HAGDAN SA BITUIN
Natatapunan ka ng madilim na ulap
Hindi kita maaninag
Minsan walang patutunguhan
Minsan walang bakas ng liwanag
Ngunit sandaling ipikit ang mga mata
Kaisipan ituon sa kabilang dako
Unti-unti ihakbang ang mga paa
At dahan-dahan tahakin ang baitang
Bumangon agad ng may pagmamahal
Pasulong at pataas lang ang pag-akyat
Kahit dala ang mga pasanin
Kapit lamang sa kanya
At sa sariling tiwala't sikap
Makikita rin ang ningning ng pangarap
Dugo, pawis, luha
Ang silbing langis ng kalakasan
Tapat sa hamon ng buhay
Magtiis sa mga balakid
Dalisay ng puso at tibay ng loob
Ang magbibigay ng landas ng pangarap.
Tula ni: Herbert Guitang
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem