Isipin Poem by Cynthia Buhain-baello

Isipin

Hindi natin alintana
Ano mang oras sa tadhana
Ang buhay magwawakas
Parang dahong nalalagas.

Si Kamatayan umaani
Walang edad na pinipili
Sa isang iglap nawawala
Matanda man o bata.

Hininga ng bawat tao
Parang hanging naglalaho
Narito ngayon at buhay
Bukas ay namamatay.

Kaya nga't ating isipin
At tunay na bigyan pansin
Kung saan tayo tutungo
Kung sa mundo tayo maglaho.

Hanapin ang ating Diyos
Bago buhay ay matapos
At sa kabilang buhay
Sa Kanya mahimlay.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Cynthia Buhain-baello

Cynthia Buhain-baello

Manila, Philippines
Close
Error Success