita ko siyang tumitingin ng mga lingerie.





Don’t tell me plano niyang ipasuot sakin yan mamayang gabi? ! O______O





May lumapit sa kanya na sales lady.





“hi sir, para po ba sa mom niyo? ” tanong niya kay Stephen habang tinitignan ito ng malagkit na kulang na lang eh hubaran na niya si Stephen. With matching pakita pa ng cleaveage niya!





Ay tokwang sales lady to! ! ! ! Ang harot! !





Lumapit ako kay Stephen at pinulupot ko ang braso ko sa braso niya





“babes bigla kang nawawala! Kanina pa kita hinahanap” nag pout ako “para sakin ba yang lingerie nay an babes? Oww how sweet naman. Pero mas prefer ko ang Pj’s kasi lamigin ako eh” tinignan ko yung sales lady “newly wed couple kami. Ang gwapo ng asawa ko no? ”





Bigla naman nawala ang ngiti sa mukha nung maharot na sales lady.





“let’s go babes? ” hinila ko si Stephen doon sa mga Pj’s





Napansin ko naman na ang laki ng ngiti sa mukha niya“jealous much? ”





Hinampas ko siya sa braso “ang landi mo! ”





Tinawanan niya lang ako.





“don’t worry babes hindi naman ako nagpapadala doon sa mga panlaladi ng mga babae sakin kasi simula ng minahal kita, pinangako ko na sa sarili ko na ikaw na lang ang pwedeng lumandi saakin at pwede kong landiin”





I smirk “good. At least nagkakaunawaan tayo”





After naming mag stroll sa mall, kumain lang kami ni Stephen sa isang restaurant. Libre niya syempre, siya nagyaya eh.





“babes, order lang ng order ha? ”





“syempre! Libre eh! Magpapakabusog ako! ”





I ordered Cajun chicken and spice pasta, onion soup, citrus summer salad, Perfect ten for the drink, and mocha mudpie for dessert. Complete course meal. Nakita ko ang nanlulumong mukha ni Stephen.





Bwahahahaha libre niya eh. Tsaka gutom ako ngayon! Walang pakielamanan.





“hay naku babes, bat ba ang takaw mo? Ang dami mong inorder eh” sabi niya saakin habang naghihintay ng order namin.





“sus ikaw kaya nagsabi na order lang ako ng order” tumawa ako sa kanya





“pero basta kahit anong mangyari uubusin mo yung inorder mo ha? ”





“syempre no gutom ako eh! ”





“good. Wait babes punta lang ako sa comfort room” tumayo si Stephen ang nagpunta doon sa comfort room.





Napansin ko naman na sinusudan siya ng tingin nung mga babae sa katabi naming table.





“siya si Stephen Cruz di ba? ”





“grabe ang gwapo niya! ”





“oo nga eh! Makalaglag panty siya! Sobra”





“naku naging boyfriend ko yan for 1 day! ”





Napatingin yung tatlo doon sa isang babae “talaga naging boyfriend mo? ”





“yep and grabe sobrang galing niya humalik! Grabe niyang nainvade ang bibig ko eh! Parang drug yung halik niya, nakakaadik! ”





“owww ang swerte mo naman! ”





“syempre! ”





“yung girl siguro na kasama niya ang bagong gf niya”





“sus hindi naman kagandahan. Flat chested pa! pustahan mag bbreak agad sila! ”





“sure game, pusta ko after a day break na yan! ”





“ako by the end of this day ibbreak na siya ni Stephen! ”





“ako naman after nila kumain! ”





“pusta ko after ako makita ni Stephen ibbreak na siya”





Wow ha. Grabe mag chismisan! Talagang kailangan abot sa pandinig ko ang pinaguusapan nila? !





Onti na lang susugurin ko ang mga malalandi nay an. Onti na lang talaga at lalabas na ang pagiging amazona ko! !





Nakita kong pabalik na si Stephen sa table namin. Nung padaan na siya doon sa table nung mga malalanding babae bigla naman siyang hinarang nung isang babae na nagsabi na ibbreak agad ako ni Stephen right after siyang makita nito.





“hi handsome” malanding bati nung babae kay Stephen





AY TOKWA! INUUBOS NG BABAENG TO ANG PASENSYA KO! !





“hey, ditch that girl over there then come with us” tinuro niya yung mga malalanding babae “we will give you a night to remember” she winked at him





Grrrr nakakayamot sila! ! ! ! Makikita nila ang bangis ko! ! !





Patayo na sana ko para sugurin yung mga babae ng mapahinto ako dahil sa sinabi ni Stephen.





“sorry I cannot come with you. You see, yung girl na tinuturo niyo kanina is the only girl I want to spend my night with. Oh not just my night, but the rest of my life.”





Nagtawanan naman sila “Why Stephen got a new tactics. Mas nagiging sweet ka na ba sa mga nagiging girlfriend mo ngayon? ”





“Girlfriend? She’s my wife! Hindi niyo ba nabalitaan? The Casanova has fallen ”





Nilagpasan niya na yung table leaving them with their mouth hanging open.





Stephen, bat mo ba ko minahal ng ganito?





Condo Unit..





“babes! ! ! Matutulog na tayoooooo! ” nag bounce si Stephen sa kama sa at tumabi saakin habang niyayakap si Nam-nam





Napalunok ako. Juskooooooooo wag niyo ko hayaang mabutis please? >____<





“oy Stephen w-wag mong s-subukang g-gumawa n-ng k-kalokohan ha! ”





Nag evil grin siya saakin then pinatay niya ang ilaw.





“why babes? Di ba sabi mo gagawin mo ang lahat mapatawad lang kita? ”





“binabawi ko na. Sige na magalit ka na sakin! Wala na ko paki! ” =_____=





“sorry pero nasabi mo na bawal ng bawiin ”





Hinubad niya yung t-shirt niya. Bale naka pajama na lang siya though topless siya.





“S-stephen naman eh”





Nag evil grin ulit siya saakin then nahiga na siya sa tabi ko.





Bigla ako nakahinga ng maluwag.





“babes alam mo ba kung bakit ako nagtampo kanina? ”





“bakit nga ba? ”





“kasi nagseselos ako kay Drew”





Napatingin ako sa kanya bigla. Nagseselos siya kay Drew?





Well, hindi ko siya masisisi.





“alam mo ba Nami, pagka nakikita ko na kasama mo si Drew nasasaktan ako. Feeling ko kasi may gusto siya sayo eh. At feeling ko rin ang laki ng chance na magkagusto ka sa kanya.”





Hay Stephen, kung alam mo lang.





“ano ba yan! Hindi ako sanay ng ganito! Biruin mo ang playboy natuto magselos? ” he laughed softly the nagulat na lang ako ng bigla siyang pumatong sa harap ko then he pinned both of my arms on the bed





“O-oy S-stephen! A-ano gagawin mo? ! ”





“babes, tell me, what have you done to this Cassanova? Bakit ba patay na patay na ko sayo ha? ”





Sabi niya sakin ng seryosong seryoso





“S-stephen..”
< br>



Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Maraming beses na kong tinakot ng ganito ni Stephen pero hindi naman niya siguro itutuloy no? alam ko naman hindi niya talaga itutuloy pero grabe kinakabahan ako.





“Nami. Mahal kita, sobra” and with that, bigla na lang dumampi ang labi niya sa labi ko.





Nararamdaman kong gumagalaw ang lips and tounge niya but I refuse to give back the kiss. Tinuloy parin niya ang ginagawa niya and before I kew it, I am giving back the kiss.





His kisses was sweet and slow. Hindi nag mamadali. Parang ineejoy lang niya yung moment unlike nung unang beses niya kong hinalikan. Yung time na galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya kay Kryzel.





Yung halik na naging dahilan kung bakit ko pinirmahan ang contract.





Pero habang hinahalikan niya ako, may biglang pumasok sa isip ko.





8. Make him kiss you





Bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko.





Two more to go.





Makabalik lang si Yannie from Hongkong, I promise, kahit anong mangyari, mag qu-quit na ko.





Kahit ano pang dahilan niya.





Chapter 35


*The New Rence*





[Kryzel’s POV]





I whip my hair back and forth I whip my hair back and forth (just whip it) I whip my hair back and forth Napadilat ako bigla at kinapa kapa yung side table drawer ko para hanapin yung bwisit na maingay na bagay na yun na umiistorbo sa beauty sleep ko!





Tofu nasaan na ba? Bat wala? !





I whip my hair back and forth (whip it real good) I whip my hair back and forth I whip my hair back and forth I whip my hair back and forth I whip my hair back and forth





Gumulong ako sa kama at hinanap sa ilalim ng unan ko yung cellphone ko pero pagtingin ko hindi naman yun ang tumutunog.





Hop up out the bed turn my swag on. Aint no sense listining to them haters cuz we whip em off. And we aint doing nothing wrong. So dont tell me nothing, i'm just tryna have fun. So keep the party jumping Nagtakip ako ng unan sa tenga pero rinig na rinig ko parin yung bwisit na maingay na yun.





So whats up (yea) And i'll be doing what to do We turn our back And we walk over and just shake them off Shake them off, shake them off, shake them off





“ARRRRGGGHHHH! ! ! ”





Bumangon ako sa kama sabay kamot sa ulo na may magulong buhok. Sino ba yung hayop na nagpapatugtog na yun? !





Don't let haters keep me off my grind Keep my head up and I know i'll be fine Keep fighting until I (yea) Am down and I feel like giving up





“buti naman nagising ka na”





Halos mapatalon ako ng makita ko si Rence na nakasandal sa wall katabi ng pintuan ko at katapat ng kama ko habang may hawak hawak na cellphone kung saan nanggagaling yung tugtog.





Tsaka ko lang naalala na nandito pala ko sa mansion nila.





Pinatay niya yung tugtog sa cellphone niya and tinignan ako ng seryoso “maligo ka na at bumaba. Kakain na ng breakfast”





Napatingin ako sa orasan.





8am? !





“R-rence, wala naman tayo pasok ngayon. Founder’s day daw. Bat ang aga? ”





Gusto ko pa matulog =___=





“ganito akong oras kumakain ng breakfast”





“ah, hehe sige sa bistro na lang ako kakain”





Nahiga ulit ako at nagtaklob ng unan.





Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko. Malamang si Rence. Bahala siya diyan! Inaantok pa ko! Tsaka kahapon pa siya ang sungit sungit! Kala mo babaeng mag memenopause eh!





My mama told me when I was young, we are all born superstars. She rolled my hair and put my lipstick on in the glass of her boudoir.





“waaaaaaaaaaaaaaa ah! ! ! ”





Bumangon ulit ako and nakita kong nakatapat sa tenga ko yung phone niya habang nakangiti siya ng nakakaloko.





“bumangon ka na! ”





“ayaw! ”





“hindi ka babangon? ! ” nakita kong naging seryoso ang mukha niya “get up” he told me in a voice full of authority.





Tofu nakakatakot siya O____O





“a-ayoko! ” pagmamatigas ko.





“ayaw mo? ”





“o-oo! ” nagtalukbong ulit ako ng kumot. Bat nga ba ko nakikipag matigasan sa kanya?





Hindi ako sanay na inaaway niya ko. >_____<





“sabi mo yan ha”





Naramdaman kong sumampa siya sa kama then bigla niyang inalis yung kumot na nakatalukbong saakin at nakita ko na lang siya na nasa ibabaw ko.





“Oy umalis k-ka diyan! ! ”





“why? This is my house. This bed is my property. This pillow..” kinuha niya yung unan na yakap yakap ko tsaka inihagis kung saan “..is mine” he smirked “wala kang karapatan na utusan ako sa loob ng pamamahay ko”





Makapigil hininga ako habang nakatingin sa kanya. Tofu bat ba siya nagkaganyan? ! Baka mamaya hindi na to si Rence eh! Baka ang tunay na Rence ay kinidnap na ng mga alien.





Ibalik niyo ang tunay na Rence! T___T





“R-rence, p-pwede ka bang umalis diyan, please? ” sabi ko sa kanya wit matching puppy eyes





“no” he told me seriously





Bigla siyang gumapang papalapit saakin habang ako naman umuusog papalayo sakanya hanggang sa nakasandal na ko sa headboard nung kama.





Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko “naalala mo ba Kryzel? Nung unang gabi tayong nagkausap? ”





“h-ha? A-anong ibig mong s-sabihin? ”





“yung lasing ka” he smirked





Napalunok ako bigla. PAANO KO MAKAKALIMUTAN? !





“R-rence..”




“yung pagkagising mo ng umaga nandoon ka na sa condo ko at naka under garments na lang” mas lalong lumawak yung ngiti niya.





“A-ano ang pinag sasasabi mo” nanginginig ang buo kong katawan kay Rence.





Bat ba kailangan niya pa ipaalala ang bagay na ayoko nang alalahanin >__<





“oh wala ka ba maalala? ” mas nilapit niya ang mukha saakin and an evil grin formed in his face “gusto mo ipaalala ko sayo? ” he whispered on my ears which made me shiver





“b-babangon na ko! K-kakain na t-tayo ng breakfast! ”





Lumayo na siya saakin “good. Dapat ka pa kasing tinatakot eh”





Tuluyan na siyang lumabas ng room ko habang ako naman hinahabol parin ang hininga ko.





Ano bang nangyari kay Rence at nagkaganyan na siya? !





Mukhang hindi ko ata kakayanin ang isang buwan na pamamalagi ko dito sa bahay nila eh. T___T





[Yannie’s POV]





“YANNIEEEEEEEEEEEEEEE EEEEEEEEEEE! ! ! ! ! ! ! ! ! ! ”





Biglang may dumamba saakin at ipinulupot ang braso sa leeg ko habang nagtatatalon





“F-fransisco Juan! Ano ba! Hindi ako makahinga! ”





“grabe-eyams ka girl! ! ! Namiss kita ng bonggacious! Akala ko six feet underground ka na! ! ! I’m so happy buhay ka pa! ! huhuhuhuhu! ”





Inalis ko yung braso ni France na nakapulupot sa leeg ko “grabe-eyams ka din bakla ha! Kung makapag react ka akala mo sumugod ako sa madugong digmaan! Isinama lang naman ako ni mama na magbakasyon sa hongkong! Gusto daw niya kasi makita si mickey mouse! ”





“eh kasi naman bakla! Hindi ka man lang nakikipag communicate no! ”





“bakit miss mo ko? Hoy bakla, baka mamaya niyan nagbabalatkayong bakla ka lang pero the truth is inlababo ka saakin! ”





“ay girl! Asa ka pa no! Paano kita magugustuhan eh di hamak na mas lamang ang beauty ko sayo! ” biglang irap pataas





Tinawanan ko na lang siya. Sige na pagbigyan na ang bakla!





“oy France may sasabihin ako sayo”





“ano naman yun? Tungkol ba sa..? ” bigla siyang napatakip ng bibig “Waaaah! Don’t tell me..? !

waaaaah! O___O”





Binatukan ko





“aray naman! bat mo ko binatukan? ! Ang brain cells ko! ”





“eh kung makapag react ka wagas eh! Hindi yun tungkol doon! Tungkol to ….samin ni Nico” [/i]





Biglang lumawak ang ngiti sa mga labi ni France





“ayieeeeeeeeee ano ang tungkol sa inyo ni Nico ha? ”





“k-kami na” sabi ko sa kanya na medyo nahihiya hiya.





“HUWAAAAAAAAAAAAAAA? ! Kayo na? ! oh my gosh oh my gosh! ! ! ! I’m so kilig! ! ! Waaaaaaaaaaaaah kelan pa? kelan pa? ! ”





“bago ko umalis”





“ay gulay! Ilang linggo na palang kayo hindi mo manlang ako ininform! I’m so sad! ! ”





“bruha! Pero, alam mo parang nagsisisi ako. Kasi yung kay Naom—“





“no! anong nagsisisi? ! Kailangan mo ding sumaya no! atsaka- -“





“YANNIE! ! ! ! ! ! ! ! ”





Halos mapatalon kami ni France sa upuan nung makita namin si Naomi na pumasok ng headquarters.





“N-naomi”





“Yannie! ” bigla niyang inilapag yung notebook kung saan nakasulat yung contract sa lamesa “I’m quitting”





“ha? Pero bakit? ! ” tanong ko sa kanya





“hindi ko na kayang saktan si Stephen! Kahit ano pang dahilan mo ayoko na! ”





“Naomi, hindi mo alam ang ginagawa mo swear! ” sabi ni France kay Naomi





“OO! Kasi ayaw niyong ipaalam dalawa! ”





Pareho kaming natahimik ni France.





Sabi na, dadating at dadating din ang panahon na to.





“ok” huminga ako ng malalim “I will tell you everything. But afterwards kailangan mong mag decide kung tutuloy ka pa ba o hindi”





Chapter 36


*tears*





[Nao mi’s POV]





“I will tell you everything. But afterwards kailangan mong mag decide kung tutuloy ka pa ba o hindi”





Tumingin ako sa mga mata ni Yannie and ewan ko, sa hindi ko malamang dahilan, bigla na lang ako kinabahan.





Pumunta ako dito ng buo ang loob sa gusto kong mangyari. Pero bat ganito? Bakit parang kinakabahan ako?





Pero alam ko kailangan kong malaman ang lahat.





