Hindi kita naabot aking mahal na Pangarap
Laging nadadapa at hindi makabangon
Wala ng nakikinig, wala ng nagbabasa at wala ng mga kamay
Maraming kaibiga'y unti-unting naglalaho
Aahon pa lamang ay bulusok na sa pagbagsak
Puso'y sugatan at damdaming puno ng kaluhaan
Disyertong pag-ibig na walang tamis at walang ugat
Pawis at pagod ay nagbubunga lamang sa hangin
Walang direksyon, walang patutunguhan at walang mararating
Mga panyong pampunas sa mata'y laging basa sa suliranin
Mga pagkakamali'y humahakbang sa putikan ng pagbabago
Nasasaktan, nagdaramdan at gustong sumuko sa buhay
Nangungulila at sabik sa mga naputol na pagsasamahan
Sayong paglayo'y kalungkutan ang dulot na hatid
Sa mga titik na masusulat ay mabubuo ang mga napunit na mga puso
Sa huling letrang ito'y maaalala ang nag-iisang naiwan sa akin kundi ang napakagandang Alaala.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
last letter.alaala; google translate