Members Who Read Most Number Of Poems

Live Scores

Click here to see the rest of the list

(May 25,2008 (d day this page was born) / Philippines)

What do you think this poem is about?

For Example: love, art, fashion, friendship and etc.

! ! ! Kung IKAW lamang ay S A N A

Binigyan mo ng ngiti ang tikom na makipot na labi
Kulay ng pisngi ay nag-iba, malarosas kapag ika'y nakikita
At sa bawat ngiti ng mapanukso mong labi
Di mawari, pakiramdam ko ang kagustuhang mayakap mo muli!

Naging isa, tinadhana ng Lumikha
Buong pagkatao isinuko pati ang kaluluwa
Tamis ng pagmamahalan binabalik-balikan
Sinumpaang pagmamahalan, malayang ipinaramdam.

Halakhak na dulot ng malikot na isip
Lalong napalapit sa iniibig
Bawat luha na pumatak
Buong pusong niyakap, inunawa, tinanggap.

Mahal kita... saiyo ako ay gustong humabi ng SANA
Hanap ka lagi ng puso, laman ng isip, nasa ng pagkatao
Ikaw na tila kasukat ng katawan, kahati ng pagkatao,
at sa pag-iisa ng mga kaluluwang tunay na nagmamahalan!

Kung IKAW lamang ay SANA
humabi na ako ng pangarap na TAYO ngang dalawa
Magkahawak-kamay na tatahakin
mamuhay sa mundo ng walang hahamakin!

Subalit heto tayo, kasalukuyang nakakahon
Ikaw sa mundo mo na bigla ay sinubok ng pagkalito
Mahal mo ba siya o ako ba...
O mamaalam na sa pagmamahalang walang kasing-sarap na pinagsaluhan?

Ramdam ko ang pagbabago mo
ngunit naiintindihan ko
tanikala mo'y hindi kailanman mapapatid
lalagi ka na lamang AKIN sa panaginip...

Kung ikaw lamang ay SANA...
Alam ko, tayo ay magiging maligaya.

Ngunit...

Akala ko nung una ang SANA ay pag-asa.

Submitted: Thursday, April 04, 2013
Edited: Friday, October 11, 2013


Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?

Poet's Notes about The Poem

...you've changed a lot. You don't even bother calling me. Sabi mo, miss mo ako... papaano kung pati pagtawag ay wala nang halaga sayo. Mahal mo ba talaga ako?

Mahal na mahal kita... kaya ako nasasaktan.
Nag-aantay lang naman ako.
Pero... naparam na ang tunay na pag-ibig mo.

Comments about this poem (! ! ! Batam-Bata Pa Ang ULAN by Inner Whispers )

Enter the verification code :

There is no comment submitted by members..
[Hata Bildir]