“y-yes. Sabihin mo sakin ang lahat Yannie, I need to know”





Huminga ulit ng malalim si Yannie “Naomi, nasabi na ba sayo ni Stephen ang totoong dahilan kung bakit siya naging playboy? ”





“h-ha? Dahilan? ”





“7 years old iniwan siya ng mommy niya at sumama sa ibang lalaki”





“h-ha? Pero sabi ni Stephen patay na ang mama niya! ”





“Naomi, malaki ang galit ni Stephen sa mom niya, sobra. Simula ng iwan sila nito, walang ibang ginawa ang dad ni Stephen kung hindi mag uwi ng mga babae sa bahay nila. Kitang kita ni Stephen lahat ng ginagawa ng dad niya sa mga babaeng inuuwi nito. Hindi niya pa naiintindihan lahat ng bagay ng yun nung mga panahon na yun kaya takot na takot siya. Pero kahit gaano kalakas ang pagiyak niya, walang lumalapit sa kanya para patahanin siya. Lumaki siya ng hindi nakaramdam ng kalinga ng mga magulang kaya malayo din siya sa dad niya. Lumaki siya ng puro galit sa mga babae ang laman ng puso niya.”





Napaupo ako bigla sa upuan katapat ni Yannie. Biglang kumirot ang puso ko.





Hindi ko alam na may ganitong pinagdaanan si Stephen. Yung mga ngiti niya, parang ang saya saya palagi. But still, behind those bright smile is a painful past.





“n-nasan ang mom ni Stephen? ”





Biglang iniwas ni Yannie ang tingin niya sakin “y-yung mom niya? H-hindi ko alam. Walang balita ”





Ang mom ni Stephen. Siya pala ang dahilan kung bakit nagkaganon si Stephen. Nakaramdam ako ng galit bigla sa kanya. NAPAKA IRESPONSABLENG MAGULANG. Matapos sumama sa ibang lalaki ni hindi manlang niya nagawang kamustahin ang anak niya kung buhay pa to? ! May mga magulang pa palang nabubuhay ng ganito sa mundo? !





And ako? Ganun din ang gagawin ko kay Stephen. Ang iwan siya at mas saktan siya.





Hindi ko na kaya…





“Yannie, alam mong may ganoong nakaraan si Stephen pero bakit mo to nagawa? ! Bakit kailangan mong dagdagan ang sakit na nararamdaman niya ha? ! ”





“Stephen’s life is in danger Naomi”





“h-ha? Anong ibig mong sabihin? ”





“May mga naging girlfriend si Stephen na mga anak ng mafia group. Walang idea dito si Stephen. But they are plotting a plan to kill him”





Napatakip ako sa bibig ko “n-no. You are lying! H-HINDI TOTOO YAN! ”





“Naomi, totoo lahat to. Na-trace ko sila. Member sila ng club na to and kilala mo sila.”





“Si Mitchell, Danica at Clarisse” sabi ni France saakin.





Sila? Yung tatlong babaeng lagi kong nakakausap dito sa club? Imposible!





“baka naman nagkakamali kayo! Mababait naman sila ah? ! Imposible! Wag niyo ko pinaglololoko.”





“totoo yun Naomi, maniwala ka samin! Napigilan ko silang gawin ang balak nila and ayun ay dahil sa contract. Ginawa ko tong contract para mailigtas si Stephen. Sinabi ko sa kanila na mas makakapaghiganti sila kung magagawa nilang iparanas kay Stephen ang mga pinaranas nito sa kanila. They agree. Gumawa sila ng contract na hindi nila gagalawin si Stephen basta makakahanap ako ng taong makakasakit dito. But of course, may iba pa kong plano. Dapat yung taong gagawa ng steps sa contract ay mahuolg din kay Stephen para pag dumating na ang time na kailangan na niyang saktan to, ipapaliwanag ko kay Stephen ang lahat lahat.” Tinignan ako ni Yannie diretso sa mga mata “at sasabihin kong totoo lahat ng pinakita nung babaeng yun sa kanya. At mahal na mahal siya nung babaeng yun”





Bigla na lang tumulo ang luha ko





“kaso nag fail kami sa part na yun. Dahil may ibang mahal yung babae”





“b-bakit ako Yannie? Sa dami dami ng babae bakit ako pa? ”





“dahil dati pa lang alam kong ikaw lang ang taong makakapagpatibok ng puso ni Stephen”





“h-ha? ” tanong ko sa kanya habang patuloy parin sa pagbagsak ang mga luha ko





“Simula highschool pa lang kayo mahal ka na niya Naomi. Nung una akala ko naiinis lang siya sayo kasi kahit anong gawin niyang pa cute hindi mo siya napapansin. Pero nung nakita ko kung paano siya tumingin sayo, Naomi alam ko mahal ka niya.”





“i-imposible. Ni hindi nga kami naguusap ni Stephen nung highschool kami”





“Naomi, ako ang madalas makasama ni Stephen noon kaya alam ko lahat! Mahal ka niya! Kahit siya hindi niya pa maidentify sa sarili niya yun pero Naomi mahal ka niya! Mahal na mahal! ”





Napahagulgol na ko ng iyak. Niyakap naman ako bigla ni France.





Masyado akong madaming nalaman ngayon. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman at kung ano ang dapat kong gawin.





Mali nga pala talaga at inalam ko pa lahat ng to. Mas maganda nga siguro kung wala na lang akong nalaman.





Ang sakit, sobra.





“Naomi, it’s up to you. Tutuloy ka pa ba o hindi na? ”





Humiwalay ako sa pagkakayakap k okay France. I tried to calm myself then huminga ako ng malalim.





Tumayo ako at kinuha ko yung notebook na pinagsusulatan nung contract





“I will save Stephen no matter what” sabi ko sa kanila at tuluyan na kong lumabas ng room.





[Yannie’s POV]





The moment na lumabas si Naomi sa room, bigla na lang din ako nanlabot.





“France, nasasaktan ako sa nangyayari sa kanilang dalawa. Kung pwede ko lang silang protektahan sa lahat ng sakit na pwede nilang maramdaman ginawa ko na ”





“sister, kahit si superman hindi kayang protektahan ang mga tao sa pain. Ikaw pa kaya? Pero bakit hindi mo sinabi kay Naomi ang totoo about sa mom ni Stephen? ”





“hindi ko na makakayanan pang mas saktan si Naomi. Isa pa wala na ako sa tamang lugar para sabihin yun.

Siguro sa ngayon mas magandang hindi muna nila alam ang tungkol doon. Na ang mom ni Stephen at stepmom ni Naomi ay iisa.”





Bigla na lang bumukas yung pinto kaya pareho kaming nagulat ni France.





Lalo na nung makita namin kung sino ang mga to.





Yung tatlong babaeng gustong pumatay kay Stephen.





“ang mom ni Stephen at step-mom ni Naomi ay iisa? ” tanong ni Mitchell





“mali ka ng dinig” palusot ko naman





“girl, we heard it clearly” – Danica





Napangiti si Clarisse “that’ll be exciting. Ano kaya mararamdaman ni Stephen pag nalaman niya lahat ng yun”





“leave those two alone! ! Malapit na matapos ni Naomi ang contract! Ano pa ba gusto niyo ha? ! ”





“ang mas maghirap si Stephen! ! ” – Mitchelle





“Yannie kung ako sayo kilalanin mo ang kinakalaban mo baka mamaya matapos agad ang buhay mo”





Lumabas na yung tatlong babae.





God, nalaman nila.





Mas lalo na kong natatakot sa pwede nilang magawa.





[Naomi’s POV]





The moment na lumabas ako ng school, bigla na lang bumuhos ang ulan.





Dati inis na inis ako kada umuulan ng malakas lalo na kung pauwi na ko. Pero ngayon grabe ko itong naappreciate.





Naglakad ako sa gitna ng ulan at hindi manlang sinubukan na sumilong o magpayong. Habang naglalakad ako tuloy tuloy ang patak ng luha sa mata ko.





Stephen, Stephen, Stephen…





Paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko ang pangalan niya.





Si Stephen, ang sakit ng naging nakaraan niya. Si Stephen nasa panganib.





Si Stephen, mahal ako, dati pa.





Bakit nangyayari to? Bakit? Tama ba naging desisyon ko? Tama bang saktan ko ulit siya para lang mabuhay siya?





Di ba pag ginawa ko yun para ko narin siyang pinatay?





At si Drew. Masasaktan ko din si Drew dahil sa naging desisyon ko.





Ang kumplikado ng sitwasyon. Nahihirapan ako. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.





Huminto ako sa isang park atsaka tumingin sa langit habang tumatama ang malalaking patak ng ulan sa mukha ko.





Gusto kong magwala ngayon at sumigaw ng sumigaw hanggang sa maubos ang lboses ko. Nasasaktan ako kada maiisip ko lahat ng magiging epekto nitong gagawin ko.





Wala na ba talagang ibang paraan?





Pwede bang ako na lang ang patayin nila? Iniisip ko pa lang ang pwedeng mangyari pero parang hindi ko na kinakaya.





Nagulat ako ng biglang may nagtapat ng payong saakin. Nung lumingon ako, nakita ko si Stephen na seryosong nakatingin saakin.





“Nami ano bang tumatakbo sa isip mo at nagpapaulan ka ha? ! ”





Instead na sagutin ko siya, bigla na lang ako napayakap ng mahigpit kay Stephen sabay hagulgol sa kanya.





“N-nami? Anong problema? Bat ka umiiyak? ”





Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Stephen. Gusto kong mag stay ng ganito. Gusto kong yakapin na lang siya para hindi na siya masaktan.





Para hindi ko na siya masaktan.





Kung pwede lang tumigil ang oras eh.





“Nami? ”





“S-stephen, hayaan mo lang ako” I told him between my sobs Bigla naman humiwalay si Stephen sa pagkakayakap ko.





“Nami, please sabihin mo saakin ang problema”





Umiling ako.





“hindi mo ba alam na nasasaktan ako ngayon dahil nakikita kitang umiiyak? ” humawak siya sa chest niya “parang sasabog ang puso ko sa sakit. Nami… ayokong nasasaktan ka..”





Tinignan niya ako sa mata and unti-unti niyang inilapit ang mukha niya saakin hanggang sa magdampi ang mga labi namin.





Mas lalo akong naiyak.





Stephen, bat mo ba ko minahal ng husto?





Chapter 37


*new feelings*





[Kryzel’s POV]





*BRRRGGGGGGGGG*




Napataklob ako sa kumot ko. Tofu naman natatakot na ko to the highest level. Ayoko na! I want my mom T___T





Bakit kasi kailangan bumagyo sa gabi eh. With matching kidlat at kulog pa.





Bata na kung bata pero talagang takot ako sa kulog at kidlat. Nagka trauma na kasi ako dati nung grade six ako.

Meron kaming camping noon then merong pinagawang activity saamin na treasure hunt. Dahil nasa gubat kami, naligaw kami ng mga kasamahan ko at sa kamalas malasan, umulan pa nun ng malakas. Naghanap kami ng punong masisilungan nun. Kaso walang effect, pare-pareho din kaming basa sa ulan. Kitang kita pa namin na tinamaan ng malakas na kidlat yung puno sa harap namin. Simula nun sinusumpa ko na ang mga panahong bumabagyo, lalo na kung may kulog at kidlat pa.





Pag ganitong panahon, madalas akong sumingit sa room nina mom at dad then yayakapin ko sila ng mahigpit na mahigpit hanggang sa makatulog ako. Malapit talaga ako sa parents ko kasi only child lang ako, though hindi naman ako spoiled.





*sigh*





I miss my mom and dad. Bakit kasi pinatapon nila ko ng isang buwan kila Rence eh. Ngayon pa nila naisipang mag second honeymoon. T___T





*BROOOOOGGGGMMM*





Ay pusang gala! !





Napataklob ulit ako ng kumot. I’m so scared, I think I’m gonna die. >____< Bigla ulit kumulog at kumidlat kaya napayakap ako sa unan ko. Tofung bata naman oh! Tofu tofu tofu.





♫ ♪ Move your body out on the floor

Put your troubles aside and start living ♫ ♪





Napabangon ako bigla nung marinig ko yung music na nanggagaling doon sa kabilang room. Oo nga pala si Rence yung nag o-occupy doon sa room katapat nitong room ko.





♫ ♪ Anybody, can't let go

Throw away all your problems 'cause right now it's party time ♫ ♪





Tumayo ako then lumabas sa room ko at sinilip ko siya. Nakita ko naman siyang nag papractice ng flairing doon.





♫ ♪ Girl, don't feel outta place

'Cause I, I'm in love with this feelin' now, now, ah ♫ ♪





Uhmm kung kumatok kaya ako? Tutal sabi naman niya pumunta ako dito if may kailangan ako eh.





♫ ♪ Hope that this will last a while

We should make it last a while ♫ ♪





Pero may kailangan ba ko sa kanya ngayon? Ano naman yun?





♫ ♪ You like to drink, so do we

Get my bottles, bring 'um to me

Hold your glasses up, people everywhere

Now everybody put your hands in the air ♫ ♪





Err natatakot ako kasi kumikidlat, at kailangan ko ng…





…kayakap matulog?





Waaaaaaaaaaaaaaaaaaah erase erase erase! Tamaan na ko ng kidlat pero never akong yayakap sa alien na si Rence. Oo alien, kasi ang tunay na Rence ay kinidnap ng mga alien at dinala sa Jupiter. Etong Rence na to ay isang FAKE! Hindi siya yung dating Rence na nakilala ko! !





Aggressive siya, masungit, tahimik, suplado at aburido sa buhay.





Pero kahit saang anggulo ko siya tignan, lalo na ngayong nag fflair siya… uhmmm ang gwapo pala niya. O///O





♫ ♪ Yeah, yeah, yeah, girl, I wanna, yeah, yeah, yeah I wanna see you tonight, ooh, yeah

Yeah, yeah, yeah, girl, I gotta, yeah, yeah, yeah ♫ ♪





Nakita kong huminto sa pag fflair si Rence at pinatay yung music then tinanggal niya yung shirt niya.





Oh gulay, the abs, the abs! ! O///O





Ang sexy ng katawan niya! Parang ang sarap hawakan nung abs niya? O///O





Waaaaaaaaaaaaaaaaaaa h! ! Ano ba kryzel! Get hold of yourself! Tantanan mo ang kamanyakan diyan sa isip mo! ! !





Tumalikod na ko at ready nang bumalik sa kwarto ko para kaharapin ulit ang mga pagsubok na binibigay saakin ng kulog at kidlat kaso bigla naman nag salita si Rence.





“bat mo ko pinapanood? ”





Lumingon ulit ako sa kanya “h-ha? ah, uhmm w-wala.. wala naman. S-sige goodnight”





Tinalikuran ko na ulit siya kaso bigla naman niya akong hinila papasok sa room niya at kinandado yung pinto.





“ah R-r-rence? B-b-bakit? ”





Lumapit siya saakin at tinignan ako ng seryoso.





Ulp.. ano na naman to ha? N-naman eh! B-bat ang hilig niya kong ginaganito? !





Bigla bigla na lang niya ako binuhat at inilapag sa kama niya.





“R-rence.. b-bata pa ko >____<”





Bigla siyang napangiti “bata ka pa? eh ginawa na nga natin dati to eh! ”





Ay gurabeeee sige ipaalala niya! Ipaalala niya pa yung bagay na pinaka ayokong maalala! ! ! O///O





Pero teka ibig sabihin may nangyari nga talaga saamin? Ibig sabihin hindi na ko..?





WAAAAAAAAAAAAAAAAH AYOKO! AYOKO! HINDI KO MATATANGGAP TO! BRING MY VIRGINITY BACK!

AYOKO! HINDI MAARI! HINDI PWEDE T___T





“oh bat ganyan ang reaction mo? Don’t tell me hindi mo alam yung nangyari saating dalawa dati? ” sabi ni Rence saakin.





Hindi ko alam kung anon g itsura ng pagmumukha ko. Basta ang alam ko ay ang init init ng mukha ko at gusto kong sapukin ang gwapong alien sa harap ko! =_____=





Bigla naman siya gumulong sa side ng kama at nahiga sa tabi ko sabay hinawakan ang kamay ko.





“I’m only joking. Wala talagang nangyari satin. Wala akong ginawang masama sayo”





Napatingin ako sa kanya “p-pero b-bat naka under garments na lang ako nun? ”





“tinawag ko yung babaeng housekeepr para alisan ka ng damit kasi basa ng pawis. Don’t worry I didn’t see a thing. Bakit disappointed ka? ” he smirk





“h-ha? ! excuse me hindi no! ! ”





Lokong to! Walangya! Ako pa disappointed samantalang siya nga tong may lihim na pagnanasa saakin? ! Kapal ah!





Pero wala talagang nangyari saamin? Sayang! Pwede take two?





JOKE LANG! Mahal ko virginity ko!





“you can sleep here” he whispered





“h-ha? ”





“alam ko naman na takot ka sa kidlat at kulog eh” hinila niya ako papalapit sa kanya tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.





He placed my head on his chest kaya amoy na amoy ko yung pabango niya. Tanaw na tanaw ko din yung abs niya.





Nakaka-akit! !





“R-rence? Bakit ba ang dami dami mong alam tungkol saakin? ” tanong ko sa kanya.





Nakakapagtaka kasi eh. Parang mataggal na niya akong kilala.





“mahal kasi kita”





Parang halos lumundag yung puso ko sa sinabi niya “b-bakit ako? ”





“bakit hindi ikaw? ”





“p-pero..”




“pero ano Kryzel? Si Stephen ang mahal mo? Hindi mo kayang mahalin ang tulad ko? Na kahit kelan hindi mo na magagawang lumingon saakin? Alam ko naman yun eh at hindi ako humihiling na mahalin mo rin ako.

Pero sana Kryzel..” mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya saakin “…sana, hayaan mong mahalin kita. Ito manlang Kryzel wag mo nang ipagdamot pa saakin ”





Hindi ko alam kung bakit pero halos gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi ni Rence.





Nasasaktan akong isipin na may isang taong nahihirapan ng dahil saakin.





Gustong gusto ko siyang yakapin ng mahigpit katulad ng pagyakap na ginagawa niya saakin ngayon pero hindi ko maigalaw ang katawan ko.





Sana si Rence na lang ang minahal ko, hindi si Stephen.





[Naomi’s POV]





“babes, maluluto na ang dinner natin ha? wait ka lang diyan” Stephen told me habang ang lawak lawak ng ngiti sa labi niya.





Naiuwi na naman kasi ako sa condo niya. Sobrang lakas ng ulan and it’s beyond impossible na makauwi ako sa bagyong to kaya no choice ako kung hindi mag stay na naman dito. Dalawang gabi na ko natutulog dito, miss na miss ko na ang room ko.





Kinausap na naman ni Stephen sila papa, and ewan ko ba pumayag na naman sila. Ano bang sinasabi o pinapakain ni Stephen kay papa at sa mga kapatid ko at napapapayag niya ng ganun ganun na lang? samantalang ako mag oovernight lang kila Kryzel kailangan ko pang magpa misa payagan lang nila ko. =______=





Ganyan kasarap ang maging nagiisang babae sa bahay. Bunso pa. I miss mama anne T___T





Tinignan ko ulit si Stephen na kasalukuyang busy sa pagluluto. I am very much aware na magaling siya magluto.

Every lab kasi namin, lagi na lang napupuri ng mga professors ang luto niya at the same time isinasali din siya sa mga competitions. Napakalaki siguro ng chance niyang maging successful.





Pero isang pagkakamali ko lang mawawala lahat ng yun. Isang maling desisyon kukunin nila si Stephen saamin.....

. saakin.





Yun ang hindi ko kayang mangyari.





Pero bat kailangan pang humantong sa point na kailangan ko siyang saktan?





Mula dati, nung mga highschool pa lang kami, ako na ang laman ng puso niya. Kung tutuusin pala matagal ko ng napaibig ang cassanova na to.





Kahit walang makeover, kahit mukha akong tibong nerd, kahit hindi ko pa siya nakakausap nor pinapansin...





.... minahal niya na ko.





Naramdaman kong parang tutulo ulit ang luha ko pero pinigilan ko. Ayokong makita na naman ako ni Stephen na uumiiyak.





Narinig kong nag ring yung phone ko then chineck ko kung sino tumatawag.





Calling..
Yannie..





Tumingin ako kay Stephen “uhmm Stephen wait lang ha? sasagutin ko lang yung phone ko”





“sure babes, pagkabalik mo ready na ang dinner ” he winked at me I smiled at him then medyo lumayo layo ako tsaka ko sinagot yung phone.





“Y-yannie, bakit? ”





“Naomi, nasan ka ngayon? ”





“nandito ako sa condo ni Stephen”





Narinig kong huminga siya ng malalim “Naomi, sorry ha? sorry sa lahat”





“no, you don’t have to say sorry dahil naiintindihan ko kung bakit mo ginawa yun”





“salamat Naomi, salamat talaga. And sorry sorry. Naomi, please be careful. Binabantayan nila ang bawat



galaw niyo. Lalo na si Stephen. It is better na walang alam si Stephen tungkol dito”





“pero Yannie hindi ba mas ok na sabihin natin sa kanya? Para mas hindi na siya masaktan.”





“Naomi, pag sinabi mo sa kanya, itatanong niya sayo kung totoong mahal mo siya. At pag sinabi mong hindi,

maniwala ka, siya pa ang mag rerequest sa kanila na patayin siya”





Nanahimik ako.





May point siya.





“w-wala na bang ibang paraan para hindi ko siya masaktan? ” mangiyak-ngiyak kong tanong kay Yannie.





“ikaw lang ang makakasagot diyan Naomi. Ikaw lang. Pero please, sundin mo kung ano ang tinitibok ng puso

ko. Kung pipilitin mong mahalin si Stephen ng dahil dito, wag mo ng ituloy dahil mas lalo mo siyang

masasaktan”





Bumagsak ang luha ko.





Sa sinabi ni Yannie, parang wala na talagang paraan para maiwasan na to.





After namin magusap, bumalik na ko sa kitchen and nakita kong patapos ng magluto si Stephen.





“babes, halika tikman mo to” sinubuan niya ako nung niluluto niya “what can you say? ”





“ang sarap! Sige ikaw na talaga ang the best! ”





“syempre full of love yang luto ko ”





Napatitig ako sa kanya then I hugged him





“uh b-babes? B-bakit? ”





“wala lang. gusto lang kitang yakapin”





Naramdaman kong niyakap din niya ko “Nami, alam mo ba ang saya saya ko talaga. Madaming nagsasabi na ang hirap magmahal kasi masasaktan ka lang. pero bat ganito? Puro saya ang nararamdaman ko? ”





Stephen… kung alam mo lang, malapit mo nang maranasan ang sakit na sinasabi nila.





At sana pag dumating ang araw na yun magawa mo pa kong patawarin.





Kinabukasan maaga akong umalis sa condo ni Stephen para umuwi at makapagpalit ng school uniform. Inihatid naman niya ako saamin.





“Stephen, salamat sa paghatid. See you sa school mamaya”





“see you babes ” nag bend siya saakin then he gave me a quick kiss “I love you” nag wave siya saakin then tuluyan ng umalis.





Napahawak naman ako sa mga labi kong hinalikan niya.





Halik pa lang niya ramdam na ramdam ko na kung gaano niya ako kamahal. Mas lalo akong nahihirapang isipin kung ano ang mararamdaman niya.





*sigh*




I was about to open our gate ng biglang may humatak ng braso ko. Tinignan ko kung sino.





“Drew? ”





“Naomi”



< br>
Nagulat ako sa expression ng mukha niya. Seryosong seryoso.





Wait, nakita niya kaya yung hinalikan ako ni Stephen? O__O





“D-drew..”





“Naomi, isang tanong isang sagot, mahal mo pa ba ko? ” tanong niya saakin. Halatang halata ko sa tono ng boses niya na nasasaktan siya.





“m-mahal kita Drew, alam mo yan! ”





“then prove it to me! Hiwalayan mo si Stephen! Mag quit ka na sa contract! ”





Chapter 38


*His Feelings*





[Drew’s POV]





[A/N: first time magkaka POV si Drew! *tears of joy*]





“good morning Naomi. Wala lang, miss lang kita. Walang pasok ngayon eh. I love you”





I send the message to Naomi then tinago ko yung phone ko. It’s Tuesday morning but considered as holiday ang araw na to saamin kasi Founder’s day ngayon and lahat sila nag out of town to celebrate. Kaya pati ang mga estudyante, nag ce-celebrate sa pagtulog hanggang 12 ng tanghali.





Pero ako maagang gumising para pumunta sa school at mag training.





By 8 am nakarating na ko sa school and mukhang wala pa yung mga kateam mates ko at ako pa lang ang unang dumating.





Kahit kelan talaga ang mga yun pasaway.





Nag punta ko sa locker room para ilagay yung bag ko then nag start na kong mag warm up para naman hindi ako mainip ng kakahintay sa kanila.





After kong mag warm up, mga hindi pa din dumadating ang masisipag na team mates ko kaya naman nag start na kong mag laro. Puro lay-up shots lang ang ginagawa ko.





*BOOOGSH*


< br>

Napahinto ako bigla ng may narinig akong kalabog na nanggagaling doon sa locker room. Nakita ko sa floor yung trashcan na nakahiga at may mga kamay na nagtayo nito.





May tao?





Baka yung mga team mates ko na, pero bakit hindi ko naman sila nakitang pumasok?





Hindi kaya magnanakaw? !





Agad akong napatakbo doon sa may locker room





“sino yan? ! ”





Pinasok ko ito at may nakita akong babae doon na natatarantang ligpitin yung mga tumapon na basura.





“Jeanell? ”





Inangat niya yung ulo niya pero agad din niyang iniwas ang tingin niya.





“uhm, s-sorry ” sabi niya saakin then tinalikuran niya na ko.





“Wait! ! ” I grab her arms “kanina ka pa dito? Gusto mong manuod saakin? ”





Tumango lang siya but I saw her smile.





Sabay kaming lumabas ng locker room and pumunta sa basketball court. Naupo siya sa may bleachers and ako naman nag start na ulit mag practice.





Ganito kami madalas ni Jeanell. Lagi niya akong pinapanood dati. Yun nga lang dati, may kasaman cheer, ngayon she’s trying her best to avoid my gaze.





Eversince that day, hindi na naging normal ang friendship namin.





Eversince inamin niya saakin na mahal niya ko.





I know, I have to turn her down because hinihintay ko si Naomi. Mahal ko talaga si Naomi and alam kong handang handa akong maghintay sa kanya. Kahit maraming beses na akong nasasaktan.





“bakit siya pa ang minahal mo? Bakit hindi ako? Bakit kahit nasasaktan ka na patuloy mo parin siyang

minamahal? Bakit ka pa naghihintay kahit nakikita mong Masaya siya kasama si Stephen? Bakit Drew?

Bakit? ”





Ayan ang mga sinabi saakin ni Jeanell nung araw na pinagtapat niya ang nararamdaman niya. Sa totoo lang, tagustagusan ang mga salitang yun saakin. Tama ang sinabi niya. Nagpapakatanga talaga ako. Pero patuloy parin ako sa paghihintay





…dahil mahal na mahal ko si Naomi.





Napahinto ako sa pag shoot ng bola then tinignan ko si Jeanell. Agad naman nitong iniwas yung tingin niya saakin.





Jeanell is a very beautiful lady. Hindi lang siya maganda, mabait at matalino pa. Every man’s dream kung baga.

She’s been my friend eversince freshman. Member siya ng pep squad like Kryzel. And to tell you the truth, siya lang ang nagiisang taong napagkakatiwalaan ko ng lahat, maging ang mga nararamdaman kong hindi ko maipakita sa ibang tao. Lagi siyang nandiyan sa tabi ko at handang makinig. Siguro kung wala si Jeanell, tuluyan na kong nabaliw sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Jeanell is like my guardian angel who always there to wipe my tears away.





But in the end, I end up hurting her.





Mahirap para saakin na hindi maibalik ang nararamdaman niya pero hindi ko rin naman magawang pilitin ang sarili ko na magustuhan siya. Alam kong pareho lang kaming masasaktan lalo na ngayon na si Naomi lang ang babaeng nagpapatibok ng puso ko.





“Jeanell”


< br>

“b-bakit? ” sagot niya saakin without looking at my gaze





“sorry”




“para saan? ”



“kasi—“





“ —kasi hindi mo ko mahal? ” inangat niya ang ulo niya then she looked me in the eye “kasi hanggang ngayon si Naomi parin ang nasa puso mo? Kahit nasasaktan ka, kahit unti-unti kang namamatay sa sakit? No Drew, you don’t have to pity me. Ilang beses na kong nagmahal at nasaktan. Sanay na ko. Pero please Drew, maawa ka sa sarili mo. Wag mo ng saktan ang sarili mo, please? ” nakita kong may bumagsak na mga luha sa mata niya “ok lang naman na hindi mo ko mahalin eh, ayos lang. Oo inaamin ko, masakit, pero mas masakit para saakin ang makita kang nasasaktan ng dahil sa iba ”





“Jeanell..” lalapitan ko sana siya para punasan ag mga luha sa mata niya ng biglang nagsidatingan ang mga team mates ko. Agad agad naman niyang pinunasan ang luha sa mata niya atsaka umalis palabas ng gym.





Kung pwede ko nga lang diktahan ang puso ko, matagal ko ng ginawa.





[the next morning]





Maaga ulit akong gumising pero ngayon hindi para pumasok kundi para abanggan si Naomi sa kanila at masabayan ko siyang maglakad papasok ng school.





Halos dalawang lingo ko narin kasi siyang hindi nakikita at hindi rin naman siya nag rereply sa mga messages ko kaya miss na miss ko na talaga siya.





Naghintay ako doon sa may park malapit kina Naomi ng may nakita akong familiar na kotse na huminto sa tapat ng bahay nila.





Nagulat naman ako ng lumabas si Stephen doon sa kotse, at sa kabilang side si Naomi.





Teka, bakit sila magkasama ng ganitong oras? It’s still 6 in the morning.





Don’t tell me they’ve spend the night together?





The idea pierced my heart.





At mas lalo na nung nakita kong hinalikan ni Stephen si Naomi. Parang biglang gumuho ang mundo ko.





Pagkaalis na pagkaalis ni Stephen, agad ko namang pinuntahan si Naomi at hinila ang braso nito.





“Drew? ”





“Naomi”



< br>
Tinignan ko ang mga mata ni Naomi. Bakit ganoon? Dati kada titignan ko ang mga mata niya parang sinasabi nito na mahal niya ko.





Pero bat pakiramdam ko hindi na ngayon?





“D-drew..”





“Naomi isang tanong isang sagot, mahal mo pa ba ko? ”





“m-mahal kita Drew. Alam mo yan! ” sagot niya saakin.





Naramdaman kong may halong doubt ang tono niya.





“then prove it to me! Hiwalayan mo na si Stephen! Mag quit ka na sa contract”





Tinignan niya ako sa mga mata at halatang gulat na gulat siya sa sinabi ko.





Umiling siya “no. I-I’m sorry Drew but I can’t ”





“pero bakit Naomi? ! Hindi mo ba alam na sa ginagawa mo hindi lang si Stephen ang pwedeng masaktan! Ako din! ” iniwas niya lang ang tingin niya saakin “kasama ba ko sa contract? Sinabi din ba ng contract na kailangan mo kong saktan ha? ! Sumagot ka! ! ! ”





Tinignan niya ako then hinawakan niya ang kamay ko “Drew, I’m sorry ” kasabay noon ay ang pagbagsak ng mga luha sa mata niya.





I’m sorry? Hanggang doon na lang ba kami?





Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko atsaka tumakbo palayo.





Ang sakit. Sobra.





Minahal ko siya ng husto pero bakit ganito ang nangyari? Bakit parang pati Diyos ayaw na maging kami?





Nangako siya saakin. Nangako siya. Pero bakit ganito na ang sitwasyon? Bakit mas pinili niya si Stephen kesa saakin.





Mahal niya ko pero hindi niya kayang gumawa ng paraan para magkasama kami? Mahal ba talaga niya ko?





Bigla na lang bumagsak ang malakas na ulan kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko.





Si Naomi lang ang babaeng iniyakan ko ng ganito. Siya lang din ang babaeng nakapanakit sakin ng ganito. Kasi siya lang ang nagiisang babaeng minahal ko ng husto.





Mali ako. Dapat una pa lang pinigilan ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Siguro ngayon hindi ako nasasaktan.





“DREW! ! ! ”





May narinig akong mga yabag na papalapit saakin at naramdaman ko na lang na may tao na sa likod ko at pinapayungan ako. Hinarap ko kung sino to.





It’s Jeanell.





Tinabing ko yung payong na hawak niya.





“UMALIS KA! ! AYOKO NG MAKAKAUSAP NGAYON! IWAN MO KO! WAG MO KONG

PAKIKIELAMANAN” sigaw ko sa kanya





“P-pero Drew…”





“HINDI MO BA KO NARIRINIG HA? ! @#$@%$@ MAHAL NA MAHAL KO SIYA ALAM MO YUN? ! SOBRANG

MAHAL KO SIYA! ! PERO BAKIT GANITO? ! BAKIT HINDI AKO ANG PINILI NIYA? ! SABI NIYA MAHAL DIN

NIYA KO PERO BAKIT HINDI SIYA MAKAGAWA NG PARAAN PARA MAGSAMA KAMI? ! @#@$&$&^& PINAASA NIYA KO SA PANGAKO NIYANG WALA NAMAN KINAHANTUNGAN! ANG SAKIT… ANG SAKIT

SAKIT! ”





Binitawan ni Jeanell ang hawak niyang payong





“masakit…” sabi niya saakin “oo masakit! MASAKIT! PAKSHET NA BUHAY TO! ! ! BAKIT NIYA SINAKTAN ANG



TAONG PINAKA INIINGATAN KO? ! BAKIT YUNG LALAKING MAHAL KO UMIIYAK NG DAHIL SA KANYA? !

ANG SAKIT NGA! ANG SAKIT SAKIT! PARA AKONG SINASAKSAK! DREW! BAKIT HINDI NA LANG AKO? !

BAKIT SIYA PA? ! ” biglang yumakap saakin si Jeanell. Ako naman halos hindi makapag salita dahil sa gulat ng pag sigaw niya “..drew, kung pwede lang na kunin ko lahat ng sakit na nararamdaman mo para ako na lang ang masakta. Kung pwede lang na lumuhod ako sa harap ni Naomi at makiusap sa kanya na ako na lang ang saktan niya mataggal ko ng ginawa. Drew, please naman, stop torturing yourself kasi ako din nasasaktan eh.

Mahal na mahal kita.”





Inalis ko sa pagkakayakap si Jeanell then I leaned forward and started kissing her.





The moment that our lips met, narealize ko..





…ayoko ng masaktan pa.





Chapter 39


*stalkers*





[ Naomi’s POV]





I flinched at the sight of Drew’s painful expression.





Yung nararamdaman niya, nararamdaman ko rin. Yun nga lang mas masakit siguro sa part niya.





Nahiga ako sa kama then I stared at the ceiling habang tuloy tuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko.





Ano na ba ang nangyayari? Bakit ba ako umabot sa ganitong sitwasyon? Parang ewan lang eh. Pagkagising ko isang araw kailangan ko ng paiyakin ang ultimate cassanova, umamin saakin na mahal ako ng taong mahal ko, nalaman kong nasa panganib ang buhay ni Stephen, may umepal na mga anak ng mafia sa story, at iniwan ako ng taong mahal ko.





Walanjo, totoo pa ba lahat to? Parang hindi na eh! Mas makatotohanan pa kung ipapatapon ako sa Bermuda triangle at mapapadpad sa liliput island at makakakilala ng maliliit na tao. =_____=





I want to use avada kedavra curse on myself. >___<





Dati naman simple lang ang buhay ko. Wala akong ibang ginawa kundi maglakwatsa kasama si Kryzel, magbasa ng stories ni Haveyouseenthisgirl, alagaan si Hotdog, makipag asaran sa mga kuya ko, at tumambay sa basketball court para silayan si Drew.





Simple lang, walang excitement. Pero masaya ako.





Hindi katulad ngayon. Ang daming nagbago. Gumanda nga ako, pumanget naman buhay ko. I want my nerd look back. I want my simple life back.





I want him back.





Hindi na ko pumasok sa school at nag mukmok na lang sa bahay. Sinabi ko na lang kila papa na masama ang pakiramdam ko. Hindi narin sila nagtanong ng kung ano pa.





Nung gabi, bumaba lang ako para mag dinner then nagkulong na ulit ako sa kwarto ko. Hindi rin ako makatulog.

Buong gabi lang akong nakatitig sa kisame habang umiiyak.





Hindi pwede. Hindi pwedeng mawala si Drew saakin ng ganito na lang.





The next morning, pumasok ako sa school ng lutang ang isip. Kailangan kong makausap si Drew at sasabihin ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Bahala na si batman kung anong mangyari. Maniwala man siya or hindi, basta kailangan kong sabihin sa kanya na siya ang mahal ko.





Napahinto ako sa paglalakad ng may maalala ako.





Paano si Stephen?





Arrrggghhhh nakakabaliw! ! Ayoko na! ayoko na talaga! Sinong kulangot ang nagsabi na napaka swerte ko dahil mahal ako ng dalawang papables? ! Anak ng kwatong! Anong ka-swerte swerte dito? ! Kulang na lang umakyat ako sa tuktok ng eiffle tower atsaka tumalon eh! T__T





Ayoko na! !





“Drew, pupunta ka na ba sa court? ”





“yeah”




“sige sabay na ko sayo”





Napatago ako sa gilid ng mga locker nung makita ko si Drew kasama yung isang girl, na kung hindi ako nagkakamali eh kasamahan ni Kryzel sa pep squad.





Sabay silang naglakad paalis. Sinundan ko naman sila hanggang sa pumasok sila sa gym.





Kung kausapin ko na kaya si Drew ngayon?





Tama! Tutal hindi pa naman nag start yung practice, siguro ito na ang tamang oras.





Lalapitan ko na sana si Drew ng mapahinto ako.





Nakita ko si Drew na nakaluhod sa harap nung girl na kasabay niya and tinatalian niya ito ng sintas. After niyang talian, naupo ito sa tabi niya then yung babae naman, pinunasan yung pawis sa noo ni Drew.





Nagtago ako bigla sa gilid ng door ng gym.





They looked like a sweet couple there. For a second, nakaramdam ako ng matinding selos.





Ewan ko ba kung nagiging malicious lang ako but nasaktan ako sa nakita ko.





What more yung naramdaman ni Drew nung nakita niyang hinalikan ako ni Stephen? Mas matinding sakit?





Tinignan ko ulit silang dalawa and nakita kong masaya silang nagkukwentuhan. Drew is wearing a bright smile on his face.





Masaya ba siya na kasama yung babaeng yan?





Ang sakit isipin.





Habang nakatitig ako sa kanilang dalawa, narinig kong may kumanta ng famous song ni Imelda Papin





“Kung liligaya ka sa piling ng iba

At kung ang langit mo ay ang pag-ibig niya”





Ganun ba talaga yun? Nakahanap agad siya ng iba. Ganun ba kadaling itapon yung sinabi ko sa kanya na mahal ko siya?





“Tututol ba ako kung kagustuhan mo? ”





Pero anak ng pagong ano pa ba magagawa ko? Kung sasabihin ko bas a kanya ang lahat may magbabago ba?

Wala naman di ba?





“Sapat na ang minsa'y minahal mo akoooooooooooo” *piyok*





Tama, siguro sapat na mi- - teka nga? San nanggaling yung piyok? Bat pumiyok yung kumakanta ng background music ko?





Lumingon ako sa likod ko kung saan nanggagaling yung kanta at nakita ko si France na nakatayo sa likod ko at may hawak ng isang box ng tissue paper.





“sorry bakla di carry ng boses ko yung boses ni Imelda Papin eh! Pero ang gandang pang senti no? oh eto tissue gusto mo? ”





Tinignan ko ng masama si France “nangaasar ka ba ha? ! ”





“ay hindeee ” tinignan niya ko ng painosente look the tumingin siya kina Drew “uyy oh new love team na yan! Ibig sabihin kay Stephen ka na! yehey! Stephen ♥ Nami forevah! ! ”





Hindi ko pinansin si France and naglakad na lang ako paalis. Hinabol naman niya ko.





“uy bakla ano na! kay Stephen ka na kasi. Tignan mo mas maraming may Gusto sa Stephen♥Nami kesa sa Drew♥Naomi! ”





Huminto ako sa paglalakad and tinignan si France “oo na! marami na! Kung pwede nga lang eh edi go na ko, kaso hindi”





“at bat naman hindi pwede aber? ”





“eh kasi” I placed my hand on my chest “si Drew ang laman nito. Kahit pagbalibaliktarin ko ang nararamdaman ko si Drew ang mahal ko. Malinaw pa sa sikat ng araw. ”





Tinignan lang ako ni France then huminga siya ng malalim “hay sige na nga bakla. I understand you. Ako ang magiging cupid mo for today”





“Cupid? Wait di ba lalaki si cupid hindi bakla? ”





“ay bruha! Ikaw na tutulungan manlalait ka pa! kaimbyerna ha! sige bahala ka diyan sa buhay mo! ”





“uy joke lang” hinila ko ang braso ni France “help me please? ” nag beautiful eyes ako.



Hmmm siguro wala naman masama kung magpapatulong ako sa baklang cupid na to no? Pasensya na desperada na talaga ko. Kahit patalim kakapitan ko for the sake of my love. =_____=





“hay France ang gwapo talaga ni Drew kahit saang anggulo ko tignan. Tignan mo oh, pang model ang mukha at katawan. Hindi ako makapaniwala na ang isang mala Adonis na tulad niya ay minahal ang isang tulad ko” sabi ko kay France habang nakatingin ako kay Drew na kasalukuyang nakasandal sa may restroom.





“oo nga yummy. Pak na pak! ”





Napatingin ako kay France at nakita kong nakatingin siya doon sa poster nung lalaking naka underwear sa Bench.





Binatukan ko nga





“aray bakla! Yung brain cells ko naalog! Bat ba bigla bigla kang nambabatok? ! ” T___T





“eh kasi naman ano ba talaga ang pakay natin dito ha? ! ang gawin yung step 1 nang oh so brilliant plan mo to bring Drew back to me or mag sight seeing ng mga posters ng lalaking naka underwear? ! ”





“eto naman! napatingin lang ako bigla doon no! pero di ba model ng bench ang kuya mo? May poster din ba siya ng naka underwear lang? ” malanding tanong ni France saakin.





Ang harot harot ng baklang to. Bakit sa kanya ko ba naisipan magpatulong =____=





“Fransisco Juan, gusto mo bang isumbong kita kay Yannie at pinagnanasahan mo ang boyfriend niya? ”





“eto naman! parang nagtatanong lang eh! Ay the bruha is coming! ! ” tinuro ni France yung side na kinatatayuan ni Drew at nakita kong palabas ng rest room si i-don’t-know-her-name.





“Dr ew sorry ha napaghintay kita. Mahaba ang pila eh”





“it’s ok Jeanell, so let’s go? ”





She smiled then naglakad na sila paalis.





“ok, so Jeanell pala ang name niya” sabi ni France habang sinusulat ito sa tickler niyang hello kitty ang design at color pink.





Nasa mall kami ngayon para sa plano ni France na tinawag niyang “Getting Drew Back to Naomi” Operation. At ang step number one ay know your competitor. Kaya ito, nag mistulang mga stalkers kami dito para makasagap ng enough information kay Jeanell.





KASO MALAY KO BANG MAY DATE SILA NI DREW? !





Para kong tino-torture sarili ko nito eh. >_____<





“oy bakla wag ka na sumimangot diyan! Paalis na sila oh! ” kinaladkad naman ako ni France at patago silang sinundan.





Nakita namin na pumasok sila sa Starbucks kaya kami rin nakasunod sa starbucks.





Umupo kami sa table malapit sa kanya. Good thing madaming pang disguise itong si bakla. Ewan ko lang kung saan niya ginagamit. Siguro madalas niya i-stalk ang mga papa niya.





“Jeanell, ano gusto mo? ”





“coffee jelly na lang”





“ok then, order lang ako ha? ”





“sure”




tumayo si Drew and nagpunta na sa counter.





Nilabas ni France yung tickler niya and he scribbled something.





“she ordered coffee jelly”





“importante pa ba ilista kung ano ang inorder niya? ”





“oo naman no! para makita kung gaano ka panget ang taste niya! ”





“favorite ko rin ang coffee jelly” =____=





“ay ganun? Di mo naman agad sinabi saakin bakla! ” kinuha niya ulit yung tickler niya at nag sulat“pareho sila ni Naomi na favorite ang coffee jelly”





Talaga bang importante pang isulat niya na pareho kami ng favorite?





Nung makabalik si Drew, si France naman ang tumayo para umorder. Maya-maya lang din, bumalik na si bakla.





“oh ano Naomi, may something na ba silang pinagusapan? ”





“Wala pa naman”





“good! ”





Tumingin kami sa dalawa at tinalasan ang pandinig doon sa mga pinaguusapan nila.





“thank you Drew ha? for askin me out.. kahit na, alam mo na..”





“ano ka ba! Wala yun no! tsaka best friend naman kita eh” sagot ni Drew





“bestfriends sila? ” sabay naming sinabi ni France ng pabulong





“uhmm, sorry ha? kung iniiwasan kita” sabi ni Jeanell





Teka iniiwasan? Bakit? Ano meron sa kanila? Ano? I’m curious!





“ano ka ba! Hayaan mo na yun. Tsaka wag na nating pagusapan. How about let's watch a movie after this? ”





“s-sure! ”





Manunuod sila ng movie?





Hindi pa namin nagagawa ni Drew dalawa yun.





“ay bakla kaimbyerna ah! Di ako maka relate sa pinaguusapan nila! Tsaka grabe dumamoves itong si Drew, sine agad? Madilim doon! ”





“ang dumi ng isip mo France! ”





“why? Wala naman akong sinabing iba! Ang sabi ko lang madilim sa loob ng sinehan! Bakit hindi ba? ”





“one Coffee jelly and one chocolate chip for Bubbles” sabi nung barista





“ay ako na yan! Wait lang bakla” tumayo si France at nagpunta doon sa counter para kunin yung order niya.





Bubbles? ! Ewwwww. Kelan pa siya naging Bubbles?





After ng starbucks, pumasok sila sa Bench kaya nakasilay na naman si France doon sa poster ng lalaking naka underwear.





“pumasok sila sa Bench” France scribbled on his tickler.





Nandun lang kami ni France sa labas ng Bench at nag aabang sa kanila. Pinanuod ko si Jeanell at si Drew.

Nagtatawanan silang dalawa habang tumitingin ng damit. May itinatapat si Jeanell sa kaatwan ni Drew na damit pangbabae, tapos naman si Drew tinatapatan si Jeanell ng damit panlalaki.





Ang saya saya nilang tignan.





Kung tutuusin yung mga bagay na ginagawa nila ay mga bagay na hindi namin magawa ni Drew. Yung mga bagay na yun, kayang ibigay sa kanya ni Jeanell, samantalang ako hindi.





Si Drew, alam kong hindi siya magiging masaya habang nakatali siya saakin. Masasaktan at masasaktan ko lang siya.





Siguro tama na rin to? Tama na bitawan ko muna siya.





Tinignan ko ulit sila and kasabay ng pagtingin ko ay ang pagtingin ni Drew saakin.





Our eyes met and pareho kaming gulat na gulat.





Napasandal ako bigla sa wall





“F-france! H-he saw me! Drew saw me! ” O__O





“what? ! ”





Nakita kong palapit saamin si Drew kaya agad kong hinila si France patakbo.





“Naomi? ” narinig kong sabi ni Drew.





“waaaah bakla bat ka naman kasi nagpakita ha! ”





“malay ko bang lilingon siya sa direction ko! ”





Napahinto kaming dalawa ni France dahil dead end na at nasa kabilang dulo yung escalator. Pag tumakbo kami pabalik, makikita nila kami. Waaaaah ano ba to! Sabi na eh suicidal mission ang pinasok ko! ! T___T





Nakita kong parating na si Drew at Jeanell. Juskooo bahala na si batman sa gagawin ko, pero wag sana kong mapunta sa hell. Lord, patawarin niyo ko. Magkakasala ako.





Hinila ko si France atsaka ko isinandal sa pader





“o-oy bakla! Ano balak mo ha? ! ” O___O





Idinikit ko ang mukha ko kay France at nagpanggap na hinahalikan siya. Pero oy! Di nag dampi labi namin ha!

Mandiri kayo! =____=





Ay tokwa ano ba tong ginagawa ko? Nasusuka ako!





“Naomi! Lumayo ka hindi tayo talo! Lalaki din ang hanap ko! ”





“manahimik ka diyan France! Kunyari naghahalikan tayo! Palapit na sila! ”





“hindi ka ba nandidiri? ! ” O____O





“hindi, hindi ako nandidiri… Nasusuka lang! ” =____=





Narinig ko yung mga yapak nila.





“sure ka bang si Naomi ang nakita mo? ” dinig kong sabi ni Jeanell





“oo hindi ako pwedeng magkamali.”





“ay tofu eto na sila! Yakapin mo ko! ” pabulong kong sabi kay France





“paano? Ganito ba? ” he put his arms around my neck. Ako naman sa waist niya.





Ay tofu! Kung titignan niyo parang ako ang lalaki saaming dalawa. Naiimagine niyo ba? Ako ayoko ng imaginin, nasusuka ako.





“oh may naghahalikan, wag tayo dito” sabi ni Drew





“grabe namang PDA yun” sabi naman ni Jeanell.





Naramdaman kong palayo na sila kaya humiwalay narin ako kay France.





“grabe bakla, next time na gusto mong magtago wag mo nang magawa saakin yun! Hindi ko pinangarap na mahalikan ulit ng babae! Ewwww talaga ewwww! ”





“excuse me no! parang gusto ko naman yung ginawa ko! Kung alam mo lang kung gaano ako kinilabutan! ”





“hmp! Tara na nga at sundan na natin sila! ”





Hinila ako ni France kaso hindi ako gumalaw “ano, France..wag na.”





“ha? ano ka ba! Hindi na tayo mahuhuli! ”





“hindi yun. I mean, tignan mo ang saya-saya na ni Drew. Ayoko na siyang guluhin ngayon. Siguro mas maganda kung mag uusap na lang kami ng maayos”





“sure ka ba diyan te? ”





I smile at him then kinuha ko yung phone ko.





I typed “let’s talk” and send it to Drew.

Submitted: Monday, April 28, 2014
Edited: Tuesday, April 29, 2014

Do you like this poem?
0 person liked.
0 person did not like.

Related Poems


Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Comments about this poem (Breaky5 by Aiyabells 002 )

Enter the verification code :

There is no comment submitted by members..

Top Poems

  1. Phenomenal Woman
    Maya Angelou
  2. The Road Not Taken
    Robert Frost
  3. If You Forget Me
    Pablo Neruda
  4. Still I Rise
    Maya Angelou
  5. Dreams
    Langston Hughes
  6. Annabel Lee
    Edgar Allan Poe
  7. If
    Rudyard Kipling
  8. Stopping by Woods on a Snowy Evening
    Robert Frost
  9. I Know Why The Caged Bird Sings
    Maya Angelou
  10. Invictus
    William Ernest Henley

PoemHunter.com Updates

New Poems

  1. Puddles Of Life, RoseAnn V. Shawiak
  2. WHAT DO WE HAVE TO LOSE MORE THAN WHAT W.., MOHAMMAD SKATI
  3. Rembrandt, Phil Soar
  4. Margrit Biever Mondavi…..Happy Birthday .., James B. Earley
  5. Symbols Unremembered, RoseAnn V. Shawiak
  6. Restoration, Nalini Chaturvedi
  7. Lovely Fact, Naveed Akram
  8. Road to Black, Amateur Vagabond
  9. Her Unconditional Beauty, Mpho Tsakata
  10. Lead Me Into Light, Valerie Dohren

Poem of the Day

poet Christina Georgina Rossetti

Where sunless rivers weep
Their waves into the deep,
She sleeps a charmed sleep:
Awake her not.
Led by a single star,
She came from very far
...... Read complete »

   

Member Poem

[Hata Bildir]