....kung ang lahat ay hiram lang -
at tikatik ng de-numerong orasan ay mabalam
hindi naman ang kanyang pamamaalam...
kulay man ay pumusyaw,
ganda man niyang taglay ay maparam
katatagan o katapangan man ay manghina
at tuluyang matunaw sa tindi ng darang...
alaala pa rin niya ay uukit sa kasaysayan!
....kung ang lahat ay hiram lang-
wala ako'ng pinagsisisihan
hahagkan ko ang tamis at pait
ng kaligayahan at kahungkagan
ng kaluluwang hapo ngunit puno ng pag-asam!
...kung ang lahat ay hiram lang-
yayakapin ko pa rin ang buhay
at magpapatuloy sa hamon ng orasang hiram!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem