Kung Ako’y Malimot Mo Poem by Taritz Geronimo

Kung Ako’y Malimot Mo

Gusto kong malaman mo
Ang isang bagay.

Alam mo kung paano ito:
Kung ako ay titingin
Sa kristal na buwan, sa pulang sanga
Ng marahang taglagas sa aking bintana,
Kung hahawakan ko
Malapit sa apoy
Ang hindi malirip na abo
O ang kulubot na katawan ng troso
Ang lahat ay bumubuhat sa akin patungo sa iyo,
Animo’y lahat ng umiiral,
Mga samyo, liwanag, mga metal,
Ay maliliit na bangkang
Naglalayag
Patungo sa iyong mga islang sa akin ay naghihintay.

Sa ngayon,
Kung unti-unti ay tumigil ka sa pagmamahal sa akin
Titigil ako sa pagmamahal sa iyo, unti-unti.

Kung bigla
Ako ay malimot mo,
Ako ay huwag mong hanapin,
Sapagkat ako ay sadyang nakalimot na sa iyo.

Kung iisipin mo nang matagal at hangal
Ang hangin ng mga bandila
Na dumaraan sa aking buhay,
At ikaw ay magpasya
Na ako’y iwan sa dalampasigan
Ng puso kung saan ako’y inugatan,
Alalahanin
Mo na sa araw na iyon,
Sa oras na iyon,
Iaangat ko ang aking mga bisig
At ang aking ugat ay pipiglas
Upang humanap ng ibang kanlungan.

Ngunit
Kung bawat araw,
Bawat oras,
Maramdaman mong ikaw ay itinalaga para sa akin
Nang may di masawatang katamisan,
Kung bawat araw may isang bulaklak
Na umaakyat patungo sa iyong labi upang ako’y hagilapin,
Ah aking mahal, ah sariling akin,
Sa akin ang lahat ng alab ay naulit,
Sa akin ay walang napawi o nalimot,
Ang pag-ibig ko ay nabubuhay sa pag-ibig mo, mahal,
At hangga’t ika’y nabubuhay ito ay nasa iyong bisig
Na ang akin ay hindi nililisan.

A Translation of:

If You Forget Me

I want you to know
one thing.

You know how this is:
if I look
at the crystal moon, at the red branch
of the slow autumn at my window,
if I touch
near the fire
the impalpable ash
or the wrinkled body of the log,
everything carries me to you,
as if everything that exists,
aromas, light, metals,
were little boats
that sail
toward those isles of yours that wait for me.

Well, now,
if little by little you stop loving me
I shall stop loving you little by little.

If suddenly
you forget me
do not look for me,
for I shall already have forgotten you.

If you think it long and mad,
the wind of banners
that passes through my life,
and you decide
to leave me at the shore
of the heart where I have roots,
remember
that on that day,
at that hour,
I shall lift my arms
and my roots will set off
to seek another land.

But
if each day,
each hour,
you feel that you are destined for me
with implacable sweetness,
if each day a flower
climbs up to your lips to seek me,
ah my love, ah my own,
in me all that fire is repeated,
in me nothing is extinguished or forgotten,
my love feeds on your love, beloved,
and as long as you live it will be in your arms
without leaving mine.

Pablo Neruda

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success