Sa lamig na dumadalaw sa aking pagkatao
Dala marahil ng matinding pangungulila ng puso ko
Sigaw ng damdamin, hiyaw ng pananabik
Ikaw, Mahal ko ang nais makasama at makatalik!
Ah... sa pagpikit ng mata balintataw mo ang nakikita
Paningin na puno ng pagnanais
makaisa ng lubusan, o, kay tamis!
Init ng aking hininga, masalsal na kaba
Masidhing apoy ng pakiramdam
Lumulukob sa pagkatao ko sinta!
Halika na, Mahal ko....
Haplusin mo ang nangungulila ko'ng puso!
Angkinin mo at gampanan ang hangarin ng aking pagkalilo
Sa pag-ibig na masidhi,
Pukawin mo ang pagkauhaw sa aking pagkatao!
Such a beautiful openess verses with compassion - with an invite to touch the lonely heart.... and wake up the hungry inner feeling - nice words.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
very passionate.. sensual..pouring out all emotions and love... an intense longing....