Aaaaaaaaa4 Poem by Aiyabells 002

Aaaaaaaaa4

***
After 3days ng pagbabalik ko, niyaya ako ni Aila na maggala gala sa may mall na malapit. Sabi niya bonding day man lang daw namin after so many years of not seeing each other edi ayun pinagbigyan ko ang bruha since miss ko na rin naman siya. Kasama namin of course ang baby ko, I can't bear to leave Blue, he's my treasure. >_

Kung saan saan kami nakapunta, shopping dito shopping dyan. Grabe para kaming galit sa pera kung makagastos. -___-
Di bale na paminsan minsan lang naman eh. XD


'Saglit lang Momo ah, may papakinggan lang ako.' pumunta si Aila dun sa isang pila ng mga CD's at may pinakinggan dun. Nasa Odessey kasi kami ngayon, alam mo na nagtitingin tingin ng mga magagandang CD na mabibili. Ganto lang talaga kami kahit may internet na at downloadable na free songs ay mas pinipili pa din namin bumili ng CD dahil sa tunay na fans talaga kami ng music.


Ako naman hawak hawak ko si Blue sa kamay ko habang nagtitingin tingin ng CD's. Medyo nawiwirduhan nga ako kasi puro korean songs na lang ang mga nakikita ko, ganto na ba kauso mga korean songs sa Pinas? Wuu.

Pero habang nagtitingin tingin ako ng CDs, nakita ko sa isang CD na may album title na 'HEAR ME' tapos nakalagay dun picture ng isang lalaki na nakatalikod at nakalagay sa pangalan niya ay MC. Bigla bigla naalala ko yung napakinggan ko sa radio, ito rin yun eh.


Sinubukan kong isalpak sa pakinigan ng CD dun sa Odessey iyong CD na iyon at pinakinggan ko. Number 1 sa album yung kanta mismong 'HEAR ME' na siyang mismong title na rin ng album.


'Hmmm...' napapapikit ako habang nakahawak ang isang kamay ko sa may headset at pinapakinggan yung kanta. Nagagandahan ako kahit hindi ko naiintindihan yung kanta.


Yung boses kasi nung kumakanta... it makes me remember of someone...



Kaparehas siya ng boses ni Sync.
And the melody of the song? It's very familiar to me tho hindi ko lang talaga maintindihan yung lyrics kasi naman korean.


Pero naiinlove ako dun sa boses, alam kong imposibleng maging si Sync ito pero ang sarap iimagine na naririnig ko ulit ang boses niya. Simula rin kasi nun I didn't dare to listen to his songs anymore dahil alam kong mas made-depressed lang ako pag naalala ko ulit siya.

Pero this time... how it feels good to hear a voice like his.




'Momo! '

'Ay kabayo! ' nabigla naman kasi ako dahil habang nakikinig ako bigla na lang akong tinapik ni Aila sa balikat, nakabalik na pala siya hindi ko tuloy namalayan.

'Anong pinapakinggan mo? ' pinakita ko yung CD, 'Ah yung Hear Me? Hehe. Type mo? Sikat yan satin ngayon, number#1 rank niyan sa mga korean songs na namamayagpag dito sa Pinas.'

'Wow, talaga? '
'Yup, actually dahil sa sikat na sikat siya dito sa Pinas ay nakapagdesisyun ang company nila sa Korea na magheld ng concert dito, sa Saturday na nga iyon eh. You want to go? '
'Ha? I like the music kahit hindi ko naiintindihan but I think I'm not interested na manuod ng concert ng isang singer na hindi ko pa naman gaanong nakikilala ang mga kanta. Saka hindi naman ako fan ng korean songs, ngayon nga lang ako nakarinig eh. Hindi naman kasi trend yan sa London.'

'Ano ka ba, okay lang yan Momo. Try mo lang, pogi yung singer! HAHAHAHA! ' luka luka talaga itong babaeng ito, nawala lang ako natuto ng lumandi at pogi na ang hanap. -___-

'Pero kidding aside Momo, actually fan kasi ako niyan eh. May concert ticket na nga akong nabili para sa Saturday.': D

'Nyeee. Adik ka oh.'
'Sadya! hahaha! Sumama ka sakin Momo, please? '
'Ayoko nga, '
'Parang sasamahan mo lang ako, libre naman kita ng ticket eh, pleaseeeee? '
'Kahit sasamahan lang kita Aila ay hindi pede, hindi ko maiiwan si Blue nuh! Walang magaalaga.'
'Edi isama mo! '
'Oy ano ka ba, concert yun edi hello, puyatan yun? Hindi pedeng mapuyat itong bata! '
'Jusme naman Momo, edi uuwi na tayo before ten pm okay? '
'Edi parang nagaksaya ka lang ng ticket? ! '
'Dali na kasi Momo, andun naman si Mirko, ihahatid niya na lang kayo pauwi pag inaantok na si Blue.'
'Eh andun naman pala si Mirko, edi may kasama ka na pala bakit pinipilit mo pa akong sumama sayo.' -___-


'Dali na kasi Momo, ang KJ mo naman nagkaanak ka lang. Sige ka magtatampo ako sayo, ayaw mo naman kasi ata akong kasama.' -___-

Ay ang bruha, dinaan ako sa drama. -___-



'O sige na nga, basta pag inantok na si Blue, uuwi na kami ha! ' ayan, in the end wala na akong nagawa kundi pumayag. Pupunta ako sa concert ng isang Korean singer na hindi ko naman kilala, what the. -__-


***


I don't know why, even before the night of the said concert, I kept on listening to that same Korean song 'Hear Me' even if I don't understand a fig. The song is just so soothing that it warms my heart for unknown reasons. Nawiwirduhan na nga ako sa sarili ko, ito ba effect ng korean songs na kahit hindi mo naiintindihan ay napapamahal sayo kaya ba sumikat ng ganto ang mga korean songs sa pinas? Feels so weird.


O siguro kaya ko lang ito pinapakinggan ay para naman makarelate ako kahit konti sa concert night? Ay ewan. Nakakabaliw, kahit nga si Blue tuwang tuwa na pakinggan yung kanta. Hala palibhasa kasi bata, kahit ano gusto pakinggan, pag nakahiga nga kami sa kama at nakikinig ako dun sa kanta gamit ang mp3 ko(na-download ko via internet saka na ako bibili ng cd pag nagustuhan ko talaga) ay ka-share ko si Blue sa headset ko at tuwang tuwa siyang makinig yung kanta at minsan ito yung nagpapatulog sa kanya.


***

The night of the concert, grabe hindi ko expect na andaming fans nitong MC, yung singer ng Hear Me. Naku-curious tuloy ako sa itsura niya kasi sa labas andami niyang concert posters pero puro nakatalikod naman, shy ba siya masyado at ayaw ipakita ang mukha? -___-


'Wait, Aila, diba dito ang entrance? ' pagtuturo ko sa may entrance ng concert hall kasi sa ibang landas kami naglalakad, parang papunta sa likod ng concert hall. -_-

'Yup, we know pero may VIP tickets ako kaya sa backdoor ang daan natin so we could have a chance to have an autograph with MC.'

'VIP tickets? Bakit meron kayo niyan? ' O__O
'May raffle draw kasi dati eh nanalo ako, kaya may VIP tickets ako. BWAHAHAHA.'
'Nye, baka ikaw lang pede pumasok sa back door kasi ikaw lang naman nanalo, baka bawal kami. Dun na lang kami sa may entrance dadaan.'

'Hindi, okay lang yan ano ka ba, ' bigla niya akong hinigit sa may kamay ko, 'I can bring daw a friend with me at sigurado pwede na rin yan si Blue. Tara dali! '

Wala na akong nagawa kundi sumunod kay Aila sa backdoor ng concert hall, may naalala tuloy ako sa backdoor thingy. I used to enter here... yung concert night noon ng Syntax Error, I'm pretty sure na ito rin yun same place and that's the same back door I tried entering that night.Suddenly I felt sad by remembering a funny memory.


Nung nasa loob na kami, pinaghintay muna kami dun sa isang tabi sa may backstage habang inaantay namin si MC daw para sa autograph ni Aila. Ay loka lokang babae talaga ito, adiktus na dun sa MC na yun kung sinuman iyon. Bukod daw kasi sa The Script, ito na daw favorite nya. -__-

Habang nagiintay kami ay nakikipagdaldalan ako sa kanya habang katabi ko si Blue sa upuan, naglalaro lang yung bata ng paa niya, pasway sway yung paa niya habang nakaupo at pinagmamasdan niya iyon kaya relax lang akong nakikipagdaldalan kay Aila pero habang nakikipagdaldalan ako kay Aila...


'Momo, asan si Blue? ' biglang tinuro sakin ni Aila yung upuan ni Blue na nasa tabi ko lang. Pagtingin ko ay wala na dun yung baby ko, nabigla ako, kakadaldal ko kay Aila hindi ko na napansin nakaalis na pala si Blue.

'Hala Aila, asan yung anak ko! ' nagsisimula na akong magpanic. I can't see my baby! Katabi ko lang kanina yun eh!

'Wait, calm down Momo. He got to be here somewhere here, hanapin natin let's asks around. Maghiwalay tayo, dito ako sa parteng ito dun ka naman sa parteng yan. Magtanong tanong ka sa mga staff along the way na baka may nakita silang bata. Calm down okay, mahahanap natin si Blue.'


Tumango ako at naghiwalay na kami ni Aila, nagsimula na akong maghanap hanap.

'May nakita po ba kayong batang ganto kaliit, mga 4yrs old po, hindi po mataba ni mapayat tama lang, tapos maputi at matangos ang ilong. Naka-blue shirt siya at nakawhite shorts tapos may backpack siyang cookiemonster ang design, baka po nakita niyo? ' paulit ulit ko ng tanong yun sa bawat staff na makakasalubong ko.

'Ah oo ata, parang dun siya tumakbo kanina sa parteng yun, ' sinundan ko ng sinundan ang mga direksyong tinuturo nila sakin. Nagtataka nga ako eh, alam na nilang may batang pakalat kalat sa backstage eh bakit hindi pa nila pinigilan at kinuha? Atleast man lang that way makukuha agad siya pag may naghanap diba? Arghh.


'Ah, nakita ko ata na nagpunta dun, ' nagtanong ulit ako at tinuro ako na magdiretso pa ng konti.
'Dyan po? ' pagtatanong ko ulit.
'Yeah, diretso ka lang, buksan mo yung pinto ineng, ' tinuro niya sakin yung pintong nakasarado, 'May kumuha sa kanya eh tapos binuksan yang pintong yan at pumasok. Baka andyan sila sa loob, pasok ka lang.'

'Ah salamat po.'

Tumakbo agad ako dun sa may pinto kasi kinabahan ako ng marinig kong may kumuha daw kay Blue na ibang tao, hala sino kaya iyon? Sana safe and trusted person, hindi sana kung sinu sino. Ano ba yan, ayaw kong may mangyaring masama sa anak ko. >__


'Blue! ' sumigaw pa ako nun pagkabukas ko ng pinto pero nabigla na lang ako nang pagkabukas ko ng pinto ay nakapunta na pala ako sa may stage ng concert hall...


Yes, after the door is the stage.


And when I shouted for Blue's name, everyone heard me dahil tahimik lang lahat ng audience which is very weird kasi concert nga ito diba?


'Mimi! ' pero hindi pa man ako nakakabawi sa shocked ko na mapunta sa mismong stage ay nakita ko si Blue sa may gitna ng stage at tinatawag ako, hawak hawak niya yung kamay nung isang lalaki na nakatalikod sakin at nakaluhod kay Blue para mapantayan ito.

'Mimi, mimi! ' tinatawag ako ni Blue at tinuturo yung guy na hawak hawak niya ang isang kamay, 'singer... cellphone... singer! Mimi! '


Pabulol bulol yung pagsasalita ni Blue pero naintindihan ko yung sinabi niya, tinuturo niya yung guy at sinasabing ito daw yung kumakanta na naririnig niya sa cellphone ko gabi gabi kasi nga diba pinapakinggan din ni Blue yung 'Hear Me'?


Pero bakit kasama niya si Blue at hawak niya pa ang kamay nito?


'Ah ano...' magsasalita pa lang sana ako para bawiin yung anak ko kaso hindi pa man ako nakakapaglakad palapit ay nabato na ako sa kinatatayuan ko dahil bigla bigla sa may big screen sa may stage ay nakita ko ang mukha ko dun sa video na nagpeplay sa big screen sa stage...




yung video ko na kumakanta...

READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success